ika tatlumpu't apat

Start from the beginning
                                        

"Bakit po kayo napunta dito?" tanong ko. Ayoko naman mahalata ni mommy na masaya ako masyado. Kahit ang totoo ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya.

"I just miss you.. Palagi ka nalang nagkukulong sa kwarto mo. Are you okay?" natigilan ako. Ganoon ba ako kagrabe nagkulong sa kwarto ko to the point na hindi ko na sila nabigyan ng atensyon?

"Sorry po.. Wala naman po akong gagawin sa labas.." sagot ko. Tumango si mommy sa akin at ngumiti ng tipid. I hate this feeling! I hate na umaatake na naman ang konsensya ko sa gagawin at ginagawa ko.

"Okay I understand.. Kaya nga pinapayagan na kita bumalik sa school."

Ngumiti si mommy at lumapit sa akin. Lalo akong nakonsensya ng sinuklay niya ang mahaba kong buhok. Napapikit pa nga ako sa bawat malumanay na haplos na pinakawalan niya sa buhok ko.

"Can I ask you something?" napadilat ako. Kinabahan ulit. Talagang ikakamatay ko na ang pagsisinungaling!

"Ano po yun?"

"Can your sister Bree manage the VC Aircraft for a while?" tinignan ni mommy ang reaksyon ko. Bakit si Bree?

"Uh," hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kapag sinabi ko bang ayaw kong si Bree ay ano ang mararmadaman niya? Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni mommy kaya kumunot ang noo ko.

"It's okay kung ayaw mo..."

Umiling ako. Hindi ko kayang hindi siya pagbigyan gayon may mali naman akong ginagawa sa kanila. Besides.. Imamanage lang naman diba?

"Sige po."

Nagulat si mommy sa sagot ko. "I'm sorry for asking it to you... Nalulungkot lang ako dahil umasa si Bree na sa kanya mapupunta ang company. I know you're the rightful owner dahil ikaw ang totoong anak ko. Pero sana maintindihan mo na hindi na din iba sa akin si Bree. Gusto ko lang ma-experience niya. That's all Astrid.."

Wala naman akong alam about sa company sa ngaun kaya ayos lang.
May bigla lang kumirot sa puso. Alam kong hindi ko ito dapat maramdaman pero nagseselos ako. Mahal ako ni mommy at daddy pero hindi ko magawang hindi magselos kay Bree. Kahit sabihin kong ako ang totoong anak. Alam ko naman na tinuring nilang ako si Bree. Sila ang nakasama nila kaya naiintindihan ko kung bakit ganito sila kay Bree.

Pinilit kong ngumiti. "Ayos lang po.." sagot ko. Ngumiti si mommy at malungkot akong tinignan.

"Hope this won't affect your feelings towards me. I loveyou Astrid.. Sana alam mo yan.." salita ni mommy bago ako tinalikuran.

Ngumiti ako. Sapat na sa akin iyon. Besides.. Mas importante ngaun sa akin ay makasama si Anton.

Isinantabi ko yung selos ko para kay Bree. Mahal ako ng magulang ko at yun naman talaga ang totoo. Kailangan ko din magbigay sa kanila. Kung tutuusin ay sila naman talaga ang naghirap sa companya na ipinamana ni lolo John sa akin.

"Where are you going?" tumaas ang kilay ni Bree nang makasalubong ko siyang prenteng nagbabasa ng magazine sa sopa.

Huminga ako ng malalim. Ito din ang isang dahilan kung bakit ayokong naglalabas sa kwarto. Bree is so nosy with everything I do. Nakakasakal.

"None of your bizz.." sagot ko. Lalagpasan ko na sana siya dahil naghihintay na ang driver ng bigla siyang tumayo at hinarap ako. Tinitigan niya pa ang mukha ko pababa sa damit na suot ko.

"Mom, bought that no? Ang ganda kasi. May class.. Not like you.." salita niya habang naiiling.

"Ano ba problema mo?" salita ko. Minsan talaga napuputol ni Bree ang pasensya ko sa pagmamaldita niya. Kahit mabait ka pala mailalabas mo ang taray mo kapag ganitong klaseng tao ang nakakasalamuha mo.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now