ika tatlumpu't apat

Start from the beginning
                                        

"Saan ka pupunta?" now she's serious kaya napalunok ako. The way she look at me? Parang may alam siya at binabasa niya ang ang nasa isip ko.

"Do I need to report everything to you?" sagot ko. Pinilit kong maging matapang kahit kinakabahan ako sa mapanuring mata ni Bree.

"Well, I got curious when you go home alone. Raj will never do that. Kahit nga sa akin noon, never niya akong iniwan sa lahat ng lakad. He even not let me to go home alone." salita ni Bree.

Kinabahan na talaga ako. Damn it! Kilalang kilala niya Raj. Paano kung may alam siya? Paano kung may sinabi sa kanya si Raj? Goodness! Calm down Astrid!

"Good for you then." salita ko. Yumuko ako nang bahagya dahil hindi ko matagalan ang mga mata ni Bree na patuloy akong sinusuri.

"There's something wrong.. You forgot that his friends are my friends too. Some of them were in El Nido also. And there's this friend of ours told me that Raj got hospitalized dahil sa bugbog. What happened to him?" she's now more serious. What the fuck?

"I一 don't know..." hindi na talaga ako makatingin sa sobrang guilty. Lalong nanliit ang mga mata ni Bree.

"You better telling the truth. I will do everything to know kung ano talaga ang nangyari sa El Nido. Bakit ka umuwi agad. At aalamin ko kung ano ang sikreto mo. Be careful, Astrid. Baka mawala ulit seyo lahat ng mayroon ka ngaun.." sobrang confident ni Bree sa pagsasalita kaya sobrang kinakabahan talaga ako.

I tried my best to mockingly smiled at her. Kahit ang totoo ay para akong lulubog sa mga sinasabi niya. "It's not gonna happen, Bree. Everything I have now is really mine. Even your name is mine. Pinahawak ko lang ang kumpanya ko seyo.. That doesn't mean na makukuha mo. At the end of the day, ako pa din ang may ari ng lahat ng mayroon ka. Ako pa din. Always remember that."

Mabilis ang paghinga ko ng tinalikuran siya. Seryoso lang kasi siya habang nagsasalita ako. Ibang iba sa Bree na inis na inis kapag nababara ko. I felt scared... Baka kasi malaman niya kung ano ang tinatago ko. Baka siya pa ang maging dahilan nang pagbagsak namin ni Anton. I need to be more careful now. Hindi ko din kasi alam kung ano ang kayang gawin ni Bree. She still have the means.. Dela Fuente pa din siya.

"Ma'am saan po tayo?" natauhan lang ako ng biglang nagsalita ang driver. Hindi kasi nawala ang pangamba ko sa sinabi ni Bree. What if mahuli niya ako? Damn it!

"Sa school po." sagot ko. Alam ko naman kasi na tatanungin nila mommy ang driver at ni Bree. Mabuti na dito nalang ako magpababa bago ako makipagkita kay Anton.

Nang makarating ako sa school ay sinabi ko sa driver na sunduin nalang ako dahil matatagalan ako. Mabuti nalang din at nasa office sila mommy. Hindi nila malalaman na pinaalis ko ang driver. God! This is hard.

Mabuti nalang din at pumayag yung driver kahit nagdadalawang isip. Nasa Easton ako ngaun. Ayoko din naman kasi bumalik sa LSU dahil madami akong masamang ala-ala doon.

Tumayo ako sa waiting shed ng school and texted Anton to pick me up here. Mabilis naman siyang nagreply at on the way na daw siya.

Madyo madilim ang langit at tila ba nagbabadya ang ulan. Matatapos na kasi ang Mayo at malapit na pumasok ang tag ulan.

"You waiting for someone?" biglang may nagsalita sa gilid ko kaya napasinghap ako. Bahagya pang umuwang ang labi ko ng makita ang isang babae na sobrang ganda pero nakasuot ng hoody! She looks like mommy Sasha. Parehong maganda at pareho ng edad. Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

"0po..." halos mautal ako. Ang kalabog ng dibdib ko ay napalitan ng takot sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ikaw ang totoong Bree diba?" she said while looking at me intently. Nagulat ako sa tanong niya. Sino ba siya?

Napalingon ako sa sasakyan na bumusina sa harap ko. Bumalik ang paningin ko sa kausap kong babae pero wala na siya sa tabi ko. What the hell? Bakit ang bilis niyang nawala? Totoo ba siya o imagination ko lang? Bakit niya tinatanong kung ako ang totoong Bree? Kilala niya ba ako? Sino siya?

"Hey.. Are you okay?" mabilis akong nilapitan ni Anton ng hindi ako nakagalaw. Tumunganga kasi ako sa kanya at hindi makasalita. Ano ba ang nangyayari sa akin? Epekto ba ito ng masyado kong pagkukulong sa kwarto?

Tumango ako. Walang makapang salita sa dami ng niisip. "Hindi ka mukhang okay.. May nangyari ba?" sa tono ng boses ni Anton ay mukhang nag aalala na siya.

"Lets go inside my car first." inilalayan niya akong sumakay sa sasakyan niya. Tahimik pa din ako at hindi mapakali. Nanatili kasi sa isip ko iyong babaeng kumausap sa akin. That's worst than talking to Bree. Kasi si Bree, alam kong totoo. Pero yung babae? Guni guni ko ba o talagang may kausap ako?

"Astrid!" napasinghap ako ng hawakan ni Anton ang kamay ko. Tila ba bumalik sdin ako sa katinuan dahil sa haplos niya sa kamay ko.

"Ayos lang ako." sagot ko. Kumunot lang ang noo ni Anton at hindi na nagsalita. Nagsimula siyang magdrive habang ako ay iniisip pa din yung babae kanina.

"Are you okay?" tanong ko nang napansin na hindi na siya kumibo at seryosong nagmaneho.

Bumaling siya sa akin sabay balik ng mga mata sa kalsada. "You tell me.." sagot niya. Mukhang nawala din siya mood dahil sa inasta ko.

Tinikom ko ang bibig ko kaya napabuntong hininga siya. "There's something bothering you... Ano yun?" hindi niya ako tinanong. Alam niyang may bumabagabag sa akin.

Umiling ako at pilit na ngumiti. I need to keep my shits together lalo na at ngaun lang ulit kami nagkasama ni Anton.

"Saan tayo?" pag iiba ko ng usapan. Pinilit ko din pasiglahin ang boses ko kahit ang totoo ay naguguluhan pa din ako.

"You'll see." seryoso pa din siya. Alam kong hindi naniniwala si Anton na okay ako. Alam kong iniisip niya din kung ano ang iniisip ko.

Wala nang nagsalita. Natraffic pa kami pero pareho kaming tahimik. "Do you have tissue?" tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay bahagya akong mababahing sa sobrang lamig ng aircon sa sasakyan niya.

Tinuro ni Anton ang dashboard na may tissue na nakapatong. Dadamputin ko sana ito ng may makita akong isang papel na may nakalagay na mukha ng babae at malaking WANTED. Nalaglag ang panga ko at nagsimulang manginig ang kamay ko.

"Sino 'to?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Anton at seryosong akong tinignan. He sigh heavily. "My mom.." sagot niya.

Halos hindi ako makahinga. Hindi ako nababaliw! Totoo yung babae na kumausap sa akin. She's Anton's mom! She's Celine de Ocampo!She's here! She's back! Oh, my, God!

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now