ika tatlumpu't isa

Start from the beginning
                                        

Nagmura si Anton ng mahina at bumulong na hindi ko masyado naintindihan. "Ako dapat ang galit, diba? Damn it!"

"Ano?" napabaling ako sa kanya. Umiling siya at mabilis akong dinampian ng halik sa labi. Mabilis siyang tumayo habang nakangisi habang ako ay naiwan nakanganga.

Sumosobra na siya ha! Kakaamin ko lang ng feelings ko halik na siya ng halik! And I'm scared masanay ako at hanap hanapin iyon.

Pumunta siya sa open kitchen kaya sumunod ako sa kanya at naupo sa stool.

"Ano gagawin mo?" tanong ko kasi nag simula siyang maghiwa ng mga white and huge onion. Hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako. I was staring at him like an idiot. Bawat galawa ng biceps niya at perpektong angulo ng panga niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Anton has angelic face, though, cold talaga ang mga mata niya pero nakakalunod kapag tumitig ka. Ang tangos ng ilong niya ay ang nagdala sa ganda ng mukha niya. He's not vein when it comes to his hair. I don't know kung iyon ba talaga ang ayos  ng buhok niya o sadyang wala siyang pakealam. Nevertheless, his messy hair makes him more attractive.

"Bakit ang daming sibuyas?" tanong ko. Paano limang malalaking puting sibuyas na ang nahihiwa niya.

"You're going to eat this, baby.." sagot niya na hindi manlang ako nililingon.

"What?" gulat na gulat na tanong ko. I don't like onions! Alam dapat iyan ni Anton. Hindi ako maselan sa pagkain pero sadyang hindi ako kumakain ng onions.

Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano pero halatang nagpipigil na siya ngumiti.

"Onion rings baby.." sagot ulit niya.

"What's with the onion rings? Alam kong alam mo that I don't eat onions, right?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at mabilis akong dinukwang. Nakaupo kasi ako sa stool sa harap kung saan siya naghihiwa. Halos malaglag pa nga ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. And for the sake of heaven! He's still shirtless!

"I know baby.." malambing at nang aakit na salita niya kaya napalunok ako.

"Eh...." hindi ako makasalita kasi ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko. Feeling ko nga hininga na niya yung nahihinga ko.

"Onions can heightened peoples emotion. I think you need lots of onions.." seryosong seryoso siya kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Heightened?" tanong ko.

"You're too naive and primitive, baby," bumuntong hininga siya na para bang ang laki laki ng problema niya sa mundo.

"Excuse me! I'm not primitive nor naive! I'm conservative!" tulak ko sa kanya na ikinahalakhak niya. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko at pinaglalaruan niya ako. What the hell happened to us? Kanina ang awkward. Ngaun naman parang ang tagal na namin close.

"Same thing." kindat niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"I'm not going to eat that." salita ko.

"You will. You need a little help, baby.. Kailangan mabuhay ang hormones mo.." natatawang salita niya na ikinalaglag ng panga ko.

"Mabuhay? Hormones?" takang takang tanong ko. Tila ba ligayang ligaya si Anton na nakikita akong naguguluhan sa mga sinasabi niya.

"Ano ba mapapala ko kapag nabuhay ang hormones?" para akong tanga. Ang totoo, gulong gulo talaga ako sa mga sinasabi niya.

"You'll be slighly aggressive. You know.." kinagat niya ang labi niya at halatang pigil na pigil na humagalpak ng tawa.

"Aggressive? Niloloko mo ba ako?" kunot noong tanong ko.

"Damn it baby, horny!" walang awang salita niya. Nanlaki agad ang mata ko sabay bato sa kanya ng sibuyas na hinihiwa niya.

"Bastos!" salita ko pagkabato ko ng sibuyas na nailagan naman niya. Tuwang tuwa si Anton habang ako naman ay hiyang hiya! Grabe lang!

Tumayo ako at nagtakip ng mukha. Natigilan si Anton na makitang maglalakad ako palabas ng villa nila. My God! Hindi yata makakayanan ang kahihiyan!

"Hey.. I'm sorry..." mabilis niya ako hinawakan sa magkabilang braso. Though hindi ko siya nakikita dahil nakatakip yung mukha ko ng mga palad ko ay nadama ko ang pangamba sa boses niya.

"I-m sorry.. I didn't mean it. I was just teasing you.." takot pa din ang boses niya kaya unti unti kong tinanggal yung palad ko sa mukha ko.

"I thought, iba ka.. I thought you were gentleman.." halos manginig ang boses ko. Bukod sa nakakahiya ay bahagya akong nadissapoint sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. "I'm sorry if you think inosente ako or makaluma. It's me." sagot kong nakatitig sa mga mata niya na hindi maalis ang pangamba.

Iniangat niya ang baba ko para maglapat ang mga mata namin. "I know.. And I love you that way. I'm sorry if you think na binastos kita. That will never happen. I just want you to feel at ease when we're together. You know it's not me. I'm not witty or naughty at all. But I'm willing to adjust para mapalapit sa iyo. I'm willing to change para makuha ko yun loob mo. You love me and I love you, but still, you're not comfortable with us, with me. I don't want that baby.. Hindi sapat na mahal mo lang ako. Gusto ko, ako yung maging mundo mo. Gusto ko, ako yung maging buhay mo." he sincerly said.

Halos lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Marahan niya hinawakan ang batok ko and kiss me passionately. Wala akong nagawa kundi pumikit at magpaubaya sa kanyang halik. Nang nagbitiw ang labi namin ay ngumiti siya ng tipid.

"Still want to take it slow, baby?" tumaas ang kilay niya.

Para akong lasing at nahihilo sa halik na ginawa niya. He's my first kiss at hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na halikan ka ng lalaking mahal mo. Nakakawala sa sarili. Nakakaadik.

Umiling ako at kinagat ang labi. "No.." halos ibulong ko iyon. Nakakahiya kasi isang halik niya lang nakokontrol niya ako!

Umirap ako ng humalakhak siya ng mahina. "Good girl.." 

Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila ulit sa akin palapit sa kitchen. I stared at him, hindi ko mapigilan mapangiti, Anton looks genuinely happy.

Fuck. I'm sure I'll fight for him.
I really love him.






----

Ps. I unpublished the half of the story. You can read it completely at Dreame apps. Same pen name. Thank you!

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now