Part 22

24.3K 595 32
                                    

Lumapit sa kanya si Apolinario at agad na kinuha ang traveling bag mula sa kanyang balikat. Pagkatapos ay ikinulong nito sa dalawang kamay ang kanyang mukha.

"Breathe. Come on," masuyong udyok nito na siya namang ginawa niya hanggang magawa na niyang makahinga nang maayos.

But she could still feel the pain in her heart, as if it was breaking. At may pakiramdam si Jesilyn na mananatili ang sakit na iyon sa kanyang dibdib ng matagal na panahon.

"Okay ka na?" malumanay na tanong ni Apolinario.

Tumango siya. Inakbayan siya ng kasintahan at inalalayang makapasok sa elevator. Nang umaandar na iyon pababa ay saka bumakas ang frustration sa mukha nito at niyakap siya.

"Damn, Jesi. Kung gusto mong mamasyal sa kung saan, sana'y sinabi mo sa amin. Hindi 'yong bigla kang nawala! Alam mo ba na umiiyak na tumawag sa akin ang mga magulang mo nang umagang nawala ka? Ilang araw nang nasa ospital ang mama mo dahil tumaas ang presyon niya at ayaw niyang kumain dahil nag-aalala siya para sa 'yo."

Napaiyak na naman si Jesilyn. "I-I'm sorry," garalgal na naiusal niya. Iyon lamang ang kaya niyang sabihin nang mga sandaling iyon. "I'm sorry."

Muli ay bumuga ng hangin si Apolinario. "At ang magaling mong kaibigan, kahit anong pananakot ko sa kanya para sabihin kung nasaan ka ay hindi niya sinabi sa akin. Your mother should fire that woman!" gigil na litanya pa nito.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap ng kasintahan dahil alam niyang si Sheila ang tinutukoy nito. "No! Walang kasalanan dito si Sheila. I made her promise not to tell anyone."

Puno ng disgusto ang ekspresyon sa mukha ni Apolinario. "I doubt it. Mabait at masunurin kang anak noong hindi pa dumarating sa buhay mo ang babaeng 'yon. Siguradong hindi mo man napansin ay naimpluwensiyahan ka niya. You've become disobedient and restless since you met her. You used to be content with your life."

Napatitig si Jesilyn sa mukha ng kanyang kasintahan. Napagtanto niya sa unang pagkakataon na hindi talaga siya kilala ni Apolinario. O mas tamang sabihin na hindi siya nito pinagtuunan ng seryosong atensiyon. That he did not really look at her true self. Dahil kailan ba siya naging kontento sa buhay niya? Kailan siya hindi naging restless? Alam niya na pagdating sa katayuan sa buhay ay mas masuwerte siya kompara sa iba. Pero bata pa lamang ay alam niya na hindi lang materyal na kayamanan ang nagpapaligaya at nagbibigay ng halaga sa buhay ng isang tao.

"Kapag tinitingnan mo ako, 'yon ba talaga ang nakikita mong pagkatao ko?" mahinang tanong niya.

Kumunot ang noo ni Apolinario na para bang hindi maintindihan ang sinasabi niya.

May bumikig sa kanyang lalamunan. "Noong bata pa ako, hindi ako nagkaroon ng kaibigan dahil masyadong mahigpit ang mga magulang ko. Hindi ako makapunta sa gusto kong puntahan, palaging bahay at eskuwela lang ang ruta ko sa araw-araw. I felt like I was living a very shallow life, like I was just going along with the flow of time. Siguro para sa iba, iyon ang perpektong buhay. Kanya-kanya naman 'yan kaya nirerespeto ko ang mga taong ganoon. Pero mula noon hanggang ngayon, mukha ba akong kontento sa ganoong buhay?"

Napakurap si Apolinario at napatitig sa kanya na para bang noon lamang siya nito nakita. "Ano'ng nangyayari sa iyo, Jesilyn?"

Napailing siya. "Nothing," sabi na lamang niya. Bumukas na kasi ang pinto ng elevator sa ground floor ng hotel. Huminga siya nang malalim at nagpatiunang umibis mula roon pero muntik na siyang mawalan ng balanse dahil parang nanlalambot ang kanyang mga tuhod.

Mabilis na umagapay sa kanya si Apolinario at hinawakan siya sa siko. "You're still not feeling well. Sumandig ka sa akin."

Sa tingin ni Jesilyn hindi iyon dahil sa pag-atake ng heart defect niya. Sa palagay niya ay mas emosyonal ang dahilan kung bakit nanghihina siya. Pakiramdam niya ay malaking bahagi ng kanyang buhay ang biglang nagbago. Lalo na nang mapagtanto na hindi rin niya kilala nang husto si Apolinario. Wala siyang karapatang akusahan ang kasintahan kahit sa isip lang na hindi siya nito pinagtuunan ng seryosong atensiyon dahil ganoon din naman siya rito. Matagal na silang magkakilala at magkarelasyon ng isang taon pero wala sa kanila ang nagtangkang mas mapalapit pa nang husto sa isa't isa. They never talked about anything too personal and emotional. Kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng physical at emotional intimacies.

Kung ganoon, ano ang tawag sa kanilang relasyon?

Napahugot ng malalim na hininga si Jesilyn at sumandig sa balikat ni Apolinario. "I'm sorry for snapping at you like that."

Inakbayan siya ng kasintahan at inakay patungo sa reception area para makapag-check out.

"Mag-uusap tayo kapag nakabalik na tayo ng Pilipinas at nakausap mo na ang mga magulang mo," pabuntong-hiningang sabi ni Apolinario.

Nakagat ni Jesilyn ang ibabang labi at tumango. Dahil talagang marami silang kailangang pag-usapan. At siyempre kailangan din niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang naging desisyon niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito pero determinado siyang ipaglaban ang kanyang desisyon.

"How about your companion, Ma'am?" biglang tanong ng receptionist habang inaasikaso ni Jesilyn ang pagtse-check out niya.

Natigilan siya at tumahip ang dibdib. Hindi lang dahil pinaalala sa kanya ng receptionist si Ryan kundi dahil nasa tabi niya si Apolinario.

"May kasama ka?" kunot-noong tanong ng lalaki.

Nanlamig siya at umiling, pagkatapos ay pilit na ngumiti sa receptionist kahit parang may lumalamutak sa puso niya at may bikig sa kanyang lalamunan. "I don't have any companion. I'm alone."

Bumakas ang pagtataka sa mukha ng receptionist. Hindi naman niya ito masisi dahil sa loob ng ilang araw ay palagi nitong nakikita na magkasama sila ni Ryan. Ang receptionist din na iyon ang kumuha sa atensiyon niya nang tumawag si Kenneth.

Nag-init tuloy ang mga mata ni Jesilyn. Nagbaba siya ng tingin at binilisan na lamang ang pagpirma sa papel na nasa harap niya. Nang matapos ang pag-check out ay muling hinawakan ni Apolinario ang kanyang siko at inalalayan siya hanggang makalabas na sila ng hotel lobby.

Habang naghihintay ng taxi na maghahatid sa kanila patungo sa airport ay hindi nakatiis si Jesilyn. Lumingon siya sa hotel, sa palapag kung saan siya tumuloy sa loob ng mga nakaraang araw, kung saan alam niyang naroon si Ryan. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi upang pigilan ang mapahikbi.

"Jesi, let's go," narinig niyang sabi ni Apolinario nang may humintong taxi sa harap nila.

Huminga nang malalim si Jesilyn, pagkatapos ay binawi na ang tingin at sumakay sa taxi. Sumandal siya at pumikit para huwag maiyak.

Sigurado siyang naiwan doon ang malaking bahagi ng puso niya.

Good-bye, Ryan.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now