"Whoa, kakagraduate lang ni, Bree. We're celebrating, Raj. Don't be such a pussy." natatawang salita ni Nam. Umiling ako sa kanilang dalawa. Sa ilan taon ko silang kasama ay hindi talaga sila nagkasundong dalawa.
Nagtiim bagang si Raj. Nang nagpatay bukas ang neon lights ay nagpasakit bahagya sa ulo ko. Nasa Vegas kami ngaun para sa isang party para sa mga graduates na katulad ko.
"I'm not. Alam mo naman na mababa ang tolerance niyan sa alak." medyo galit niyang sagot kay Nam. Ngumisi si Nam.
"Oh, come on! That's why you are here right? Her night in shinning armour when the princess got in distress. Bree is not a kid anymore! Loosen up! Baka maumpog yan at makipagbreak seyo dahil sa pagiging over acting boyfriend mo!"
Dumilim lalo ang tingin ni Raj kay Nam. Goodness! Nam can't shut up his mouth. Kakagaling lang ni Raj sa isang meeting at alam kong pagod pa siya pero dumiretso siya dito to celebrate with me.
"Nam, please." ngumuso ako ng hawakan ni Raj ang kamay ko. Tumindig pa ang balahibo ko ng bumulong siya at humaplos ang labi niya sa tainga ko. "Can we just go somewhere? Or can we just go home instead?"
"Okay. But can we stay a little while? Nakakahiya naman iwanan sila." ngiti ko. He groaned iritably. Tumawa ako kasi alam kong pagbibigyan niya ako. Always.
Uminit ang party at halos lahat ay lasing na. Maging si Nam ay nakikipagsayaw na sa isang blonde na halos hubaran na niya. Umiling ako at tumawa sa kalokohan ng kaibigan. I never thought Nam can be this handsome. Back in our younger years, sobrang suki iyan ng mga bully dahil sa sobrang taba niya. And look at him now? He's as hot as the famous young models of Vogue magazine.
"Times up." hinila ako ni Raj kahit ayaw ko pa. Nagpatianod nalang ako dahil bukas ang flight ko pauwi sa Seattle. Hassle nga kay Raj dahil lumipad pa siya from Seattle to here para lang sa akin.
"Hey! You're both rude. Aalis kayo ng hindi nagpapaalam? Where's the manners?" tila nagtatampong salita ni Nam. May dala pa siyang finger foods na hindi ko maiwasan hindi tignan.
"What's that?" tanong ko. Para kasing nakakatakam ang itsura.
"Uh, this?" sabay taas ng plato na hawak niya. "Onion rings. You should try.. Ang sarap! grabe."
Nawala ang ngiti ko. Ang paglalaway ko sa dala niya ay biglang naglaho. Isang tao agad ang naalala ko kaya pumikit ako ng mariin at tumalikod. I should not think of him anymore. Hindi naman kami masyado nagkasama pero bakit hindi ko siya tuluyan mabura sa utak ko?
"No, thanks. I hate onions." salita ko at nagpatuloy na maglakad. Inunahan ko na nga si Raj para lang makalayo sa lintik na onion rings na yan!
Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Halos madapa naman ako ng yakapin ako ni Raj mula sa likuran.
"I'm so tired." bulong niya sa tainga ko. Ang alaala ng taong kinakalimutan ko ay pilit kong inalis sa sistema at hinarap si Raj.
"We should go home then?" ngiti ko. Hinaplos ni Raj ang pisngi ko kaya napakurap kurap ako. He leaned towards me kaya kumalabog ng usto ang dibdib ko. I know what he's going to do. Isang taon na ang nakaraan ng sinagot ko si Raj. At sa isang taon na iyon, palagi niya akong sinusubukan halikan pero hindi ako pumapayag. Hindi ko alam kung bakit pero sadyang hindi ko lang kaya.
I love him pero hindi ko alam kung bakit may reservation yun pagmamahal ko sa kanya. Para akong imbalidong girlfriend na hindi maibigay ang pangangailangan niya.
"Raj.." banta ko ng unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa taranta ko ay bahagya ko siyang naitulak na ikinauwang ng labi niya.
"What's wrong?" kita ko ang pait sa mga mata niya. Yumuko ako at humiling na sana ay hindi niya nalang iyon ginawa.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Strings (Strings Series 2)
Literatura FemininaMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't siyam
Começar do início
