ika- tatlumpu't dalawa

Start from the beginning
                                        

"Hind kaba takot?"

"I told you I'm not scared, Astrid. Ngaun pang alam ko na mahal mo ako? No way!" seryosong salita niya. A part me felt scared.. Sa tono kasi ng pananalita ni Anton ay sigurado nga siya at walang bakas ng takot.

Huminga ako ng malalim.. I need him to understand that we need to buy time. Hindi porke't gusto namin at hindi siya takot ay ipagsisigawan na namin.. I still care for mommy Sasha and daddy Luther. Pamilya ko din sila.

"What are you thinking?" lumapit sa akin si Anton at bahagyang nilaro ang mga daliri ko. Sa ginawa niya.. Bahagyang kumalma ang sistema ko.

"Can we buy more time?" sagot ko na nagpatigil sa ginagawa niya. Napatingin ako sa mga mata niya na nakitaan ko ng bahagyang takot na bigla din naman nawala.

"Until when? It's now or never, baby. Even now and then, your family still probably won't approve us. Hanggang kailan yung time na yan, Astrid?" he said seriously. 

Nangapa ako ng salita. Kailan ba ako magsasalita ng hindi niya ako mababara? Why so smart Anton?

"Bata pa ako. You're too. Kung tayo naman talaga一"

Natigilan ako when I saw pain in his eyes. Kinagat ko ang labi ko ng nag iwas si Anton ng tingin at mahinang nagmura.

"Why do I feel na pinapaasa mo lang ako na lalaban ka for us? The war isn't yet starting pero pakiramdam ko iniiwan mo na ako sa ere? Can't you trust me completely? You think I'm dumb? I know our stand. Pero yung madinig na parang hindi mo kaya na lumaban... It's sucks, Astrid. Bigtime!"

Nalaglag ang panga ko sa burst out ni Anton. Bakit hindi niya ako maintindihan?

"Hindi ko naman sinabi na iiwan kita.. Reality check lang! Baka kasi nakakalimutan mo na hindi naman talaga pwede kung ano to'ng meron tayo!" I shouted out of frustration. Seriously? Nag aaway talaga kami?

Nag igting ang panga niya. "Well, I don't need reality check." mabilis siyang tumalikod kasabay ng pagbukas ng pinto at iniluwa ang maingay na si Brent at West at si Britt na nakabikini pa!

Natigilan sila ng lampasan sila ni Anton na diretsong lumabas ng villa. Fuck. Iniwan ako?

"What the fuck?" mura ni Brent ng makalabas si Anton. Nakatulala ako at biglang umayos ng upo ng mag tama ang mata namin ni Brent. Kumunot ang noo niya at sa huli ay lumawak ang ngisi niya.

"Baby!" sigaw niya kaya napatingin si Britt at West sa akin.

Napalunok pa ako ng makita ang gulat sa mukha ni Britt. "She's Anton little sister diba?"

Fuck. Little sister. Isang inosenteng salita na lalong nagpabagabag sa akin.

Hindi ako nakakibo. Ni hindi ko ngang makuhang ngumiti dahil sa sinabi niya.

"Back off! Hindi sila magkapatid." si Brent ang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

Kumunot ang noo ni Britt. "Yes. But technically, they grew up together as siblings. Epal ka!"  umirap si Britt. Lalong humataw ang puso ko sa kaba at kaonting kirot. Para akong sinampal sa mukha. Tama naman si Britt! How will people accept us? Lalo na yung mga nakakakilala sa amin. They still think na magkapatid kami dahil sabay kami lumaki bilang magkapatid.

Nagmura ng mahina si Brent at pumikit. "Ako talaga ang epal, e?" he said sarcastically. Umirap lang si Briit at tumalikod sabay pasok sa isang silid katabi ng silid ni Anton. Bumuntong hininga ako. Atleast hindi sila same ng room diba? Pero naiinis ako!

"Kanina kapa?" baling sa akin ni Brent. Nakakalunod din ang mga mata niya kagaya ng kay Anton. Hindi sila yung typical na twins na magkamukha.. May resemblance sila pero hindi pa din totally magkamukha.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now