ika apatnapu't isa

Start from the beginning
                                        

"Uh, what are you doing here?" tanong ko kay Raj. Nagkibit balikat siya sabay upo sa sopa sa gilid ko. Ibinibaba pa nga niya ang dala niya coffee sa tabi ko.

"Checking on you. How's the first day?" tanong niya. Ibinalik ko sa docs sa harap ko ang mga mata ko.

"Hmmm. Sakto lang." sagot ko ng hindi siya tinitignan.

"Sakto? Need a hand? I can help you." malambing na salita niya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako. "I can handle it. Tutulungan mo ako? I doubt it! Hindi nga kasya ang sarili mo sa isang araw para sa company niyo." natawa ako at nailing. Ngumuso si Raj at halatang nagpipigil ng ngiti.

"What?" tanong ko ng makita tuluyan na siyang ngumisi. "I'm just surprised you know something about me. Are you mad coz' I'm busy?"

Umirap ako. "No! Baliw 'to! We're not some teen lovers na kailangan magkasama bawat segundo. We're adult now.. And being an adult means growing up. And sometimes, growing up means growing apart."

Nawala ang ngisi ni Raj. "I don't want to grow then. I don't want us to be apart." tunog bigo at pait ang boses ni Raj. Hindi ko alam kung bakit may parte sa puso ko ang nahabag ng husto sa kanya. Sobrang bait ni Raj. Hindi ko kayang saktan siya. Hindi. I don't want to break him in every possible way.

"Hindi tayo maghihiwalay." ngumiti ako and assure him that no matter what, I'm always at his side.

"Promise me, Bree.." seryosong salita niya sabay abot sa kamay ko. Bahagya akong ngumiti. "Promise, Raj."

Umalis na din si Raj after a little chitchat. Hinihintay ko nalang ngaun ang CEO para sa meeting. I really want to go home sa dami ng aaralin naging problema ng company.

"Ma'am, sorry to interupt but the CEO is in the conference room now. He just arrived."

Well, this is it. Kahit alam kong magkikita kami ngaun ay hindi ko pa din mapigilan hindi matakot. What the heck lang diba? This is so unfair! Nasaan na ang lakas mo na inipon mo Bree?

"Okay. Give me a minute." sagot ko. Tumango si Akira at lumabas ng office ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili sa salamin. I look good. Hindi naman na ako mukhang mangmang ngaun. Pero kapag si Anton ang nakakasama ko, pakiramdam ko ay nabobo ako.

Walang sabi kong binuksan ang conference room. Natigilan ako bigla at gustong umatras ng si Anton lang ang tao sa loob. He's playing with his lower lip using his fingers. Nang makita niya ako ay bahagya siyang napaayos ng upo. His eyes turns cold. His face turns stoic.

Eh? What happened to you Bree? Carry on! Umiwas ako ng tingin and walk confidently towards the swivel chair on the other center part.  Magkaharap kami. Madilim ang mga mata ni Anton at puno pa din ng galit.

"Wala manlang greetings?" he said sarcastically.

Umirap ako at tumikhim. "Good morning." pormal kong sabi. Tumaas ang kilay niya. Ang mga mata niyang galit ay nahaluan ng pagkamangha. He even gave me a sarcastic and amused grin!

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng conference room. Hindi pa ako mapakali coz he's literally staring at me shamelessly!

Tumikhim si Anton. "How are you?" seryosong tanong niya. Napanganga ako sa gulat.

"I believe we're here for a business meeting." sagot ko ng makabawi sa gulat. Tumango si Anton at nag igiting ang panga.

"Is it bad to ask you?" tanong niyang pabalik. Umiling ako. "You're asking something personal."

"Personal." ulit niya sa sinabi ko. Pumikit siya ng mariin. Pagdilat niya ay napuno ulit ng galit ang pait ang mga mata niya. Bakit ba siya galit? His eyes is showing some pain and sorrow. Tila ba madaming hirap na dinaanan at tinatago sa pamamagitan ng panlalamig nito.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now