Bumalik ang lahat ng alaala ko nung inamim ni Anton na may feelings siya sa akin. At hindi ko naman maamin na mahal ko din siya. Ganitong ganito ang eksena namin noon.

Huminga ulit siya ng malalim at marahan hinawakan ang kamay ko na biglang nagpatalon sa akin. Kumunot pa nga ang noo niya pero hindi niya binitawan ang kamay ko. He played my fingers while still looking at the sea. Ako naman ay hindi makali sa kuryente sa maliit na haplos ni Anton sa kamay ko.

"I'm not mad at you.. I will never be.. Bakit mo naman naisip na galit ako?" tanong niya sabay tingin sa akin. Nakauwang bahagya ang labi niya habang nakatingin sa akin pababa sa labi ko. Lumunok ako dahil hindi ko talaga makayanan kapag ganyan ang mga mata niya.. Yung parang nang aakit.. Palagi.

"Hindi ko din alam.." sagot kong kabang kaba. Tumaas ang kilay ni Anton at tila ba binabasa kung ano ang asa isip ko.

"Sure.." malamig na salita. Bumitiw siya sa kamay ko kaya nadismaya ako bigla. Pinagsiklop niya ang kamay niya at bahagyang tumahimik.

"Palagi kang misteryo sa akin Astrid... When we were still young.. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip mo. We grew up together pero kahit kailan ay hindi ko nabasa yung totoong nararamdman mo." he said seriously.

"Bakit naman?" gulong gulong tanong tanong ko.

Nagkibit balikat siya.. "Because you were not close to me.. I mean.. I know we're not close when we were young coz I intend not to. Ayokong mapalapit seyo coz I don't want to treat you as my sister and you to treat me as your fucking brother. I don't want to.. I don't want that baby..."

Lalong kumalabog ang puso ko sa mga sinasabi ni Anton.. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. I hated sometimes na kayang kaya niyang sabihin yun nararamdaman niya habang ako ay nag-iis-strugle pa.

"Kasi gusto mo ako noon pa?" tanong kong parang tanga. My heart rejoiced with his words.

Ngumisi si Anton ng bahagya at ginulo ang buhok ko.

"I don't know... Nasa punto ako noon na pinipigilan ang sarili ko to feel the care and love in a romantic way for you.. I think it was disgusting coz we were siblings.. Pero hindi talaga... Kahit anong pigil ko.. I ended up na mahal talaga kita."

Napauwang ang labi ko at walang makapang salita. Mabilis na tumingin sa akin si Anton na tila ba binabasa ang ang reaksyon ko. Yung mga mata niya na parang nagmamakaawa na sabihin ko yung nararamdaman.. Those lonely eyes is breaking my heart. How can I be so brave like you?

He smiled bitterly at looked away. "You always confused me.. You are not cold yet not warm.. You are always in between.. As much as I want to know your feelings I always ended wrecked and broken.. Kuya pa din ang tingin mo sa akin." nabasag ng bahagya ang boses niya. Yung salita niya ay parang punyal na tumutusok sa puso ko.

He had done nothing wrong to me.. Basta isang araw ay naramdaman ko na lang din na mahal ko siya hindi bilang kuya ko. I just don't have the guts to say it.

Naiilang kasi ako. I don't know.. Pero looking at him now? Nawawasak ako.

"I love you Astrid... I don't know when it will stop.. Pero mahal talaga kita. But nasa punto ako na isusuko na kita... I don't want to be miserable baby... Kasi..pakiramdam ko.. Kahit umiyak ako ng dugo sa harap mo.. You will always see me as your kuya."

"Kahit hindi naman kita kuya bawal pa din tayong dalawa.." nabasag ang boses ko kaya biglang napatingin si Anton sa akin.

Tumango si Anton at pumikit ng mariin. "I don't care about them... Kaya kitang ipaglaban Astrid.. I can fight for you..I can fight for us.. I can break their rules. All I need is you.. All I need is you to be with.. Basta alam kong kasama kita.. Kahit maubos ako... Ipaglalaban kita."

Malungkot ulit siyang ngumiti. Ang mga luha ko ay ayaw ng paawat sa pagtulo. I love him.. Ngaun ko lang narealized na mahal na mahal ko pala talaga siya.

Tumayo bigla si Anton kaya natigilan ako. Marahan niyang pinagpagan ang sarili. "But how can I fight if this is one sided love? Ako lang ang nagmamahal.. Mahirap lumaban mag isa Astrid.. Paano ako lalaban kung hindi ko alam yung gusto mo? Paano kita ipaglalaban kung hindi ko alam nararamdaman mo?"

Bumuhos ang luha ko ng makita ang pagkinang ng mga mata ni Anton. Hindi ko kaya! I don't want him hurt.. Tama naman siya.. Kahit kailan ay hindi ako nagtapat ng totoong feelings ko... Marahan humakbang si Anton palayo kaya napatayo ako. I can't... I can't lose him.. Siya lang ang lakas ko noon at alam kong siya pa din ngaun. I'm just coward to tell the truth kasi madami akong ikinoconsider. But can I be selfish just this once?

"Anton!" sigaw ko. Marahan akong naglakad palapit sa kanya ng natigilan siya. Bahagya pa siyang nagulat ng makita na umaagos ang luha sa aking mga mata..

"Hey... Bakit ka umiiyak?" puno ng pag alala at lambing ang boses niya kaya lalo akong napaiyak. Bakit ba hindi ko masabi na mahal ko siya? What the hell is wrong with me?

"I want you to fight for us.. I want you to fight for me.." nanginig na salita ko. Nakita ko ang sobrang gulat niya at bahagyang pag uwang ng labi..

Bahagyang siyang ngumisi at niyakap ako ng mahigpit." Why do you want me to fight for us?"

Bahagya akong kumalma ng halikan niya ang noo ko. Nagkatinginan kami at kita ko ang kaba at excitement sa mga mata niya.

"Kasi...." kinagat ko ang labi ko. Tinagilid pa ni Anton ang ulo niya pero kita na namumula ang mga mata niya. He's smiling but he looks like he's going to cry.

"Kasi?" ulit niya sa sinabi ko..

Pumikit ako ng mariin at nang pagdilat ko ay nagtama ulit ang mga mata namin.. "Mahal kita, Anton. Pero natatakot ako..." sagot ko.

Pumikit ng mariin si Anton at nagpakawala ng mura. Hindi ko alam kung natutuwa siya o ano pero lalong namula ang mga mata niya. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Napapikit ako bigla sa init at marahan halik niya sa akin.. I got carried away kasi matagal ko nang gustong gawin ito sa kanya. As I've said.. I don't have the guts to.

Masyado akong naging madamot sa sarili ko. Palagi nalang kapakanan ng iba ang inuuna ko. Ngaun lang ako nakaramdam na gumawa ako ng bagay para sa sarili ko. Ngaun ko lang masasabi na pinili ko kung ano talaga yung nararamdaman ko.

Halos hingalin ako ng bitiwan ng labi ni Anton ang labi ko. He wiped my tears and kissed the tip of my nose.

"Mahal kita, Astrid.. Mahal na mahal.. Pero hindi ako takot..."

Humigpit ang yakap ko sa kanya. Damang dama ko na bahagyang nanigas si Anton sa ginawa ko. Tila ba nakahinga ako ng maluwag dahil nasabi ko na yung totoong nararamdaman ko. Masaya ako ngaun, tsaka ko nalang iisipin kung paano kami kapag bumalik na kami sa realidad.. But for now.. Hahayaan ko munang maging masaya ang sarili ko.

Hinawakan ni Anton ang pisngi ko kaya napapikit ako ng mariin. His soft touch made me feel secured. Na parang kahit anong mangyari ay nandyan lang siya sa tabi ko.

"Are you sure about your feelings?" tanong niya. Tumango ako habang nilalabanan ang mga titig niya. Nakatitig pa din si Anton sa akin.. He even bit his lips while staring at mine.

Isang mura ulit ang pinakawalan niya. "This will start war baby... Are you in?" tanong niyang naging seryoso.. Para akong natutunaw sa tingin niya na halos sambahin ako. He loves me.. Hindi siya takot. I'm scared pero lalakasan ko ang loob ko dahil alam kong nandyan siya sa tabi ko.

"I'm in." sagot ko.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now