Part 15

24.6K 598 7
                                    

Sinunod ni Jesilyn ang sinabi ni Ryan. She relaxed and just enjoyed their slow movement. In fact, she ended up enjoying the feeling of his arms around her. Masyado siyang komportable na natagpuan niya ang sariling humihilig palapit sa katawan nito at ang kanyang mga mata ay bahagyang namigat. Gusto niyang pumikit at namnamin ang init na nagmumula rito.

"You can rest your head on my chest," masuyong bulong ni Ryan na tila nabasa ang iniisip niya. Sandaling umangat ang isang kamay ng binata, lumapat sa likod ng kanyang ulo at bahagyang hinigit hanggang mapasubsob na siya sa dibdib nito.

Napapikit siya at humigpit ang pagkakakapit ng kanyang mga braso sa batok nito. "Mabuti na lang at nakilala kita. I have someone to trust," bulong niya.

Humigpit ang isang braso ni Ryan sa kanyang baywang habang ang kamay nito na nasa ulo niya ay masuyong hinaplos ang kanyang buhok. "Mabuti na lang at ako ang unang nakakilala sa iyo at hindi iba," ganting-bulong nito.

Napangiti si Jesilyn. "Kung iba ang nakilala ko at kinaibigan ko sa bansang ito, sigurado akong hindi ako magiging ganito kalapit sa kanya," sagot niya sa langong tinig.

Naramdaman niya ang paghugot ng malalim na hininga ng binata. "Good."

Pagkatapos ay tahimik na silang pareho. Naririnig ni Jesilyn ang mabilis na tibok ng puso ni Ryan. It gave her comfort. Dahil ngayon ay alam niyang hindi lang pala siya ang mabilis ang tibok ng puso. Ang tila kuryenteng dumadaloy sa mga himaymay ng katawan niya, nararamdaman din kaya iyon ni Ryan?

Natapos ang tugtog at napalitan iyon ng isa na namang mabagal na awitin kaya nanatili sila sa dance floor. Hindi alam ni Jesilyn kung kailan at paano nangyari subalit sandali pa ay magkalapat na ang kanilang mga katawan at tila magkayakap na sila. Instead of dancing, they ended up just swaying their bodies to the music.

"Ryan," mayamaya ay bulong niya na nakapikit pa rin. Sa totoo lang ay hindi na niya maimulat ang mga mata.

"Hmm?" usal ng binata.

"I think I'm wasted."

Naramdaman kaysa nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Ryan. Pagkatapos ay hindi niya alam kung imahinasyon lang pero pakiramdam niya ay hinalikan nito ang tuktok ng kanyang ulo.

"Yeah. Babalik na tayo sa hotel pagkatapos ng kanta. Let's stay like this for a while longer," masuyong sabi ng binata.

Tumango siya. And if only we can stay like this forever.

MARAHAS na napahinga nang malalim si Ryan at sandaling pumikit nang mariin. Ah, this is torture, frustrated na naisip niya. Pagkatapos ay muli siyang dumilat at napatingin sa natutulog nang si Jesilyn. Nasa loob na sila ng hotel room ng dalaga nang ihatid ito roon. Patagilid itong nakahiga sa kama. Mabuti na lamang ay nakita niya agad ang keycard sa bag nito.

Pagkarating na pagkarating kasi nila sa floor na kinaroroonan ng kanilang mga kuwarto ay nawalan na ng malay si Jesilyn. Kinailangan pa niyang buhatin ang dalaga habang hinahanap ang keycard sa bag nito. At ngayon ay payapa na ang tulog nito.

Umungol si Jesilyn at gumalaw patihaya sa kama. Dahil doon ay umangat ang blouse na suot nito at lumitaw ang tiyan. Natigilan si Ryan at napatitig doon. Marahas niyang namura ang sarili at nag-iwas ng tingin nang mag-react ang katawan niya.

God, he just saw a tiny bit of her skin underneath her clothes and he was already getting like this. Well, ang totoo ay hindi lang naman ngayon nangyayari iyon sa kanya. Kanina pa iyon, noong nasa bar pa lamang sila.

Nang gabing iyon ang unang beses na tumawa siya nang husto sa buong buhay niya. Sa unang pagkakataon din ay nagawa niyang sabihin sa isang tao ang tungkol sa kanyang kabataan. Kaunti pa lamang ang nakakaalam ng naging buhay niya noon. Pero hindi lang basta paglalahad ng nakaraan ang ginawa niya sa harap ni Jesilyn, he laid bare his weakness, too. Kay Jesilyn niya unang hinayaang ipaalam ang kanyang takot at kahinaan. Hindi lang iyon dahil sinasabi ng dalaga sa kanya ang lahat ng tungkol dito at nauudyukan siyang suklian ang tiwala nito sa kanya.

It was just that with her, he felt like he could say anything. Like he could be vulnerable and she was not going to judge her for it. Weird, dahil pakiramdam ni Ryan ay matagal na silang magkakilala ni Jesilyn. Hindi siya ang tipong basta hinahayaan ang sariling mapalapit agad sa isang taong bago pa lamang niya kakilala. Subalit iba ang nangyari nang makilala niya ang dalaga.

Tonight, he felt so happy and content. Para bang may mabigat na bagay ang bigla na lamang natanggal sa kanyang mga balikat. Para bang lahat ng stress at restlessness na nararamdaman niya sa mga nakaraang linggo ay nilipad ng hangin. Lalo na nang nagsasayaw na sila ni Jesilyn. Palagi niyang pinipigilan ang sariling yakapin ito at kanina ay nagkaroon siya ng pagkakataong magawa iyon. Nagkaroon pa siya ng pagkakataong mahalikan ang tuktok ng ulo nito. And it was heaven.

Huminga nang malalim si Ryan at ipinilig ang ulo upang hamigin ang sarili. Pagkatapos ay pabuntong-hiningang kinumutan niya si Jesilyn. Muling umungol ang dalaga at ngumiti na para bang may napapanaginipan itong maganda. Natagpuan tuloy niya ang sariling napapangiti na rin.

"Adorable even in her sleep," naiusal niya.

Alam niya na dapat na siyang umalis at magtungo sa sariling silid. Subalit parang napako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan at ayaw kumilos palayo kay Jesilyn. Sa katunayan ay tila may sariling isip ang kanyang kamay na hinaplos ang buhok ng dalaga. Matagal na pinagmasdan lang niya ang mukha nito. Hindi pa nakontento, umupo pa siya sa gilid ng kama. Malakas ang pakiramdam niya na kaya niyang manatili roon magdamag, pagmasdan ang mukha ni Jesilyn, at pakinggan ang payapang paghinga nito at hindi siya maiinip.

Mayamaya ay bantulot na ring tumayo si Ryan, tinapunan ng tingin sa huling pagkakataon ang mukha ni Jesilyn at saka lumabas ng silid. Paglabas niya ay may napagtanto siya na dahilan kaya napailing siya at bahagyang natawa. Hindi na lang basta atraksiyon ang nararamdaman niya para sa dalaga. He knew he was slowly falling. And he had a strong feeling that it was going to be a very hard fall.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Место, где живут истории. Откройте их для себя