Part 47

27.2K 657 16
                                    

TILA sinuntok ang ekspresyon sa mukha ni Ryan at namutla. Hindi nakahuma ang binata.

Huminga nang malalim si Jesilyn at kahit umiiyak ay sinalubong ang tingin ng binata. "Buntis ako at gusto kong iluwal ang anak natin kaya ayokong magpaopera. Manganganib ang buhay ng baby. Ang sabi ng cardiologist ko, buhay ko raw ang nakasalalay kung itutuloy ko ang pagbubuntis ko. Na puwedeng idaan sa safe medications at regular coordination niya at ng OB-GYN, pero hindi rin daw namin alam kung ano ang puwedeng mangyari. But I want to keep this baby, Ryan. Kahit buhay ko pa ang nakasalalay.

"See, kung hindi mo kakayaning mabuhay na wala ako, kung hindi mo kakayanin kung sakaling may mangyari sa akin, bibigyan na kita ng chance na iwan ako ngayon. Kahit na mahal na mahal kita. Because all I want is for you to be happy, Ryan. I don't want to be the cause of your pain. I love you so much," umiiyak na litanya niya.

Namasa ang mga mata ni Ryan. Parang may kumurot sa puso ni Jesilyn dahil doon. Niyakap siya nang mahigpit ng binata at naramdaman niya ang paulit-ulit na paghalik nito sa kanyang ulo, sa sentido, sa tainga, at sa pisngi.

"I love you, too. And of course I want to keep our baby, too. But I will keep you, too. Magiging okay ka," usal ni Ryan sa pagitan ng paghalik sa kanya.

Unti-unti siyang nakalma sa yakap at halik ni Ryan. Pero nang maramdaman niya ang mainit na luha na nanggaling sa binata ay umangat ang kanyang mga braso at mahigpit din itong niyakap.

"I'm sorry for making you feel this way," bulong niya sa dibdib nito.

Bahagyang kumalas ang binata sa pagkakayakap nila at ikinulong sa mga kamay ang kanyang mukha. Noon niya nakita ang ekspresyon nito—namumula ang mga mata pero may kislap din ng determinasyon sa mga iyon.

"From now on, I want to take the responsibility and pleasure of taking care of you. Kahit ano pang pagdadaanan natin sa mga darating na buwan at taon ng buhay natin, gusto kong magkasama tayo. So, Jesi, marry me."

Nanginig ang kanyang mga labi. "I decided I would never marry anyone. Dahil kapag may nangyari—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil siniil siya ni Ryan ng halik. Nang muling maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho silang hinihingal.

"Tigilan mo na ang pagsasabi ng ganyan. Huwag mong ibase ang mga desisyon mo sa hindi naman mangyayari. Huwag kang magpadala sa takot. Huwag mong hayaang pigilan ng takot mong 'yan na maging masaya ka. Na maging masaya tayo. Marry me, Jesilyn. Write that down on your courageous things to-do list kung nagdadalawang-isip ka pa rin," usal ng binata sa mas masuyo nang tinig.

Tumama sa puso ni Jesilyn ang mga salita ni Ryan. Lalo na nang may maalala siya sa pagbanggit nito sa listahan niya. May init na humaplos sa kanyang dibdib. "May isa pa akong isinulat doon na hindi mo pa alam. Natatandaan mo?" bulong niya.

Marahang tumango ang binata. "Sasabihin mo na ba sa akin kung ano ang isinulat mo?"

Tumango siya. "Matagal ko na 'yong namarkahan kasi natupad na iyon bago pa man ako umalis ng Singapore. Fall passionately in love. Iyon ang isinulat ko."

Buong pagmamahal na ngumiti si Ryan at hinaplos ang kanyang pisngi. "See? You had the courage to fall passionately in love. Have the courage to marry me, too, Jesi. Makakaya natin ang lahat basta magkasama tayo. I promise you I will make you happy. That you will make me happy. Kaya huwag mong isipin na magiging miserable ako kapag nanatili ako sa tabi mo. Hindi 'yon mangyayari. I love you and you love me. Isn't that enough reason for me to stay?"

Nawala ang alinlangan ni Jesilyn dahil sa mga sinabi ng binata. Tama naman ito. Hinahayaan niyang diktahan ang kanyang buhay ng bagay na hindi pa naman nangyayari. Pinipigilan siyang maging tunay na masaya. Oo, nakakatakot ang puwedeng mangyari sa mga darating na buwan pero mas kakayanin niya kung nasa tabi niya ang binata. Mahal na mahal niya ito.

Noon may nabuong desisyon sa isip ni Jesilyn. Ikinulong din niya sa mga kamay ang mukha ni Ryan at kusa itong hinalikan sa mga labi. "Okay, I will marry you," bulong niya sa mga labi nito.

Lumiwanag ang mukha ng binata sa tuwa at relief. Nakaguhit na ang ngiti sa mga labi nito nang magpatuloy siya sa pagsasalita.

"Pagkatapos kong manganak at masiguro ko na pareho kaming okay ng anak natin."

Nawala ang ngiti ni Ryan at napaungol. "Jesi..."

"Please? Puwede naman tayong maging engaged hanggang dumating ang araw na iyon, hindi ba?" masuyong pigil niya sa akmang pagrereklamo nito.

Nalukot ang mukha ng binata pero humigpit naman ang yakap sa kanya. "Paano ko haharapin ang mga magulang mo kung hindi tayo magpapakasal agad? Ang dami ko na ngang atraso sa kanila."

"Sino naman ang maysabi sa iyo na papayag kaming magpakasal kayo?"

Sabay na napatingala sina Jesilyn at Ryan sa itaas ng hagdan. Namilog ang mga mata ni Jesilyn dahil noon lang niya napansin na naroon pala ang kanyang mga magulang at mukhang kanina pa nakamasid sa kanila ng binata. Mukhang nagkunwari lamang ang dalawa na pumasok sa silid at muling lumabas nang hindi nila namamalayan. Kay Ryan nakatingin ang mama at papa niya.

"Kailangan mo munang patunayan ang sarili mo sa amin sa darating na mga buwan bago namin ipagkatiwala ang anak namin sa iyo," dagdag ng ama ni Jesilyn sa unang sinabi ng kanyang ina.

Sasawayin sana niya ang mga magulang pero natigilan siya nang may mapagtanto. Sinusuportahan ng mga ito ang kagustuhan niya na pagkatapos na lamang niyang manganak sila magpapakasal ni Ryan.

Mukhang napansin din iyon ni Ryan dahil tila sumusukong huminga nang malalim ang binata at seryosong tiningnan ang mga magulang ni Jesilyn.

"Very well. Patutunayan ko na walang ibang karapat-dapat na makasama si Jesilyn habambuhay kundi ako lang. Na puwede n'yo siyang ipagkatiwala sa akin." May sumilay na masuyong ngiti sa mga labi nito. "I know how much she means to you. I feel the same way, too."

Nag-init ang mga mata ni Jesilyn nang makitang kapwa lumambot ang ekspresyon sa mukha ng kanyang mga magulang.

"Good. Let's have a chat sometime soon, young man. We need to get to know each other well kung gusto mong pakasalan ang anak namin. But for now, iiwan na talaga namin kayong dalawa," sabi ng ama ni Jesilyn.

Bumalik uli sa silid ang kanyang mga magulang.

Bumaling si Ryan sa kanya at nakangiting bumuntong-hininga. "You win. Saka na tayo magpapakasal. Pero hindi mo puwedeng bawiin ang pagpayag mo kahit ano'ng mangyari."

Matamis na ngumiti si Jesilyn at hinalikan ang binata sa mga labi. "Hindi ko babawiin. Pangako."

Gumanti ito ng ngiti at niyakap siya nang mahigpit.

Pumikit siya at huminga nang malalim. Kapag talaga nasa bisig siya ni Ryan ay napapawi ang kanyang mga alalahanin. It made her believe that everything will be just fine.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon