"I told you--" hindi na niya ako pinatos.
"That you are not ready. Yes. For a kiss? It's just a kiss, Bree. What's wrong? Girlfriend naman kita. Boyfriend mo naman ako. Why can't you let me kiss you?" pinaghalong pait at frustrations ang boses niya.
"I'm sorry. I'm not ready." halos maiyak ako sa pagsasalita. Hindi ko din kasi alam kung ano ang tamang salita para mapalubag ang loob niya. Bakit ko nga ba hindi kayang ibigay ang isang halik? What is wrong with me?
Mali dahil pipikit ko palang ang mata ko ay siya na ang nakikita ko! Ang malalamig na mga mata niya, ang tangos ng ilong niya, ang perpektong panga ng taong dapat ay hindi ko na inaalala. Naguguilty din ako dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Raj. Mahal ko siya, alam ko yon. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko talaga kaya ibigay lahat sa kanya.
Sa huli ay umuwi nalang kami ng tahimik sa hotel room namin dito sa Vegas. Pumasok ako sa kwarto ko ng hindi na nilingon si Raj kahit alam kong nagtatampo siya. Tomorrow, maybe, I'm okay. I'll just make it up to him nalang.
Tumingin ako sa oras at pasado ala una na ng madaling araw. Binuksan ko ang viber ko at nakitang online si Kaio.
"Ate, God! You are online, atlast." salita niya ng sinagot ko ang videocall niya. Mayroon din pagbati mula kay mommy. Nireplayan ko siya bago hinarap si Kaio.
"Congrats, by the way." salita niya.
"Thank you." natatawang sagot ko. Malaki na din ang pinagbago ni Kaio. Kung bata ko siyang iniwan noon ay binata na siya ngaun. Ang katawan niya ay well toned na at masyadong malaki ang ikinagwapo ng kapatid ko.
"So are you coming home?" nahimigan ko ang excitement sa tono ng pananalita niya.
"Not sure," natatawang salita ko. Sa apat na taon na iniwan ko ang kumpanya sa kanya ay apat na taon na din siyang nagrereklamo sa akin. Hinahayaan ko nalang siyang mag rant, kasi sa huli, ginagawa niya naman ang best niya para maging maayos ang company. Of course, with the help of mommy and tito Eros. Hindi ko naman aalisin ang credits sa mga naitulong nila kay Kaio.
"Goodness, ate Bree! Ilan girlfriend na ang nakipag break sa akin dahil wala akong time sa kanila! Umuwi kana." frustrated na salita niya kaya napahagalpak ako ng tawa.
Madrama siyang umirap." You are laughing while me suffering from so many heart breaks? Where's the justice?" umigting ang panga niya.
"Okay. I'm sorry. Kung hindi nila naiintindihan ang mga obligasyon mo, maybe hindi sila ang para seyo." sagot ko.
Lalong umirap si Kaio. Natahimik pa ako ng bigla siyang sumeryoso.
"Why?" tanong ko.
Huminga ng malalim si Kaio. "There's a little conspiracy happening in your company." salita niya.
"Conspiracy? What's happening?" hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.
"I'm not sure pero may mga stock holder na nagbenta ng stocks nila. At ang nakakataka lang ay iisang tao lang ang bumili ng mga stocks."
What? Bakit nila binenta ang stocks? Sino ang bumili?
"Sino?" tanong ko. "May problema ba?" naging seryoso at attentive ako sa mga sinabi ni Kaio.
"Ayaw pasabi seyo dahil graduating kana. Ayaw nilang intindihin mo ito dahil last year muna. Since you graduated yesterday. I think you need to know."
May kinuhang papel si Kaio at sinimulan buksan.
"The company is losing millions ate." panimula niya.
"Millions? How much?" tanong ko.
"About 100 million, ate." sagot ni Kaio.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bakit nawalan ang company ng ganon kalaki? Bakit hindi nila sinabi sa akin?
"What? Saan napunta? Bakit ganon kalaki? Did you do something about it?" tanong ko. Umayos ako ng upo at hinilot ang sentido ng bigla itong kumirot.
"Yes, yes, on going ang investigation. You wanna know who bought the stocks of the former stock holders?"
Pumikit ako ng mariin ng makaramdam ng matinding kirot ng ulo. Tumango ako kay Kaio. Nanliit pa ang mga mata ko ng ngumisi siya. "Sigurado ka?" tanong niya ulit.
Umirap ako sa kanya. "Yes, Kaio, please stop the long intro and tell me now."
"It's Anton Isaac Ibañez. He owns 45 percent of stocks. He just need another 5 percent at siya na ang magiging CEO ng kumpanya. Ano? hindi ka pa din uuwi?"
Halos mapamura ako sa sinabi niya! Bakit napunta ang ganoon kalaking stocks kay Anton? Bakit hinayaan nila na mabili ni Anton?
"Paano nangyari iyon? How about mommy? Wala ba siyang ginawa?" halos sumigaw na ako at bugahan ng apoy si Kaio sa mukha.
Ngumisi siya at nagkibit balikat tsaka pinatay ang tawag. What the hell?
Ano nangyari sa apat na taon? Bakit hinayaan nilang mangyari ito? Ano ang nangyari kay mommy? Akala ko ba ayaw niya ng koneksyon kay Anton? Bakit pinapasok niya ito sa company?
Hinilot ko ang ulo ko na tuluyan na itong sumakit. Isang beep sa viber ang binuksan ko galing kay Kaio.
- Book a flight now kung gusto mo pang may companyang balikan. Take care, ate.
Nagtipa ako ng reply.
-Ayusin niyo yan. Give me a week. I'm coming home.
That was a nice graduation gift right? Damn it!
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't siyam
Start from the beginning
