Part 23

24.3K 597 5
                                    

INIHATID si Jesilyn ng kanyang nobyo sa bahay nila. Nang salubungin siya ng kanyang mga magulang ay umatras palayo si Apolinario upang marahil ay bigyan sila ng privacy. Nang ibuka ng kanyang ama ang mga bisig ay naiiyak na lumapit siya rito.

"I'm sorry for doing something selfish," bulalas niya.

"You made us worry," sagot ng kanyang ama na humigpit ang yakap sa kanya. "But I'm glad you came back safely."

Subalit iba ang reaksiyon ng kanyang ina. Galit na hinampas siya nito sa braso. "You selfish, ungrateful girl! Papatayin mo ba ako sa tensiyon at takot?! Ano'ng sumagi sa isip mo na bigla kang umalis? Paano mo 'yon nagawa sa amin, ha?" umiiyak na sigaw nito.

Napahikbi si Jesilyn at niyakap ang ina kahit na muli nitong hinampas ang braso niya. "I'm sorry. But I had to do it, Mama. Hinid ako nagsisisi na umalis ako. Kaya huwag na po kayong magalit," umiiyak na alo niya rito.

Muli ay hinampas lamang ng ina ang kanyang braso at kumalas mula sa pagkakayakap niya. "We spoiled you so much. Kaya akala mo magagawa mo ang gusto mo nang hindi kami magagalit. Well, you are wrong. Hindi madaling mapatawad ang ginawa mo, Jesilyn. Hindi lang kami ng papa mo ang nag-alala sa 'yo, maging si Apolinario at ang ama niya. Akala nila naglayas ka dahil ayaw mong pakasalan si Apolinario," sikmat nito.

Nanlamig si Jesilyn at napaatras sa pagkabigla dahil kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan ng kanyang pag-alis ay parang punyal na tumama sa puso niya ang sinabi ng kanyang ina. Dahil iyon ang nabuo niyang desisyon habang nasa Singapore siya. Hindi niya kayang pakasalan si Apolinario. Sa katunayan ay hindi na dapat magpatuloy pa ang kanilang relasyon. Because it was not going to work anymore. It never worked out from the very beginning. Dahil alam na niya kung ano ang kulang sa relasyon nila. They did not love each other with a passion that could keep their relationship alive forever.

"Bakit natahimik ka? Iyon ba talaga ang dahilan?" nanlalaki ang mga matang tanong ng kanyang mama.

Napangiwi siya at mabilis na umiling. Noon lamang niya nakitang nagalit nang ganoon ang kanyang ina. Nang sulyapan niya ang kanyang papa ay seryoso ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Kahit hindi ito galit katulad ng kanyang ina ay alam niyang hindi rin nito magugustuhan kapag nalamang makikipaghiwalay siya sa kanyang kasintahan. After all, magkaibigan ito at ang ama ni Apolinario.

Sunod na sinulyapan ni Jesilyn ang kasintahan na nakatayo sa di-kalayuan. Natigilan siya nang magtama ang kanilang mga mata. Parang may lumamutak sa puso niya nang makita ang nakakaintinding kislap sa mga mata ni Apolinario. Na para bang alam nito na naiisip niyang makipaghiwalay rito. Subalit hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit sumikip ang dibdib niya. Nakikita rin niya ang kislap ng determinasyon sa mga mata ni Apolinario. Determinado itong pigilan ang kung ano mang napagdesisyunan niyang gawin. Nang mga sandaling iyon ay nasiguro niya na hindi basta-basta makikipaghiwalay sa kanya ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit dahil sigurado naman siyang hindi siya nito mahal. At least, hindi katulad ng pagmamahal na nadiskubre niya nang magtungo siya sa Singapore at makilala si Ryan.

Binawi ni Jesilyn ang tingin nang maalala si Ryan. Ano kaya ang naging reaksiyon ng binata nang magising ito at malamang wala na siya? Nakagat niya ang ibabang labi at nag-init ang kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim. "Papa, Mama, puwede bang magpahinga na muna ako? I'm tired," usal niya.

Tila may gusto pang sabihin ang kanyang ina pero inakbayan ito ng papa niya. "Go on, hija. Magpahinga ka na muna," sabi ng kanyang ama.

Muli niyang sinulyapan si Apolinario at pilit na ngumiti. "Let's talk tomorrow, Pol. Okay?" matamlay na sabi niya.

Pinakatitigan siya ng kasintahan. "May feeding program sa Mindanao ang ospital namin mula bukas. Kasama ako sa mga volunteer. Isang linggo iyon. Pagbalik ko naman ay may art exhibit ang isa kong kakilala at plano kong isama ka roon. Sasabihin ko sana sa iyo nang araw na umalis ka."

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Kde žijí příběhy. Začni objevovat