ika tatlumpu't lima

Start from the beginning
                                        

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi naman sa nagagalit ako sa ginawa niya. I'm not dumb. Sadyang hindi ko palang kaya na pumunta sa ganoon level. I need to ready my self first.

"Okay lang.." ngumiti ako at umiwas ng tingin. He stared at me with his doubtful eyes.

"I'm sorry." inulit ulit niya.

"Don't feel sorry. Ginusto ko naman. I just can't do the next level. Hindi pa ako handa."

Pumikit ulit siya sabay gulo ng buhok niya. Napangiti nalang ako kasi sobrang nagsisi at frustrated na ng itsura niya.

"I know. It won't happen again..until you're ready.." nauna na siyang lumabas ng sasakyan. Tumunganga muna ako sa loob ng sasakyan niya. It won't happen again? Parang nalungkot naman ako bigla. Kailan ba ako magiging ready? Really, Astrid? Kaya ka natatawag na manang ni Anton!

Kahit ano pa man.. Hindi ko mapapagkaila na halos madala na ako sa ginawa ni Anton. Hindi ko mapapagkaila na gusto ko yung halik niya. Feels so passionate and genuine. Yung tipong damang dama mo yung pagmamahal at pananabik.

Nang makababa ako mg sasakyan ay naramdaman ko ang distansya ni Anton. Ngumuso ako ng maglalakad siya na hindi ako tinitignan o dinidikitan.

"Aba, kita mo nga ang mga anak mayaman ni Ester, nagbabalik..." isa sa mga tsismosa namin kapitbahay ang nagsalita. Umigting ang panga ni Anton ng may isang tambay ma lumapit sa akin. Though I know him, hindi naman kami close.

"Ganda mo lalo, Astrid ah.." napahinto ako ng humarang siya sa dadaanan ko. Halos magtatanghali palang pero amo'y na amoy na ang alak sa kanya.

"Uh, s-salamat.." nauutal na salita ko. Nakakatakot kasi ang mga mata niya na parang pinagnanasahan ako.

"Get lost." nagulat ako ng biglang tabigin ni Anton yung lalaki at hilahin ako. Umamba pa nga yung lalaki na sugurin si Anton. Napigilan lang siya ng ibang mga nakatambay sa skenita kaya hindi natuloy.

"Ang lakas ng loob mo na patulan si Anton, Jingoy. Kayang kaya ka niyang ipakulong. Porke mayaman na ay mga yumabang ang mga iyan!" salita ng isang babae.

Umiling si Anton, tumikhim, at masungit na umirap habang diretso pa din ang lakad.

"Kaya hindi sila umaasenso kasi kuntento na sila sa buhay nila dito. Tss." masungit na salita ni Anton sabay bitaw sa kamay ko.

Nakatingin pa din ako sa kanya pero malamig pa din ang mga mata niya. Sometimes I don't get him. Sinabi niya na misteryo ako sa kanya, well infact, siya kaya ang misteryo sa akin.

"Diyos ko, Astrid!" nawala ako kay Anton ng lumitaw si nanay sa harap ko. Pakiramdam ko ay sumikip ang dibdib ko at para akong maiiyak sa sobrang saya na makita siya ulit sa harap ko.

"Nay!" mabilis akong napayakap sa kanya. Ganoon din ang ginawa ni nanay. Tumulo ang luha ko ng tahimik siyang umiyak sa balikat ko. Nagsilabasan din si kuya Jigs at Rosie na nasa bahay pala.

"Astrid." si Rosie. Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang malaki ang tyan at nagdadalang tao. Si kuya Jigs naman ay ibang iba ang itsura ngaun.

Wala pa akong isang taon nawawala pero malaki na ang nagbago.

"Kuya Jigs.." salita ko. Tipid siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko. "Juan Iñigo, Astrid.." Nag iba na din siya!

"You mean..." napatakip ako ng bibig ng tumango siya. "Nakilala mo na ang parents mo?"

"At mayaman din sila." sagot ni Rosie.

"At ikaw naman! Bakit...." hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng tipid siyang ngumiti at hinimas ang tyan niyang namimilog. "Kami ni Jigs.." tila ba nahihiya siya. I knew it! Hindi lang ako sure noon pero alam kong may something sa kanila.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now