I chose our driver dahil alam kong mahahassle sila. Though ayaw ni Raj, I still insist. Palagi naman niya akong pinagbibigyan.
"Dad," bungad ko ng tawagan ko siya. Naipit kasi kami sa trapik at naiinip na ako.
"Are you good? Nasundo ka ng driver?" sagot niya.
"Yes po. Are you busy?" tanong ko. Umandar na ang sasakyan at nagpatuloy umabante.
"Yes, baby.. I'm sorry." sagot niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa sinabi niya "baby". After four years, ngaun ko lang ulit ito narinig na ginamit sa akin. I even asked Raj to stop calling me baby.. Ganoon din ang ginawa ko kay daddy.
Binalewala ko iyon. Okay kana Astrid! "Is your company okay?" tanong ko.
Bumuntong hininga si dad. Alam kong hindi magandang sinyales iyon. "I'm trying my best. Your tito Dom doesn't not want to handle it anymore. Ayaw din ni tito Draco at Darton mo."
"Oh, okay." sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko.
"Sa bahay ka uuwi?" tanong niya ng tumahimik ako. Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
"No. Sa condo po." sagot ko.
"Ganon ba? Okay see you later. Take care.." binaba ni daddy ang tawag.
Pumikit ako ng mariin pagkadating ko sa condo ni daddy. Nilapag ko agad ang bag sa sopa sabay napasalampak.
Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Hindi ko pa hinaharap ang problema ng kumpanya ay ginugupo na nito ang utak at katawan ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Kumalam ang tyan ko dahil sa matinding gutom ng magising ako. Pakiramdam ko nga rin ay nangayayat ako sa ilan linggo walang ganang kumain.
Napatalon ako ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si mommy.
"Astrid," napatigil siya. Napakunot ang noo ko. She's still not use to call me by my real name huh? "I mean, Bree, I heard you are already here. Bakit hindi ka sa mansyon umuwi?" nahimigan ko ang tampo sa boses ni mommy. Kahit kasi pumupunta siya sa US noon to visit me, hindi kami masyado nag uusap at nagbobonding. Bukod sa busy talaga ako sa school ay umiwas talaga ako. I'm cool with her though.
"Sorry po, uuwi ako jan ngaun." sagot ko at nagsimulang hanapin ang susi ng sasakyan ni daddy sa basement. I've learned how to drive too. Tinuruan ako ni daddy sa US.
"Nakapagpahinga kana? You want me to call Raj to fetch you?" medyo nag alala ang boses niya.
"No, No, my. He's out for a meeting. Ako nalang po. Give me an hour nalang po. I'll be there."
Bumuntong hininga si mommy Sasha. "Okay. I'll wait for you.. Nagpahanda ako ng pagkain. I'll call your dad too."
"Sige po."
"Okay, take care. I love you." mabilis niyang pinatay ang tawag. Para akong tanga na tumunganga sa cellphone ko. What was that?
May parte sa puso ko ang kumirot pero naging masaya. Eversince, ngaun ko lang narinig na sinabihan ako ng I love you ni mommy na tila bukal sa puso. With that, I part of felt better. Bigla akong nagkaroon ng enerhiya.
I drove fast. Isang SUV ni daddy ang ginamit ko. Naiilang pa ako dahil ibang iba ang traffic dito. Walang ganito sa US.
Dadaan muna ako sa isang cake shop para bumili ng desserts. Alam ko kasi mahilig si mommy sa desserts specifically, cakes. Lumiko ako ng nag green ang traffic light. Isang parking nalang ang available sa parking ng cake shop. Their cakes must have been good huh? Ang daming customers.
Isang malakas na busina ang nagpataranta sa akin kaya sa hindi ko sinasadya ay natapakan ko ang gas. Sunod sunod na mura ang ginawa ko nang bumangga ako sa isang itim na Mustang na inuhan ako sa pagpapark.
Mabilis ang hinga ko dahil sa bigla at takot. Never ako nabanga simula nagdrive ako! Ano ba naman ito!
Mabilis akong lumabas ng sasakyan at pinuno ng iritasyon ang sarili. Kasalanan ng driver ito eh! Hindi ba niya nakikita na ako ang nauna sa parking? Kailangan mawalan ng lisensya ang driver nito!
Hinampas ko ang window ng drivers seats. Hindi ko na nga ininda ang poise ko dahil sa galit. Naiinis pa ako dahil super tinted ang bintana ng sasakyan.
"Jerk!Are you blind? Nagpapark na ako diba? Tignan mo ang nangyari sa sasakyan ko!" sigaw ko na patuloy pa din ang paghampas sa salamin.
"Lumabas ka jan! Are you scared now? You are so stupid! Paano ka nakakuha ng lisensya? Dapat seyo magtanim nalang ng kamote sa bahay! Lumabas ka jan!" halos lumabas na ang lalamunan ko sa sigaw ko. Lalo pa akong naiinis dahil hindi lumalabas yung driver.
"Ma'am, ano po ang problema?" lumapit na sa akin ang guard ng cake shop. Umirap ako at pinunasan ang pawis sa noo ko. Ang init talaga sa Pinas. Lalo tuloy nag iinit ang ulo ko sa lintik na driver na ito!
"Isa kapa! Hindi mo ba nakita ang ginawa ng bobong driver na yan? Look at my car! Palabasin niyo yan!" galit na galit talaga ako! Lalo pa akong nagagalit dahil ayaw lumabas ng driver!
"Astrid?" napatingin ako sa dalawang lalaking papalapit. Kilalang kilala ko sila. Bigla tuloy akong natakot. Ang tapang ko kanina ay bigla nalang naglaho. Napatingin pa ako sa paligid. Damn it!
"West... Brent..." mahinang salita ko.
Ngumiti si West sa akin pero si Brent ay seryoso lang nakatingin sa akin. Lumapit sila sa akin. "What's the prob?" si West ang nagsalita. Hindi ba sila na-inform na Bree na ang pangalan ko?
"Why are you here?" sagot ko. Tumaas ang kilay ni Brent habang natawa si West.
"Uh, this is my mom's." sagot ni West sabay turo niya sa cake shop. Halos magmura ako. Bakit sa dami ng cake shop dito pa ako napunta!
"Why are you shouting by the way?" tanong niya. Kinagat ko ang labi ko sabay tingin sa Mustang na unti unti nang bumubukas.
Parang gumuho at tumigil ang mundo ko ng makita na si Anton ang bumaba sa itim na Mustang. His cold eyes looks colder. He's screaming with wealth and arrogance. Sobrang laki ng nagbago sa kanya! Puno ng otiridad ang simpleng paghakbang niya. No! His presence is full of authority and power! Malakas ang bagsak niya sa pinto ng Mustang.
"Done screaming?" sobrang nakakatakot at lamig ng boses niya. Bigla nalang bumalik lahat sa isang salita niya. Ang tuhod ko yata ay nawalan ng lakas. Nakatingin ako sa kanya pero hindi ako makasalita. Ganitong ganito ang takot na nararamdaman ko sa kanya noon. Hindi ko akalain na mas matatakot ako ngaun!
Nang nakabawi ako ay pinilit kong maging matatag. Kahit ang totoo ay gusto ko nang magtago at tumakbo pabalik sa sasakyan.
"What are you saying again, Astrid?" tanong ni West. Napatingin ako sa kanya at umiling.
"She's Bree." singit ulit ni Anton. Napakunot ang noo ko ng mahuli ko siyang titig na sa akin a tila ba namamangha pero galit. Galit at puno ng pait ang mga titig niya sa akin. Damn him! Siya pa ang galit sa akin? Really?
"Nothing. I gotta go!" tumalikod ako at mabilis naglakad. Nagdasal pa ako na sana ay hindi ako madapa.
"Running again, huh?" si Anton ulit. Tila ba kumulo ang dugo ko sa sinalita niya. Running again? Siya kaya ang unang tumakbo samin dalawa. Ang kapal!
Pumikit ako ng madiin at pinatuloy maglakad. Nagulat nalang ako ng napasandig ako sa sasakyan ko dahil sa hila ni Anton. My breathing becomes heavy. Ang bango niya ay lalong nagpanginig ng tuhod ko.
"Ano ba!" pilit kong binabawi ang kamay ko. Nagtaas ng kilay si Anton habang umiigting ang panga. Tumingala pa nga ako kasi ang tangkad tangkad niya! Matangkad ako, pero para akong kuto ng magkalapit na kami ni Anton!
Kinulong niya ako gamit ang dalawang braso. Umabante ang mukha niya palapit sa mukha ko. Halos magmura ako. "Running away from me again will be impossible for you, baby.. We're not done. I'm not done with you." bulong niya sa tainga ko. Napauwang ang labi ko at mas lalong natakot sa lamig ng boses niya. Though his eyes are cold, there are so many emotions on it all at once.
Tinulak ko siya para kumawala. Damn it! Ni hindi manlang natinag! Umiling ako. "We're done. I'm done with you."
Halos maiyak ako nang tinulak ko siya ng buong lakas at mabilis na pumasok sa sasakyan ko. This is why I don't want to come back. Alam ko din na magkikita at magkikita kami. Hindi ko lang inaasahan na ganito kabilis, at ganitong paraan.
Fuck you, Anton! Fuck you!
ESTÁS LEYENDO
The Strings (Strings Series 2)
Chick-LitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- apatnapu
Comenzar desde el principio
