Part 19

24.8K 608 22
                                    


HINDI naisip ni Jesilyn noon na marami pala siyang naitatagong lakas ng loob sa katawan. Until that moment. Hindi niya alam kung paano niya nagawa pero namalayan na lamang niyang nakalapat na ang kanyang mga labi sa mga labi ni Ryan. Marahil dahil matindi pa ang adrenaline na nararamdaman niya dahil sa argumento nila, o nakaramdam siya ng pagrerebelde nang makita ang ngiti ng binata na para bang sinasabing hindi niya ito kayang halikan.

O kung magiging tapat si Jesilyn sa kanyang sarili, ang tanging rason na naisip niya ay talagang gusto lang niya na halikan si Ryan. Noon pa mang unang gabi na naghiwalay sila para pumasok sa kani-kanilang hotel room, noong nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya na kailangan nilang maghiwalay pansamantala, noon pa man ay iyon na ang gustong gawin ng kanyang puso. Pilit lamang niya iyong pinalis sa kanyang sistema at nagkunwaring hindi nararamdaman. Dahil kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng udyok na humalik ng isang lalaki bago niya nakilala si Ryan. Subalit ngayon, tuwing magkasama sila at kahit nga maisip lamang ang binata ay iyon kaagad ang gusto niyang gawin.

Sandali lamang ang naging paglalapat ng kanilang mga labi. Wala pang limang segundo ay inilayo na rin ni Jesilyn ang mukha kay Ryan at nag-iinit ang mukhang bumitaw mula sa mga balikat ng binata.

"See? Kaya ko," sabi niya habang nakatitig sa dibdib nito. Hindi pa kasi niya matingnan ang mukha nito dahil sa totoo lang, nabibingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Subalit ngayon ay alam niyang ang nararamdaman niya ay hindi katulad ng abnormal na tibok ng kanyang puso kapag sinusumpong siya ng sakit. Ibang-iba. What she was feeling at that moment was a bittersweet and pleasant feeling of her heart beating for someone she... loved.

Love. I love Ryan. Namilog ang mga mata ni Jesilyn sa realisasyon. Iyon ang sagot sa isa sa mga tanong na nais niyang hanapan ng kasagutan kaya isinulat ang kiss a stranger sa kanyang listahan.

Nag-init ang pakiramdam ni Jesilyn, mula sa anit hanggang sa mga talampakan. Kaya alam niyang mapula ang kanyang mukha nang mga sandaling iyon.

"You call that a kiss?" biglang tanong ni Ryan sa mababang tinig na nagpatayo sa mga balahibo niya sa batok.

Nahigit niya ang hininga nang lumapat sa kanyang baba ang isang kamay ng binata at iangat ang kanyang mukha hanggang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok siya sa mainit na titig ni Ryan. Wala na rin ang mapanghamong ngiti sa mga labi nito.

Huminga siya nang malalim. "Oo," usal niya. Nagliparan ang mga paruparo sa kanyang sikmura nang magsimulang humaplos sa kanyang ibabang labi ang hinlalaki ni Ryan.

"Hindi ganoong halik ang hinihintay kong ibigay mo sa akin."

"I-iyon lang ang halik na alam kong ibigay," paos na sagot ni Jesilyn dahil parang ayaw lumabas ng mga salita mula sa kanyang lalamunan.

A sexy smile formed on his lips that took her breath away. Pagkatapos ay yumuko si Ryan hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa.

"Then let me show you another kind of kissing."

Tumama ang mainit at mabangong hininga ng binata sa kanyang mukha.

Tila sasabog ang dibdib ni Jesilyn sa matinding emosyon. Her skin suddenly felt too sensitive. At nang ilapit pa ni Ryan ang mukha nito ay napapikit siya. Hinintay niyang lumapat ang mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Subalit sa noo niya dumampi ang halik nito, pagkatapos ay sa sentido, pababa sa tungki ng kanyang ilong, at sa magkabilang pisngi. Bawat dampi ng mga labi ni Ryan ay tila may hatid na munting boltahe ng kuryente sa kanyang mga ugat. And everytime he kissed a part of her face, she could feel him inhaling deeply as if...

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin