"You can say that." salita niya sabay iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng habag sa kanya at galit sa sarili. Hindi ko namalayan na habang inaayos ko ang sarili ko ay nasasakripisyo naman ang buhay ni Kaio.

"Okay. I'm sorry Kaio, sana maayos mo yan. Ako na bahala sa company. You can have your life now." sobrang guilting guilty talaga ako.

"Okay. Thanks, ate. And I'm sorry too. Take care and goodluck."

Now I know he's serious. Ilan beses na kaming nag usap at wala nang humor doon. Kung ano man ang problema niya, sana maayos niya. Kapag hindi, habang buhay ko sisihin ang sarili ko dahil pinasa ko ang lahat ng hirap sa kanya.

Tahimik akong nakamasid sa window ng plane. Natanaw ko agad ang malalaking building at medyo mausok na syudad na kinalikihan. I smiled bitterly when the plane landed. I'm here now. Bumalik sa lugar na ilan taon kong tinakasan.

Mag isa akong bumyahe dahil nauna si Raj at daddy umuwi sa akin. No, magkakasabay dapat kami pero kinancel ko ang flight ko last minute. Nagdahilan nalang ako na may gagawin ako at kailangan matapos bago umalis. Kasi, kahit ako ay hindi alam kung magtatagal ako sa Pilipinas.

Luminga linga ako sa paligid habang tulak ang cart kung saan nakalagay ang mga gamit ko. I smiled when I saw some families crying the time they saw their love ones. Yan isang tradition ng pinoy na pinagmamalaki ko. They treasured their families. Sa US kasi, kapag nasa legal age kana ay bubukod kana sa pamilya mo. You will work for your own. Kanya kanya na kayo. No time for bonding or even a little chitchatting. Puro trabaho ang buhay doon. Unless, of course, you were born rich.

"There she is!" bumungad si Raj sa harap ko na malaki ang ngiti. Mabilis niya akong niyakap. Ngumiti ako sa kanya ng tipid ng tumingin siya sa mukha ko. Kasama niya si Nam sumalubong sa akin.

Yes. Umuwi na din si Nam sa Pilipinas after so many years in US. Sabi niya, ganon daw ako kalakas sa kanya. I doubt it! Talagang gusto na din niya umuwi sa bansa. Ginawa pa akong dahilan!

Kumunot ang noo ni Raj at tinitigan ako ng husto. "Why?" tanong ko.

"Are you okay? You look tired." sabi niya. Isang tawa ni Nam ang umalingawngaw kaya napatingin kami sa kanya.

"Of course, she's tired. Kakagaling lang sa byahe diba? What the heck?" natatawa pa din siya. Hindi na ako nasundo ni daddy dahil nagkakapoblema din daw ang kompanya ng mga Dela Fuente. Really, what's happening these days? Bakit parehong kumpanya ng pamilya ko ang namomoblema ngaun?

Tumikhim si Raj at halatang halata ang pagkairita kay Nam.

"Why are you here by the way?" iritable niyang sagot kay Nam. Matikas na naglakad si Nam patungo sa akin sabay akbay sa akin. Lalong dumilim ang expresyon ni Raj.

Ang ibang kababaihan ay nakatutok ang tingin sa amin. Bahagya akong nahiya. These guys are scene stealers!

"We are friends. I'm here to welcome her. Is it bad?" patuya niyang sabi kay Raj.

Umiling ulit ako. Hindi ko alam kung ano problema kay Nam at hindi niya makasundo si Raj. He knows everything about me. Everything means pati ang nangyari sa amin ni Anton noon. Bakit kay Raj mainit ang ulo niya?

"A friend?" lumapit si Raj at marahas na tinanggal ang kamay ni Nam sa balikat ko. Ngumisi si Nam at tinaas ang dalawang kamay.

"Tumigil na nga kayo! Kakadating ko lang nag aaway agad kayo." hindi ko mapigilan mainis. Pagod ako sa byahe at away nila ang sasalubong sa akin?

Hindi ako sumabay sa kanila. Pinasundo pala ako ni daddy sa driver kaya doon na ako sumakay. Bukod sa may meeting si Raj about sa client ng company nila ay may interview naman si Nam sa trabahong inaplayan niya.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now