Part 17

25.2K 631 8
                                    

ALAM ni Ryan na hindi maganda ang naging pag-uusap ni Jesilyn at ng pinsan nitong si Kenneth kanina sa telepono. Subalit nang makita niya ang eskpresyon sa mukha ng dalaga—ang pilit na ngiti sa mga labi at ang halos desperadang kislap sa mga mata—ay pinili niyang huwag nang magtanong.

Napasulyap siya kay Jesilyn. Magkatabi silang nakaupo sa buhanginan ng Siloso Beach sa Sentosa Island, sa bahaging malayo sa karamihan at sa mga kainan at medyo malapit na sa mabatong parte. Doon sila nagdesisyong tumambay pagkatapos nilang mag-ikot sa Universal Studios at S.E.A Aquarium. Iyon ang puwestong pinili ng dalaga. Bahagya lamang nilang naririnig mula roon ang masiglang tugtog at ingay ng mga turista.

Papalubog na ang araw at sa halip na maglunoy sa dagat na inakala ni Ryan ay gagawin ni Jesilyn, naging abala ang dalaga sa pagsusulat sa notebook na palagi nitong dala. Alam niya, isinusulat ni Jesilyn ang nangyari kahapon at ngayon. Kaya hinayaan lamang niya ang dalaga. Tutal ay hindi naman siya naiinip na pagmasdan lamang ito.

Nang tila matapos sa pagsusulat ay isinara ni Jesilyn ang notebook at napatingin sa kanya.

Agad siyang ngumiti. "I'm really curious about that notebook."

Ngumisi ang dalaga at itinago iyon sa bag. "Hindi mo puwedeng basahin."

Napailing siya subalit nakangiti naman. "Fine. Hindi ko babasahin maliban na lang kung ikaw mismo ang magsabi sa akin na basahin ko."

Tumango si Jesilyn at matamis na ngumiti. "Kung ipapabasa ko man kahit kanino ang mga isinulat ko, ikaw ang una sa listahan ko."

Gumanti ng ngiti si Ryan at magaan ang pakiramdam na tumingin sa karagatan na unti-unti nang nababalutan ng dilim dahil lumubog na ang araw. He realized that lazing off at the beach was not that bad. Para sa isang tulad niya na mula nang maging teenager ay wala nang inatupag kundi ang magtrabaho at magsikap at nang itatag ang publishing company ay halos hindi nagbabakasyon, isang himala na wala siyang nararamdamang pagkainip nang mga sandaling iyon. At sigurado siya na si Jesilyn ang dahilan.

"So, ang gusto mo lang talaga ay tumambay sa beach kaya tayo nagpunta rito?" tanong ni Ryan at muling tumingin sa dalaga.

Ngumisi ito at kumislap ang kapilyahan sa mga mata. "Siyempre hindi lang iyon ang dahilan."

Umangat ang mga kilay niya at may kumislot na antisipasyon sa kanyang dibdib. "At ano ang dahilan?"

Ngumisi ang dalaga at tumayo na. "I want to do something extreme."

Ah. Natatandaan nga niya na may ganoong isinulat si Jesilyn sa listahan nito. Tumayo na rin tuloy siya at napangiti. Napagtanto niya na pinananabikan niya ang mga kalokohang naiisip ng dalaga. Hindi kasi niya maiwasang maaliw at sumakay sa mga ginagawa nito. At dahil palagi siyang kasama ni Jesilyn, maging siya ay nakakaramdam ng excitement at thrill kapag may ginagawa sila na mula sa listahan nito. It sent his adrenaline pumping. It made him feel alive. Kaiba iyon sa thrill na nararamdaman niya kapag may kinalaman sa kanyang negosyo. The thrill he felt when he was with Jesilyn was deeper, so much sweeter. Masarap sa pakiramdam ang ganoong klase ng exhilaration.

"Okay. Ano namang extreme ang puwede mong gawin dito?" tanong niya.

Iginala ni Jesilyn ang tingin sa paligid. Ganoon din tuloy ang ginawa ni Ryan. Noon lang niya napansin na halos wala nang tao sa bahaging iyon ng beach. May mga tao pa rin sa kahabaan ng dalampasigan subalit masyadong malayo ang mga iyon. From a distance, he could hear the voice of an emcee. Mukhang may kung anong palabas ang magsisimula na at marahil ay nandoon na ang karamihan ng mga turistang pakalat-kalat sa dalampasigan kanina para manood.

"Magbantay ka lang diyan, ha?" sabi ni Jesilyn dahilan kaya bumalik ang tingin ni Ryan sa dalaga.

Natigilan siya at napamaang nang makitang nagtanggal ng sneakers ang dalaga, nakayapak na lumusong sa tubig, at naglakad patungo sa likod ng mataas na batuhan. "What are you doing?" naalarmang tanong niya at humakbang pasunod kay Jesilyn nang mawala na ito sa kanyang paningin dahil natakpan na ng batuhan.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now