"Fight for what you want. If they love you, they will understand and support you.. Learn from my mistake. From your parent's mistake. Wag mong takasan ang problema, lumaban ka."
Patuloy ang pag agos ng luha ko habang nakatingin kay lolo at patuloy ang pagtango. Malungkot siyang ngumiti at unti unting tumayo. Nang makatayo siya ay nanlaki ang mata ko ng naglakad siyang palayo hanggang sa unti unti na siyang naglaho.
Pawis na pawis ako ng magising ako. Lalo akong nakaramdam ng pangungulila at lungkot. Napanaginipan ko si lolo John. Nadadama ka niya yung nararamdaman ko? Nakikita pa niya kaya kami? Pero sa panaginip ko... "Wag mong takasan, lumaban ka." paano ako lalaban? Masyadong magulo ang nangyayari sa akin ngaun. I thought daddy will be there for me pero simula ng nag away sila ni mommy ay hindi na siya umuwi dito. Kaio is quite, mom is paranoid. Bree一 well, still Bree.
Ngaun na ang araw na magkikita kami ni Anton. When I asked him to run away, he only sighed at told me that we need to talk first. Okay lang iyon, alam ko naman na hindi ako bibiguin ni Anton.
The problem now is how will I escape the security? Masyadong madaming bantay ngaun ang mansion. If there were few before.. There's many now.
"Ate," napasinghap ako sa boses ni Kaio. Mabilis akong nag ayos ng sarili bago buksan ang pinto.
Kumunot agad ang noo niya ng makita ako. Alam ko kasi na medyo balisa ang itsura ko. I'm going to sneak out! Kita siguro sa mukha ko na sobra akong guilty.
"May kailangan ka?"
Umiling siya. "Ayos ka lang?" he asked seriously. Tipid akong ngumiti at nilakihan ang bukas ng pinto.
Ilan araw na din akong hindi lumalabas ng kwarto. Pinapadalhan lang din ako ni mommy ng pagkain sa kwarto. Sometimes, she'll visit me pero hanggang tingin lang.
"Why?" tanong ko. Gusto kong maiyak sa isang simpleng tanong ng kapatid ko. I'm glad he cares for me kahit hindi talaga kami close. Natutuwa ako kasi kahit papano, may kasama pa ako na may pakialam pala sa nararamdaman ko.
"Uh, you want to walk with me-"
"Saan?" agaran tugon ko. Gusto ko pa ngang murahin ang sarili ko dahil sa gulat sa mukha ni Kaio sa bilis ng sagot ko.
"Uh, sa club house. I know na nabobore kana dito. You can't go outside so.. Baka pwede ka kapag kasama mo ako."
Mabilis akong tumango at dinampot ang cellphone. Nagbaon pa ako ng pera para may pamasahe ako kapag nakatakas na ako kay Kaio. I'm sorry if I'm going to use you Kaio. I just need this.
Guilting guilty ako ng sabayan ako ni Kaio na maglakad. Mabilis na pumayag ang security na maglakad lakad kami. Bukod sa hindi naman makakapasok si Celine sa village ay may kasama kaming isa pang security.
Umupo kami ni Kaio sa park. Atat na atat pa akong magtext kay Anton pero hindi ako makakuha ng tamang tyempo dahil kinakausap ako ni Kaio. Ang security naman ay hindi ko alam kung nasaan pero alam kong nasa paligid lang iyon at nagmamasid.
"Can I ask you something?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya.
"Ano yun?"
"Bakit hindi mo nagustuhan si, Raj? I mean.. You were together everytime he's out. Pumapayag ka naman.. So I thought you kinda have feelings for him too."
Natahimik ako sa tanong niya. Why is he asking me this now?
"Don't get me wrong.. I just want to know." huminga siya ng malalim. "I never had the chance to be close to you kasi masyado kang aloof. Masikreto ka at masyadong misteryo sa akin. Hindi ako magkaroon ng chance to know you more.. I'm sorry ate, hindi ko namalayan na nalalayo kana pala sa amin."
ESTÁS LEYENDO
The Strings (Strings Series 2)
Chick-LitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika tatlumpu't pito
Comenzar desde el principio
