ika- tatlumpu't dalawa

Start from the beginning
                                        

Tumango ako. Sumalampak si West sa sopa sa harap namin ni Brent sabay hawak ng cellphone.

"He look pissed. What happened?" tanong niya sa akin na tila ba may alam siya sa nangyayari.

Kumunot ang noo ko at kinalma ang sarili. "I don't know." sagot ko. Tumawa si West kaya napatingin kami ni Brent sa kanya.

"What's new? He's always pissed." tumingin siya sa akin sabay kindat.

"Shut up, prick!" binato siya ni Brent ng throw pillow sabay ngiti habang naiiling.

"Hindi kaba hinahanap..." napahinto si Brent na tila ba naghahanap ng tamang salitang sasabihin. "Nung boyfriend mo?"

"Sinong boyfriend?" tanong ko. Si Raj ba? O si Anton? Damn it!

"I don't have boyfriend.." sagot ko.

Halos mapatalon kami ni Brent ng marahas na sumarado ang main door. Kunot ang noo ni Anton habang nag iigtingan ang panga.

"Really? Wala kang boyfriend?" hindi ko alam kung galit o nang aasar ang tono ng boses niya pero literal na hindi ngumingiti si Anton at seryosong nakatitig lang sa akin.

Parang nanonood pa ng tennis si Brent na palipat lipat ang tingin sa amin ni Anton. "Relax ka lang dude. Para kang papatay." hilaw ang ngisi ni Brent. Ako naman ay hindi makatingin sa kanila. God Anton! Nababaliw kana ba talaga?

Hinagis ni West ang cellphone ni Brent at Anton kaya sabay napamura ang dalawa ng masapo nila ito. "Init ng ulo niyo.. ranlk game tayo!" sigaw niya na halata naman kinakabahan. Naupo si Anton sa tabi ni West habang may kung ano na binubuksan sa cellphone niya.  

Ganoon din si Brent na katabi ko. "You know how to play this?" pakita niya ng mag open ang app ng laro na sinasabi ni West. Ngumuso ako at bahagyang tumango. Hindi ko siya sobrang alam dahil once lang kami naglaro niyang nila Rosie at Nam noon. Si kuya Jigs ang madalas ko makita naglalaro niyan.

"Here," sabay bigay niya sa akin mg cellphone.

"Ano gagawin ko dito?" tanong kong parang tanga. Tumaas ang kilay ni Brent at inopen yung phone na mayroon din ganoon app.

"We'll play.. Galingan mo ha!" tinap niya yung ulo ko kaya nainis ako ng bahagya. Nakita ko pang nakatingin sa akin si Anton. Nang mahuli kong nakatingin siya siya ay mabilis siyang nag iwas at tumutok sa cellphone niya. Ang sungit!

"Accept mo yung invite, Astrid." salita ni West. Lahat sila ay seryoso kaya medyo kinabahan ako. Para bang life and death ang laro na ito para sa kanila.

Pag kaaccept ko ay napunta ako sa lobby. Nandoon na si Anton, West at Brent.

"I'm gonna choose, Layla.." natatawang salita ni Brent. Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Fucking gay... Change your hero!" iritable si West. "We're playing rank dude. Umayos ka." lalong natawa si Brent sa sobrang seryoso ni West.

"Choice ko 'to. Stop the drama ang play well instead." natatawa pa din si Brent.

"Jawhead ako." si West na inis pa din.

"What's yours?" halos mapatalon ako ng magsalita si Brent. Ako nalang ang walang hero. "Johnson si Anton so mag Odette ka nalang." kindat ni Brent. Who the fuck is Odette?

"Ano.. Hindi ko siya kilala... Baka maipatalo ko lang kayo.." nahihiya talaga ako.

"You can do it. Third skill niya swan.. Then second is ma-stun yung enemy.. Kaya mo yan just follow Johnson." kumindat siya sabay tingin kay Anton na bumuntong hininga.

So ayun nagsimula na yung game. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Si Brent kasi nagpunta na sa mid while Jawhead goes to top. Napansin ko din si Anton who plays Johnson na nakasunod lang sa akin.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now