Isang buwan na ang nakaraan ng makalabas ako ng ospital. I never talk to anyone even my mom. Isinama ako ni daddy sa condo niya at doon tumira. Somehow, I found peace with that. Though, isang buwan na din akong umiiyak at nasasaktan. I felt so betrayed by the persons who I loved the most.
A part of me still hoping that Anton will come back to me pero wala akong balita sa kanya. Nawalan ako ng ganang mabuhay sa mga pinagdaanan ko. Palagi lang akong nagkukulong para maghintay sa pag alis namin ni daddy ng bansa.
"Got good news.." natauhan ako ng biglang dumating si daddy. His smiled vigorously at me.
"Ano po yun?"
"Okay na ang visa mo. We can leave early this morning."
"That fast?" tanong ko. Kumunot ang noo ni daddy at malamlam akong tinignan.
"You don't want to leave?" tanong niya. Umiling ako at ngumiti ng tipid. "Sige po."
"By the way, uh," yumuko si daddy at hinaplos ang batok.
"Po?"
"We'll use the Esquivel private plane so there's a posibility that Raj will join us."
Nagulat ako sa sinabi ni daddy. Bakit hindi sa VC aircrafts siya kumuha ng plane? And Raj? I don't know what he still feels about me but I don't care anymore. Pagod na ako.
"How about my private plane dad?" tanong ko. Umiwas ng tingin si daddy. I have my own private plane. Lahat ng meron si lolo ay sa akin na. I just don't have interest with it before.. Maybe I need to take time para maasikaso ang binigay ni lolo na pinaghirapan niya noon.
I know I will. Just that, not now. Kasi kahit sarili ko ay hindi ko pa naayos. I'm beyond broken.
"Bree doesn't want us to use your plane. Pinipigilan ni Sasha." sagot ni daddy na tila ba tinitignan ang reaksyon ko. Bahagyang umakyat ang dugo ko sa sinabi ni dad. Ano ang karapatan ni Bree para pagbawalan kami?
"You gave her the right to manage your assets so.." gulong gulo si daddy.
Rights? For my assets? Hindi ko binigay iyon! Mom asked me for Bree to manage the VC aircraft! For a while. Hindi yung siya ang kokontrol ng lahat!
Akala ko ay sagad na ang naging galit ko pero meron pa palang isasagad. Kumukulo ang dugo ko sa kanila.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. I don't want to leave the country like this. I need to make it right.
Mabilis akong nag ayos ng sarili. Ayokong iwan ang meron ako at balikan na wala na ito sa akin. I know lolo had his reasons why he gave me everything. At hindi ko kayang baliwalain iyon.
I called Kaio and told him to be at VC aircraft. I need to fix this so I can fix myself peacefully.
"Dad, pupunta lang po ako ng VC aircrafts." sagot ko. Sumimsim ng kape si daddy at nag aalangan tumango sa akin.
Humalik ako sa pisngi niya. Pagod ang mga mata niya at malungkot kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya. He sacrificed and left mommy para sa akin. Yun palang, sobrang nagpapasalamat na ako sa kanya.
I failed to ask him about his feelings dahil sa mga issues ko. Ni hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngaun. "I'm sorry, dad. I'm sorry for everything.." yumakap na ako sa kanya. Nagulat si daddy sa ginawa ko pero yumakap siya pabalik sa akin.
"All for you, baby.. I'm doing the best I can to be a father to you.. Mahal kita anak." he said while still hugging me. Kahit gusto ko umiyak ay wala na akong maiiyak. Nagpapasalamat lang ako dahil najan si daddy ngaung lugmok na lugmok ako.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't walo
Start from the beginning
