"As much as I don't want to let you go... I need to. Tama ka naman.. We need time. I'm just scared of losing you.. Noon pa man mahal na kita kahit kapatid pa ang tingin mo sa akin. I just..." pumiyok ang boses ni Anton at lalong humigpit ang yakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako sa yakap niya. Damang dama ko kasi yung pagmamahal at sakit na nararamdaman niya.
"Ayaw lang tanggapin ng pride ko na hindi tayo pwede sa paraan gusto ko. Ang tagal kitang pinangarap, baby.. Ang tagal kitang minahal ng patago. Now that we're not real siblings... Hindi ko matanggap na hindi pa din tayo pwede. Hindi ko matanggap that we're the ones who's sufferring for our parent's mistake. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang nangyari noon at kung bakit bawal pa din tayo ngaun."
Parang gripo ang luha sa mga mata ko sa patuloy na pagtulo. Iniisip ko nga kung hindi ko naman nakilala si Bree at mga Dela Fuente. Ano na kaya kami ni Anton ngaun? Iniisip ko nga kung mas okay na magkapatid kami or hindi pero hindi pa din kami pwede. Lahat ng anggulo kahit ano gawin namin ay hindi pa din kami pwede. Bakit ganito kasama ang tadhana sa amin? Bakit hinayaan kaming mahalin ang isa't isa ganoon hindi naman kami pwede.
Tinanggal ko ang mga braso ni Anton na nakayakap sa akin. Marahan kong pinunasan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang pisngi ni Anton. Ang mga mata niya na nakakalunod at punong puno ng emosyon ang nagpapalakas ng luob ko para lumaban.
"Just fight, Anton.." pumikit siya at nagmura ng haplusin ko ang pisngi niya. Mabilis ko siyang tinalikuran at tumakbo papasok ng hotel at hindi na lumingon pa.
Pagkatapos kong maligo ay hinanda ko ang sarili ko na harapin si Raj. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula pero hindi ko naman matatakasan ang katotohanan na kailangan namin mag usap.
Pag labas ko ng kwarto ay napalundag agad ako. Sakto din kasi na palabas na si Raj ng kwarto niya. Kumunot pa ang noo ko ng makita ko ang itsura niya. Mukhang hindi siya natulog.
Nakatingin siya agad sa akin. Kumirot ang puso ko sa mga mata niyang pagod na may halong pandidiri sa akin. I can't blame him. I need to accept his and their judgement dahil si Anton ang minahal ko. Minahal ko ang kapatid na nakalakihan ko. Minahal ko ang tao na anak ng taong naglayo sa akin sa mga magulang ko. Anak ng tao na pinag kait sa akin ang magandang buhay na dapat noon ko pa tinatamasa.
"Raj.." mahinahon salita ko. Lalo kasi akong kinabahan sa sobrang katahimikan.
Huminga siya ng malalim at pumikit ng mariin. "What do you want?" he said coldly. Lalo akong nanlamig sa tono nang pananalita niya. Parang hindi siya si Raj. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan.
"About一" pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"You being inlove with your brother?" he said with disgust. Nangapa ako ng salita. I want to talk to him and ask him kung bakit di niya ako sinumbong kila mommy. Bakit ganito?
"No. About not telling about us. And he's not my brother." kahit kinakabahan ako ay nilakasan ko ang loob ko.
Humalukipkip siya pero hindi pa din nawawala ang lamig at pandidiri sa mga mata niya. Napalunok pa ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa.
He smiled sarcastically. "I don't like your choice but I'm not going to let you fall. Mahal kita, e." yung lamig ng mga mata niya ay napalitan ng panandalian sakit. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Kung tutuusin, Raj is a nice guy. Pinakita at pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako. Nagustuhan ko siya noon pero hindi kasing lalim ng nararamdaman ko kay Anton.
"I'm sorry..." sagot ko. Hindi ko na kasi madugtungan ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay may kung anong nagbabara sa lalamunan ko. I don't want him hurt. Yung protektahan pa lang niya ako kila mommy ay sapat na sa akin para sabihin na mabuti siyang tao.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika-tatlumpu't tatlo
Start from the beginning
