Part 24

25.7K 611 47
                                    

Natatandaan pa ni Ryan na para siyang hangal na katok nang katok sa pinto ng hotel room ng dalaga nang magising siya at makapagbihis. Ang gaan pa ng pakiramdam niya noon at may ngiti sa mga labi dahil sariwa pa sa kanya ang nangyari nang nagdaang gabi. Napalis ang ngiti niya nang dumating ang isa sa staff ng hotel para maglinis sa hotel room ni Jesilyn. Noon niya nalaman na nag-check out na raw ang dalaga nang umagang iyon.

Subalit hindi iyon ang pinakamatinding nalaman ni Ryan. Mas matinding sipa sa sikmura niya nang bumaba siya sa reception area at sabihin ng tao roon na umalis si Jesilyn na may kasamang lalaki. Dumating daw ang lalaking iyon nang umaga at sinundo ang dalaga. Base naman daw sa pag-uusap ng dalawa at pag-akbay ng lalaki kay Jesilyn ay mukhang magkakilala raw ang mga ito.

Mula noon ay hindi na napakali si Ryan sa kaiisip kung sino ang lalaking iyon. O kung bakit hindi man lang nag-iwan si Jesilyn kahit maiksing note para sa kanya. Nagsisi ba ang dalaga na may nangyari sa kanila kaya mas pinili nitong huwag magpaalam?

Ryan was so frustrated and shaken that he decided not to go to Kuala Lumpur anymore. Kinahapunan din ay nagtungo siya sa airport para bumalik sa Pilipinas. Nasa Bachelor's Pad na siya nang mapagtanto na dapat pala ay pinuntahan muna niya ang pinsan ni Jesilyn para magtanong ng tungkol sa dalaga. Nang makabalik kasi siya sa Pilipinas ay na-realize niya na mahihirapan siyang hanapin si Jesilyn dahil ang alam lang niya ay ang pangalan nito. He did not even know her surname. Hell, they did not even have a picture together.

"Ano ang gagawin natin? He looked like he was about to cry. Did someone dump you?" biglang tanong ni Ross na tinapik pa siya sa likod.

Natigilan si Ryan at napatingin sa tatlong lalaki na kasama niya sa common area. Sabado pa lang ng hapon at kapag ganoong oras ay halos wala pang tao roon. Sa katunayan, kung hindi lamang siya distracted at katulad pa rin ng dati ay baka nasa opisina pa rin siya ng ganoong oras at nagtatrabaho. But he had been unable to focus on his work for two weeks already, because of Jesilyn.

"Do I look like I got dumped?" tanong niya.

"Yes," sabay-sabay at walang pagdadalawang-isip na sagot nina Keith, Jay, at Ross.

"Damn," frustrated na namang bulalas niya, napabuga ng hangin at sumandal sa sofa. Tumitig siya sa kisame. "Baka nga 'yon ang nangyari," naiusal pa niya. Ano pa ba ang puwedeng maging dahilan kung bakit siya iniwan ni Jesilyn pagkatapos na may nangyari sa kanila? She was innocent. He learned that night that it was her first time and he felt so proud and happy that she chose him to be her first. At kung siya lang ang masusunod ay sisiguruhin niya na siya rin ang magiging huli. And that he would not let anyone else have her. Pero posible bang magkaiba sila ng opinyon ng dalaga kaya iniwan siya nito?

Tila may asidong humagod sa kanyang sikmura sa isiping iyon.

"Now, that's interesting," sabi ni Keith na isinara ang laptop at ibinigay na ang buong atensiyon kay Ryan. Nagsipag-upo rin sina Ross at Jay at pumuwesto na tila ba handang makinig.

Napangiwi si Ryan at nag-iwas ng tingin. "Ayokong pag-usapan."

"Come on, Ryan. Talk. Magkakilala na tayo high school pa lang at hindi pa kita nakitang ganyan kahit kailan. It's refreshing," udyok ni Jay.

"At baka matulungan ka pa namin. Dumaan na kami ni Jay sa ganyan," nakangiting udyok din ni Ross.

"Oo nga. Magsalita ka na habang may oras pa tayo. Kailangan nating dumalo sa opening ng art exhibit ni Draco mamayang gabi. Iyon ang charity event ng Bachelor's Pad residents sa buwang ito, remember?" sabi naman ni Keith.

Bukod sa art exhibit, sa gabing iyon ay magkakaroon din ng charity auction ng mga gawa ng pinsan ni Ryan. Ang mapagbebentahan ay deretsong mapupunta sa mga street children ayon na rin sa kagustuhan ni Draco.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now