Part 27

23K 609 24
                                    

HINDI nakaligtas sa pansin ni Ryan ang pamumutla ni Jesilyn at ang pag-iwas ng tingin na parang takot na takot. Tumiim ang kanyang mga bagang at mariing ikinuyom ang mga kamay dahil sa magkakahalong emosyon sa kanyang dibdib habang nakatitig sa dalaga.

Isang linggo siyang hindi mapakali at hindi makapag-concentrate sa kahit anong bagay sa kaiisip kung paano sila magkikita ni Jesilyn pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na sa art exhibit ni Draco muling magtatagpo ang kanilang mga landas.

Subalit mas matindi ang naging epekto kay Ryan nang malaman ang tunay na pagkatao ni Jesilyn. She was his friend's girlfriend, for God's sake! Si Jesilyn ang babaeng nabanggit na sa kanya ni Apolinario noong kasal ni Rob. Ang babaeng gusto nitong pakasalan. She was already committed to someone and she did not even bother to tell him while they were together. They even made love! Kahit kailan ay hindi tumalo si Ryan ng isang babae na pag-aari na ng iba. Pero iyon ang nagawa niya nang wala siyang kamalay-malay.

Sa isiping iyon ay muntik nang umalpas ang frustration at pagrerebelde na nararamdaman niya. "Bakit hindi mo ako matingnan? The Jesilyn I know is not a coward. But then, ikaw nga ba ang Jesilyn na kilala ko o hindi?" gigil na sabi niya.

Noon tumingin sa kanya ang dalaga. Namamasa ang mga mata nito at bakas ang guilt sa mukha. "I'm sorry," garalgal at mahinang bulalas nito, sinalubong ang kanyang tingin at nakita niya ang kislap ng pangungulila at mas malalim na emosyong nagpasikip sa kanyang dibdib. "Patawad kung nagustuhan kita kahit na alam kong hindi puwede."

Parang sinipa sa sikmura si Ryan dahil nabigla siya sa sinabi ni Jesilyn. He was torn between yelling at her and pulling her close to kiss her senseless. Sa huli, ang nagawa lamang niya ay marahas na bumuga ng hangin at frustrated na ginulo ang buhok. Iniiwas niya ang tingin sa dalaga dahil hindi siya makapag-isip nang maayos kapag nakikita niya ang mukha nito. "Don't cry," gigil na bulalas niya.

"Hindi ako umiiyak," may bahid ng indignasyon na sagot ni Jesilyn.

"But you're about to."

"That's because I suddenly saw you and I felt... overwhelmed," bulong ng dalaga na tila mas sarili ang kausap.

Iyon din ang nararamdaman ni Ryan. He felt overwhelmed. Kanina lamang ay nag-uusap sila nina Jay tungkol kay Jesilyn at bigla ay nagkita sila. Pero hindi ganoong klase ng reunion ang na-imagine niya. Not this heart-wrenching.

"Ryan," tawag ni Jesilyn.

Marahas na bumaling siya sa dalaga. "Why didn't you tell me that you are already in a relationship? Bakit hinayaan mong magustuhan kita? We even had sex, for God's sake!" singhal niya, humakbang palapit kay Jesilyn at hindi nakatiis na hinawakan ito sa magkabilang balikat. Inilapit niya ang mukha rito. "Or was that part of your courageous things list? Did you intend to sleep with someone, too? Ano ba talaga ang motibo mo, ha?" mapait na bulalas niya.

Namutla si Jesilyn at bumakas ang sakit sa mga mata. "Iyan ba talaga ang iniisip mo tungkol sa akin?" puno ng hinanakit na tanong nito.

Humigpit ang hawak ni Ryan sa mga balikat ng dalaga at umalpas ang galit. "I don't know what to think anymore! Para akong mababaliw nang bigla kang mawala sa Singapore pagkatapos ng gabing akala ko ay may mas malalim na namamagitan sa ating dalawa. Pagkatapos, bigla kitang makikita at malalaman ko na girlfriend ka ng kaibigan ko. Tell me, ano sa tingin mo ang dapat kong isipin? Ano ang dapat kong maramdaman na ang unang babaeng gusto kong maging seryosong karelasyon ay pag-aari na pala ng iba?"

Umawang ang mga labi ni Jesilyn at nanlaki ang mga mata. Huli na nang mapagtanto ni Ryan na naibulalas niya ang tunay na nararamdaman. At nang makita niyang lumambot ang ekspresyon sa mga mata ng dalaga na may bahid ng pag-asa ay nasiguro niyang mali na sinabi niya iyon. "Ryan... I—"

Tila napasong binitawan kaagad niya si Jesilyn. "No. Don't say it," mariing pigil niya sa sasabihin nito. Natigilan ang dalaga at sinamantala niya iyon upang humakbang paatras at magkaroon ng distansiya sa pagitan nila. His chest felt like it was burning as he stared at her face. "Kahit kailan ay wala akong balak manira ng relasyon ng iba, lalo na kung relasyon ng isang kakilala. So..." Sa pagkakataong iyon ay parang may malaking bikig sa kanyang lalamunan at humapdi ang kanyang mga mata. Ikinuyom niya ang mga kamay upang kontrolin ang emosyon subalit hindi siya nagtagumpay. "So... forget about what happened between us in Singapore. Forget that we know each other. Forget about me. Ganoon din ang gagawin ko. Kalilimutan ko ang lahat ng nangyari noong nasa Singapore ako. K-kalilimutan kita..."

Namura ni Ryan ang sarili nang gumaralgal ang tinig niya. Damn, bakit napakahirap para sa kanya ang sabihin ang mga iyon? Ginagawa lang niya kung ano ang tama. Hindi lang para sa kanya kundi para kay Jesilyn. Dahil kahit na galit siya sa dalaga, kahit pakiramdam niya ay niloko at pinaglaruan siya nito, ayaw niyang madumihan ang pangalan nito kapag may nakaalam sa naging ugnayan nila kahit na may karelasyon itong iba.

Nanginig ang mga labi ni Jesilyn. "P-pero..."

Sandaling tumiim ang mga labi ni Ryan at nag-iwas ng tingin. Hindi na niya kaya pang tingnan ang mukha ng dalaga dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at kalimutan ang lahat ng paninindigan niya sa buhay, yakapin at halikan ito. To hell with friendship, to hell with moral values, to hell with the consequences. Subalit alam niya na walang mabuting maidudulot ang ganoong recklessness. Kaya pinili niyang mag-iwas ng tingin bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sa oras na lumabas tayo ng hardin na ito, hindi na tayo magkakilala maliban sa kaibigan ako ng boyfriend mo at girlfriend ka ng kaibigan ko." Iyon lang at tumalikod na siya at muling binuksan ang sliding door.

"Ryan," garalgal na tawag ni Jesilyn.

Hindi siya lumingon at tuluyang umalis ng hardin. Pero hindi siya bumalik sa venue ng art exhibit at nagdesisyong umalis na lamang sa lugar na iyon. Kailangan niyang makalayo kay Jesilyn. Dahil hindi niya mapapanindigan ang sinabing kalilimutan na ang dalaga kung hindi niya iyon gagawin. Alam niya na higit pa sa pagtatayo ng isang publishing company mula sa isang simpleng printing company at higit pa sa pagpapalago ng isang negosyo at pagpapayaman, ang kalimutan si Jesilyn ang pinakamahirap na bagay na tatangkain niyang gawin.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now