Simula nagising ako. Isang bagay ang gusto kong itanong na hindi ko alam kung sino ang pagtatanungan ko. I'm afraid to ask mommy. Siguro naman hindi mamasamain ni daddy.
"Ayos lang po ako." pagak akong ngumiti. "Daddy.." kinagat ko ang labi ko ng mapatingin sa akin si daddy. His concern to me looks so genuine.
"Hmmm.."
"Ano po ang nangyari kay Anton? Bakit po wala siya dito?" sagot ko. Ang huling natatandaan ko kasi ay nasalo niya ako nang pabagsak na ako. Nasaan siya? Hindi ba siya pinapapunta dito ni mommy? Bawal? Of course.. Pero.. Nabaril ako, knowing Anton, wala siyang sinasanto basta nasaktan ako.
Umiwas ng tingin si daddy. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong sagutin o hindi niya alam ang isasagot sa akin.
"He left." biglang bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ni mommy. Maamong maamo ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. The memory of her holding a gun and pointed at me is still vivid. Kahit alam kong hindi para sa akin ang bala ay hindi ko pa din maiwasan na hindi magalit at masaktan.
"Sasha.." sagot na daddy na tunog nagbabanta. Binalewala iyon ni mommy at hinarap ako.
"He run away with his mom. Iniwan ka niya, Astrid. Umalis siya at itinakas ang mommy niya. He chose his mom over you.." seryosong seryosong sagot ni mommy.
"Sasha! What--" hindi natuloy ang sasabihin ni daddy ng magsalita ulit si mommy.
"See that, Astrid? If he loves you enough. Dapat ay hindi ka niya iniwan. Nasaktan ka yet pinili pa din niya umalis at iwan ka. Anong klaseng pagmamahal yon?"
Umiling ako ng umiling at hinayaan tumulo ang luha ko. No! Anton will never do that to me. Mahal niya ako! Sinabi niya na lalaban kaming magkasama at magkasama namin susubukan na matanggap kaming dalawa. Napagod naba siya? Hinayaan na ba niya ako? Nahirapan na ba siya sa situation? Sumuko naba siya?
Sa huli, naisip ko na maybe totoo ngang iniwan niya ako. Hindi siya pumayag na umalis kami dahil mas pinili niya ang mommy niya? He just want to save her mom and then left me that easy?
Lalong umusbong ang galit ko kay mommy. Nakaramdam ako ng poot kay Anton for leaving me! Nagagalit ako sa mundo sa sobrang lupit nito sa akin.
"Astrid.." si daddy ni hinimas ang braso ko. Huminga ako ng malalim at napapikit sa kirot ng balikat at sa puso ko. The pain on my shoulder is tolerable. Pero yung sakit sa puso ko? Parang umaapaw at hindi ko na makaya.
"Iwan niyo po muna ako." sagot ko habang nakapikit pa din. Si mommy na magsasalita pa sana pero hindi na hinayaan ni daddy.
"Okay. Magpahinga ka at magpagaling. When you're ready to travel, we'll go to US. Just the two of us. You'll start your life there."
"No way!" salita ni mommy. Pumikit ulit ako dahil gusto kong umiyak mag isa. I want silence and be alone to mourn for my broken heart. I'm so devastated. Yung inaasahan kong nanjan para sa akin ay iniwan na din ako.
"I'm not asking for your permission. Astrid is not a minor anymore. At sa atin dalawa, it's pretty obvious that I'm the one who really cares for her.."
Nagtatalo pa din si mommy at daddy ng iwan ako. Tuluyan na akong humagulgol ng makalabas sila. Talaga bang iniwan ako ni Anton? This excruciating pain will soon kill me. Bakit niya pinaramdam na mahal niya ako kung iiwan niya lang ako? Maybe hindi niya talaga ako minahal. Maybe pinaranas niya lang sa akin magmahal.
Bata pa ako pero nagmahal ako na akala ko pang habang buhay na. Maybe tama nga sila, patitikimin ka lang pero mapapanis din at hindi magtatagal.
Pumikit ulit ako at kinalma ang sarili. Soon, I will forget everything, sasama ako kay daddy at susubukan bumangon ulit. Simula ngaun.. Hindi ko na hahayaan na may mananakit pa sa akin.. Hindi na..
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't walo
Magsimula sa umpisa
