Part 20

26K 691 24
                                    

ALAS-ONSE na ng gabi nang makarating sina Jesilyn at Ryan sa hotel na tinutuluyan nila. Mula pa kanina habang nasa train ay walang nagsasalita sino man sa kanila.

Subalit ramdam ni Jesilyn ang mainit at nakakakuryenteng tensiyon sa pagitan nila ni Ryan. At kapag napapatingin siya sa binata at nagtatama ang kanilang mga mata ay nakikita niya ang mainit na emosyon sa mga mata nito na nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Lalo na at naaalala niya ang halik na pinagsaluhan nila sa dalampasigan kanina.

Alam niya na may nag-iba sa relasyon nila. Hindi na lamang sila magkaibigan ngayon. Hindi na lamang simpleng pagkaaliw at pagkagusto ang nararamdaman niya para kay Ryan at alam niyang ganoon din ito.

At ngayong nasa tapat na sila ng silid ng bawat isa, hindi alam ni Jesilyn kung paano niya makakayang matulog sa gabing iyon. Worst of all, ni hindi niya magawang buksan ang pinto ng kanyang silid dahil matindi ang pagtanggi ng puso niya na mawalay kay Ryan kahit isang gabi lang. Bahagyang nag-init ang kanyang mga mata dahil nao-overwhelm siya ng mga emosyong nadarama.

"Jesilyn?" untag ni Ryan.

Napakurap siya at napalingon sa direksiyon ng hotel room ng binata. Nasa seradura ng nakabukas nang pinto ang kamay nito subalit nakatayo pa rin sa labas at nakatingin sa kanya. Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Ryan at matiim ang titig sa kanyang mukha.

"Goodnight. Get inside your room now," sabi pa nito na hinuli ang kanyang tingin.

Napalunok si Jesilyn dahil pakiramdam niya ay masyadong sensitibo ang kanyang buong katawan. Kahit sinabi ni Ryan na pumasok na siya sa loob ng kanyang silid ay kabaligtaran iyon ng nakikita niya sa titig nito. Sa katunayan ay masyadong mainit at puno ng emosyon ang mga mata ng binata na para bang gusto siyang hatakin palapit.

"Ryan," paos na sambit niya.

Tumiim ang mga bagang ng binata. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang paghigpit ng hawak nito sa seradura ng pinto.

"Jesi... I don't want to take advantage of you. This electricity and tension between us, let's just sleep it off, okay?"

Napahugot siya ng malalim na hininga. "Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo?" mahinang tanong niya.

Mariing pumikit si Ryan na para bang iyon ang paraan nito upang kontrolin ang sarili. "Jesi, let's sleep," usal ng binata sa hirap na hirap na tinig.

Nakagat ni Jesilyn ang ibabang labi at may bumikig sa kanyang lalamunan. Iyon din ang sinasabi niya sa sarili; ang gusto niyang gawin dahil iyon ang tama. Gusto niyang buksan ang pinto ng hotel room niya at tumakbo papasok doon. Pero ayaw kumilos ng kanyang mga paa. Ang mga mata niya ay ayaw lubayan ng tingin ang mukha ni Ryan.

At nang maisip na iyon ang huling gabi na makikita niya ang binata, na matititigan ito nang ganoon at makakasama ay namasa ang kanyang mga mata.

"But this is the last night that we can be together," garalgal na usal ni Jesilyn. Babalik na ako sa realidad bukas ng gabi. I don't know if I will ever see you again. Tila nadudurog ang puso niya sa isiping iyon.

Sasabihin pa lamang sana niya na kung puwede ay manatili muna silang magkasama at magkuwentuhan nang biglang dumilat si Ryan. Pagkatapos, sa ilang hakbang ay nasa harap na niya ang binata. Ang isang braso nito ay pumaikot sa kanyang baywang habang ang isa pang kamay ay lumapat sa kanyang batok.

Napasinghap si Jesilyn nang walang babalang halikan siya ng binata nang mariin sa mga labi. Subalit sandali lamang siyang nagulat at sa halip na lumayo ay ipinaikot pa niya ang mga braso sa leeg nito at alanganing gumanti ng halik. Napaungol si Ryan at pinakawalan ang kanyang mga labi. Pagkatapos ay pinaglapat nito ang kanilang mga noo at pinakatitigan siya sa mga mata.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon