Bumuhos na ang luha ko. Naalala ko pa si lolo John sa sinabi ni Anton. Hindi ko na din kasi alam ang gagawin ko. Hindi ko na maintindihan ang tama sa mali. Everything is eating me and I'm so fed up.
Huminga ng malalim ulit si Anton at hinawakan ang kamay ko. Manhid na manhid ako. Anton was my last shot pero hindi din niya pala kaya ibigay ang gusto kong katahimikan. He's so righteous and I don't need that now.
Hininto niya ang sasakyan sa isang pribadong bahay na hindi ko alam kung saan. Hinarap niya ako. "Ayokong magalit sila sa atin kapag umalis tayo. Do you love your mom? Your dad?" tanong niya. Kahit umiiyak ako ay tumango ako sa kanya.
"We will make them understand us. We will fix the mess. We don't need to run. We just need to make them understand and accept us."
Umiling ako. Nakita ko ang galit ni mommy. Even dad can't do anything about it. Paano namin iyon papaintindi sa kanya? Raj proposed to me. Mom likes Raj idea. Paano na?
"Hindi mo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang lumabas ang mommy ni Anton sa bahay. Natigilan ako at napatingin kay Anton na tumango sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Nang lumabas kami ng sasakyan ay nakatingin lang sa amin ang mommy niya. I can't say anything kasi nabigla ako!
"Don't be scared. No ones gonna hurt you..." salita niya. Nag ugat na yata yung paa ko sa kinatatayuan ko sa gulat at kaba.
Ilan lalaki ang nakaikot sa bahay na tila bantay din.
"This is our first step. Isusuko ni mommy ang sarili niya and ask for your parents forgiveness. We can fix this baby.. We can have our happy ending." he kissed my forehead.
"How did you?" gulong gulo pa din ang utak ko at sobrang halo halo na iniisip ko ay wala na akong maintindihan.
Lumapit ang mommy ni Anton sa akin kaya napaatras ako. Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang kamay ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa mainit na mga palad niya.
"I'm sorry.." nagtubig ang gilid ng mga mata niya kaya lalo akong nanghina. Puno kasi ng sinsiridad ang mga mata niya.
"I'm sorry kung nadadamay kayo ni Anton sa mga nagawa ko noon. I just want to make it right. Susuko na ako. I just want to talk to you first and ask for forgiveness. Kasi sa gulo na ito, alam kong ikaw ang pinaka apektado. And I want to make it up to Anton. I've been a bad mother to him. Ano ba naman yung konting sakripisyo para sa kaligayahan ng anak ko?" namula ang mga mata niya. I'm speechless! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Would her sacrifice makes everything right for us?
Bumaling siya kay Anton na mabilis nag igting ang panga at umiwas ng tingin.
I was about to say something ng biglang madaming sasakyan ang dumating. Mabilis na hinila ni Anton ang kamay ko at inalagay ako sa likod niya. Naglabasan din ang iilan tauhan sa loob ng bahay sabay taas ng mga hawak na baril. What's happening?
"Astrid!" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang galit at takot sa mga mata ni mommy. Kasabay non ang kalabugan ng mga sasakyan at paglabas ng ilan tauhan. Si Raj din ay nandoon kaya gulat na gulat ako.
"Mommy.." mahinang salita ko.
"Ang kapal ng mukha mo, Celine! Ano ang gagawin mo sa anak ko?" galit na galit na naman si mommy.
"Wala akong gagawin." mahinahon na salita ng mommy ni Anton.
"Let her go!" sagot ni mommy na matalim na nakatingin kay Anton. Umiling ako. Bahagyang lumuwag ang hawak ni Anton sa kamay ko kaya nalaglag ang panga ko. Akala ko ba lalabn kami? Why is he letting me go that easy?
"I will po. Pero gusto ko lang pong sabihin na mahal ko po si Astrid. Wala po--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Anton ng sunod sunod umiling si mommy.
"Are you kidnapping her again? What the hell? You grew up as siblings. Pinapaikot niyo ba ang anak ko? I'm sure Astrid doesn't feel the same." sagot ni mommy na may diin. Now everyone is looking at me.
Umigting lang ang panga ni Anton sabay pisil ng kamay ko.
"Mahal ko din po siya mommy. Mahal na mahal.." sagot kong nanginginig. Napauwang ang bibig ni mommy. Nakita ko din anh sakit at galit na dumaan sa mga mata niya. Umiling siya ng umiling.
"Get my daughter and get that Celine!" sigaw niya kaya mabilis ang nangyari. Kumalat ang mga tauhan ni mommy habang hinila ako ni Anton papasok ng bahay. Halos mapatili ako ng may nagpapaputok na ng baril. Takot na takot ako at nagagalit kung bakit nauwi kami sa ganito.
"Stay here, Astrid. Please." salita ni Anton sabay kasa ng baril. Hindi ako nakasagot dahil natatakot ako para sa kanya. Pati ang mommy niya ay nawala at hindi ko na makita.
Nang medyo natagalan si Anton ay hindi ko napigilan hindi tumayo. Mayroon pa din nagpuputukan sa labas at hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumakbo ako sa backdoor kung saan ako natigilan. Parehong nakatayo ang mommy ni Anton at si mommy habang parehong may hawak na baril at nakatutok sa isa't isa.
"Bakit hindi ka makinig, Sasha? I just want to make things right and turn my self in. Bakit umabot pa tayo sa ganito?"
Umiling si mommy at tila ba hindi niya narinig ang sinasabi ni Celine. I can't move. I feel like my knees turns into jellies. Paano kung masaktan si mommy? Paano din kung masaktan niya ang mommy ni Anton?
"Make things right? Seriously? From the woman who's pointing a gun on me?"
"At ano tingin mo sarili mo? Ikaw ang unang nagtutok ng baril sa akin. I just need to defend my self."
"Defend? Sa lahat ng kasalana mo sa pamilya ko? Ikaw ang dapat sabihin ko niyan! How dare you talk to me na parang ako pa ang may kasalanan?" sigaw ni mommy. Nanlaki ang mga mata ko ng unti unti siyang lumalapit kay Celine.
"Don't, Sasha! Don't push me to pull the trigger." si Celine na umaatras at halatang natatakot sa gagawin ni mommy.
Nilakasan ko ang loob ko para humarang sa kanya. Inilagay ko sa likod ko ang mommy ni Anton. Not because I'm with her. Ayoko lang na may magawa si mommy na pagsisihan niya sa huli. Her anger is the evident that no one can stop her.
"Astrid." nagulat si mommy. Halata ang panghihina sa kanya na makita niya ako.
"Mommy.." halos magsumamo ako. "I'm begging you.. Stop this, please. Hindi po natin maayos ang gulo kung galit kayo. Shedding blood is not the answer here. Sumusuko naman po siya.. Bakit po aabot tayo sa ganito? I'm fine. I'm alive. Itigil niyo na po." umiyak na ako sa harap ni mommy na seryoso lang nakatingin sa akin.
"Stay away from her, Astrid! Bakit pinoprotektahan mo siya?" sakit at galit ang nadadama ko sa bawat salita ni mommy.
Umiling agad ako. "I'm not protecting her. I'm doing this because I'm protecting you.. Ayoko pong may magawa kayo na pagsisihan niyo."
Umiling si mommy at tila ayaw tanggapin ang sinasabi ko. "Wala kabang utang na loob kay lolo mo? He suffered a lot because of her! Inilayo ka sa amin Astrid! Naghirap si papa until his death because of her!"
"Tama na po, my. Nakaraan na po iyon at alam kong nakapagpatawad na si lolo. Please ayusin na po natin ito ng walang gulo."
"No! I shouldn't be surprised that you are on their side. Hindi pamilya ang tingin mo sa amin kaya ka ganyan!" sigaw niya na nagpawasak at patuloy na nagpaiyak sa akin. " And I can't let you be with her son! Damn it, Astrid! Hindi ko yun matatanggap! Kahit sino.. Kahit hardenero wag lang si Anton! I can't accept that! You can't be with him."
Bumuhos ang luha ko sa sakit at pagod sa pakikipag usap kay mommy. This is not between Anton and me anymore. This is about our family. Bakit hindi ako maintindihan ni mommy?
"Astrid!" isang sigaw ang narinig ko ng bigla akong hilahin ni Raj. Isang putok ang umalingawngaw kasabay ng pagbalik ko sa mommy ni Anton. Parang may kung anong tumusok sa likuran ko na nagpahina sa akin. The last thing I know is mommy is shouting my name and Anton's holding me until I passed out.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't pito
Start from the beginning
