Part 35

25.4K 635 32
                                    

BUONG biyahe mula sa bahay nina Jesilyn kung saan inihatid ni Ryan ang dalaga hanggang makauwi siya sa Bachelor's Pad ay malalim ang kanyang iniisip. Matindi ang naging tama sa kanya ng mga sinabi ni Jesilyn kung bakit ito nagpunta sa coffee shop na iyon.

"Kung maghihintay ako rito na katulad ng ginagawa ko tuwing umaga noon sa Singapore, darating ka kaya?"

Kung alam lang ni Jesilyn na para siyang pinana sa dibdib nang sabihin nito ang mga katagang iyon. If she only knew how those words changed everything. Dahil nasiguro ni Ryan na talagang walang pinatutunguhan ang pagdistansiya niya sa dalaga. Na sa halip na mabawasan ang nararamdaman para dito ay lalo lamang iyong tumitindi. He could no longer resist his feelings. Ayaw na niyang pigilan pa.

Kaya pagkahimpil ng kotse sa parking lot ng gusali ay may nabuo na siyang desisyon. Haharapin niya ang problema kahit pa masaling ang kanyang pride.

Puno ng determinasyon si Ryan nang pumasok sa common area kung saan naroon pa rin ang karamihan sa mga residente at nagpapalipas ng oras bago magsipagtulog sa kani-kanilang unit. Binati siya nina Trick at Benedict na nakatayo sa isang panig at mukhang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan. Nakita rin niya sina Jay, Ross, at Draco kasama si Keith at si Derek na noon lang niya nakitang nakatambay sa common area sa loob ng ilang buwan dahil ang alam niya ay abala si Derek sa itinatayo nitong pangalawang restaurant. Isa kasing chef-slash-restauranteur ang lalaki. Higit sa lahat ay naroon din si Apolinario.

Ikinuyom ni Ryan ang mga kamay at naglakad palapit sa common area. Huminto siya sa harap ni Apolinario.

Nagtatakang tiningala siya nito. "Ryan, what is it?"

Seryosong sinalubong niya ang mga mata ng lalaki bago nagsalita. "Montes, punch me."

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Apolinario. Natahimik naman ang mga nasa paligid nila.

"What?" kunot-noong tanong ni Apolinario nang tila makabawi. Tumayo pa ang lalaki kaya nagkapantay na sila.

"Come on, punch me," ulit ni Ryan.

"Hey, Ryan, ano'ng problema?" biglang tanong ni Jay na tumayo.

Sa tono pa lamang ng lalaki ay alam na ni Ryan na alam nito kung bakit niya iyon sinasabi kay Apolinario. At mukhang ganoon din sina Keith at Draco na tumayo na rin na parang aawat sakali mang magkaroon ng gulo. Na hindi mangyayari dahil wala siyang balak na magbuhat ng kamay.

"Bakit gusto mong suntukin kita?" kunot-noo pa ring tanong ni Apolinario.

"Ryan," magkahalong banta at pananaway na sabi ni Keith pero hindi niya inalis ang tingin kay Apolinario.

"Because I fell for your girlfriend. Nagkakilala kami sa Singapore. For the past weeks, I've been trying to make this feeling fade because I value my friendship with you. I know that I even made her cry in the process because I told her to forget me, too. Pero kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko siya magawang kalimutan. So come on, punch me. Because after this, even if it's against my values, I decided that I will steal her away from you," seryosong sabi ni Ryan.

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Apolinario, pagkatapos ay tumiim ang mga bagang at kumislap ang mga mata na tila ba naunawaan kaagad ang sitwasyon. "So, ikaw pala ang lalaking sinasabi niya," malamig na sabi nito.

Nagulat si Ryan na nabanggit na siya ni Jesilyn kay Apolinario. Medyo may nakapa pa siyang selos na ganoon ka-open ang dalaga sa kasintahan nito. Nawala tuloy ang konsentrasyon niya at nabigla sa pag-igkas ng kamao ni Apolinario. Tumama iyon sa kanyang mukha at nawalan ng balanse pero nagawa naman niyang huwag malugmok sa sahig.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now