Mabilis lang ang byahe sa VC aicrafts. Wala kasing trapik. Timing pa na may board meeting na mangyayari. Never akong naka attend ng board pero kilala ako doon.
I wore a black haltered dress and beige stilletos. Ginamit ko din ang pinakamahal na bag na nabili ni daddy sa akin. I want to fit in. Sawang sawa na ako na ipaubaya ang mga bagay na dapat ay sa akin. Sawang sawa na ako sa pangmamaliit at pangungutya ng tao sa akin.
"Ate," bati ni Kaio ng magkasalubong kami sa lobby. The secretary told me that mommy and Bree was in the conference room already.
Nakatitig si Kaio sa akin habang salubong ang kilay. He's so serious. Lumamlam lang ang mga mata niya ng mapansin nakatitig ako sa kanya.
"So sure na pala ang alis niyo ni dad." salita niya pag kasakay namin sa lift. Tumango ako. I don't want to leave him pero alam kong may buhay siya dito. Aside from dad, alam kong si Kaio ang mapapagkatiwalaan ko sa ganitong panahon.
Sinabayan ako ni Kaio papuntang conference room. Kahit kabang kaba ako ay nangingibabaw pa din sa akin ang poot sa mga taong ginawang miserable ang buhay ko.
"Lets go," hila ko kay Kaio at walang alinlangan pinasok ang conference room. Bree was talking about something at nahinto siya ng makita niya kami ni Kaio. Everyone's looking at us. Napauwang ang labi ni mommy at namungay ang mga matang nakatingin sa akin kaya iniwasan ko ito. Alam kong bibigay ako at lalambot ang puso ko kapag tinitigan ko siya.
"Good afternoon, Astrid.." everyone greeted me. Tumango ako sa kanila at seryosong ngumiti. Tumaas ang kilay ni Bree.
"What are you doing here?" iritableng sagot niya. Gusto kong matawa pero pinanatili kong maging kalmado at lalong pinataas ang poot na nararamdaman ko para masabi ko ay gusto kong sabihin.
"Bree.." pigil ni mommy sa kanya.
Tumaas ang kilay ko kay Bree. "What are you doing here?" I fired back. Nalaglag ng bahagya ang panga ni Bree at tila nawalan ng salita. Blangko akong tumingin sa kanya at nilibot sa buong board.
"May meeting kami. Wag kang bastos." she said angrily at me. Lalo akong nagtaas ng kilay.
"Sa ating dalawa. Mas may karapatan ako dito dahil kumpanya ko ito. I'm just here to remind you na pinahiram ko lang ito seyo. Now.. Mukhang ineenjoy mo yung buhay ko." galit kong sabi. Nakitaan ko ng gulat at sakit ang mga mata niya na hindi ko pinansin.
"Astrid, not here anak.." si mommy. Tumingin din akong blangko sa kanya at hindi pinansin.
Tumikhim ako at lumapit sa swivel chair kung nasaan si Bree. Bahagya siyang umatras ng sinadya ko siyang tabigin. Nanlalaki man ang mga mata niya ay hinayaan niya akong pumalit sa pwesto niya.
"Everyone," panimula ko. Tumingin ako kay Kaio na kunot ang noo nakatingin sa akin kaya sinabi ko na lumapit siya sa akin.
"I'm leaving tomorrow and still don't know when will I come back. Gusto ko man asikasuhin ang kumpanya ay wala pa akong sapat na lakas at kaalaman. I'm here to tell everyone that my brother Kaio, here, will act as the CEO will I'm gone."
"Bakit mo iiwan ang kumpanya sa kanya? Hindi niya kaya! Ako ang naghihirap dito! What the hell?" salita ni Bree. Tahimik ang board at nagbulungan. Si Bree ay galit na galit. Tumayo si mommy pero sinagot ko pa din si Bree.
"Then stop telling what he can't do and start telling what he should do." matapang na salita ko. Maiyak iyak na umiling si Bree.
"This is my decision. Kaio will be your temporary CEO effective today." tumalikod ako. Walang reklamo ang board. Kung meron man ay walang nagsalita. At kung may magsasalita man, sasabihin ko na sa prisinto sila magreklamo.
"This is unfair Astrid! Bigla ka nalang susulpot at aalisin ako?" galit na sigaw niya. Mommy looks at me and plead pero umiwas ako ng tingin. She still cares for Bree more than me kaya lalo akong nagagalit.
"This is my decision and stop telling me things. Alam mong may karapatan ako sa lahat. Akin ito. You have no say regarding this." pinilit kong maging kalmado.
"By the way." masakit man ang gagawin ko pero babawiin ko lang naman ang akin. "Start finding a name dahil pati pangalan ko ay babawiin ko na. Talk to my lawyer regarding that matter. I want my name back. I want my life back." tumalikod ako sa kanila at walang lingon pa. Sa huli, tumulo pa din ang luha ko dahil hindi ko talaga kayang maging masama. All my life sanay na sanay akong nagbibigay at nagpaparaya. Pero sa sobrang bait ko, ako pa din ang palaging nasasaktan.
"What did you do? Parang hindi ko kaya yung obligasyon, ate." habol ni Kaio na tila natauhan.
Huminga ako ng malalim at seryoso siyang hinarap. "Kaya mo yan.. Alam kong kaya mo. Babalik din ako kapag handa at maayos na ako." niyakap ko siya. Nakakunot pa din si Kaio at tila ba nagtataka.
"What happened to you?" he asked curiously. Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Kindness is my weakness. I don't want to be weak and kind anymore. Pagod na akong masaktan at magparaya. I don't want that anymore. I'm done with that."
"Anak.." sabay kaming napatingin ni Kaio kay mommy na mabilis naglakad papunta sa amin. Tinap ko ang ulo ni Kaio at nagmadaling maglakad palabas ng kumpanya. I'm not ready to face mommy.
I will fix my self to be a better person. Pagbalik ko, sisiguraduhin ko na wala nang makapapanakit sa akin. Sisiguraduhin ko na wala nang sakit akong nararamdaman mula sa mga taong nanakit sa akin. Kahit si mommy o si Anton pa yan.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't walo
Start from the beginning
