ika tatlumpu't pito

Magsimula sa umpisa
                                        

May humaplos sa puso ko sa salita ni Kaio. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Tama naman siya, hindi ako nag oopen sa kanila kaya siguro hindi kami nalapit sa isa't isa.

"I like Raj as a friend.." simula ko. Tahimik na tumango si Kaio. "But I'm inlove with someone else." sagot ko. I'm not sure if sasabihin ko kay Kaio ay maiintindihan niya ako. Gusto ko lang simulan mula sa kanya na may mahal talaga ako.

"Sino?"

Winala ko ang tanong niya. Kahit gusto kong sabihin ay hindi ko alam kung bakit hindi ko pa din kaya. "I refused Raj because I'm too young for marriage thing. Hindi pa ako handa."

Gusto kong sampalin ang sarili ko sa kaipokritahan ko. Hindi pa ako handa pero gusto ko nang sumama kay Anton.

"Is this because of mom and dad?" tanong ko. Alam ko kasi na isa iyan sa pinag awayan nila mommy kaya umalis sa bahay si daddy.

Umiling si Kaio." No, ate. Gusto ko lang malaman yung nararamdaman mo." tipid siyang ngumiti. Nag init ang gilid ng mga mata ko simpleng usapan namin ni Kaio.

"I'll just buy ice cream. You want?" tanong niya. Kumalabog ng husto ang puso ko sa kaba. Eto na ba? Eto naba ang oras para takasan ko siya? Naguguilty ako pero eto nalang naiisip ko para makalaya ako.

Nang makaalis si Kaio ay mabilis akong luminga linga sa paligid. Nang namataan kong nakasunod sa kanya yung security ay mabilis akong tumakbo.

Pagkasakay ko sa taxi ay hingal na hingal ako. Ni hindi ko nga magawang magtext kaya tinawagan ko nalang si Anton. "Anton," hingal na salita ko.

"Where are you?" sagot niyang seryoso. Hindi ko alam kung bakit lalo akong kinabahan.

"On my way.." sagot ko.

Dinig ko ang lalim ng paghinga niya. I hated the fact na hindi ko mabasa ang iniisip niya ngaun.

"Okay, I'll wait you here.. Be safe, Astrid." sagot niya. Nanlamig ang sikmura ko sa hindi ko malaman na dahilan. Parang ang cold ni Anton.

Isang itim na Hilux ang sumalubong sa akin sa waiting shed ng school. Mabilis ang kilos ko papasok doon. Pinatay ko na din ang cellphone ko para hindi ako matawagan.

Pagod na mga ni Anton ang sumalubong sa akin. Nanliit pa ang mata ko ng makita ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. He looked stress and exhausted.

"Uh, ayos ka lang?" tanong ko.

Tumingin muna sa akin si Anton at tumango bago buhayin ang makina ng sasakyan.

"Saan tayo?" kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba at hiya. "I mean pupunta?"

Bumuntong hininga ulit si Anton na tila ba nahihirapan. Lalo akong kinabahan. Tila kasi may bumabagabag sa kanya.

"Anton..." nanginig ang labi ko sabay hawak sa braso niya.

"We can't run, Astrid.. Running away is not the anwser." simula niya. Tila ba nabingi ako at nawalan ng lakas. Nanginig ang labi ko at bahagya nang nabasa ang mga mata ko.

Nagpatuloy siyang magdrive habang bigong bigo ang nararamdaman ko.

"Akala ko ba mahal mo ako?" nanginginig na tanong ko. Tumikhim si Anton at napahilot sa bridge ng ilong niya.

"I love you, yes. But running away is not the answer for what's happening. We can run for sure. But we can't run forever, Astrid. We can't. Running away will just add fuel to their wrath towards me. I can't do that. I don't want you to live like that. I want to face the problem instead of escaping. Do you understand?" mahinahon pero puno ng sinseridad ang mga salita niya.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon