Part 14

26K 612 6
                                    

MAGANDA ang ambiance ng bar na napuntahan nila. Hindi iyon kasing-ingay at kasinggulo tulad ng inakala ni Jesilyn. Blue and white ang disenyo at maganda ang beat ng mga awiting pumapailanlang kahit pa ang iba roon ay sa lengguwaheng hindi niya naiintindihan. May strobe lights pero hindi masakit sa mata at nagkakakitaan pa naman ang mga tao sa loob.

Pumuwesto sila sa dulong bahagi ng mahabang counter.

"Bago ang lahat, gusto ko munang malaman kung anong alcoholic beverages ang nainom mo na," sabi ni Ryan.

"Ang totoo, ilang beses pa lang akong nakainom ng alcohol sa buong buhay ko. Madalas ay cocktail, wine, at minsan ay nakatikim ako ng flavored lambanog dahil sa kaibigan kong si Sheila pero dalawang baso lang yata iyon," nakangiting sagot ni Jesilyn.

Bahagyang tumango ang binata at kinuha ang atensiyon ng bartender. "Then let's just have beer tonight."

Sandali pa ay may isang bucket na ng beer sa harapan nila. Ipinagbukas siya ni Ryan ng isang bote at iniabot iyon sa kanya.

"Sigurado ka talaga na gusto mo 'tong gawin? Won't this affect your health?" paniniyak pa ng binata.

Sa totoo lang ay hindi niya alam pero hindi niya ipinaalam kay Ryan. Sa halip ay ngumiti siya at bahagyang itinaas ang bote. "I'm going to be fine. Cheers?" Isinenyas niya na itaas din nito ang bote sa harap nito.

Ilang sandaling pinakatitigan muna siya ng binata bago ito huminga nang malalim. May munting ngiti sa mga labi na pinagpingki nito ang kanilang mga bote. "Cheers."

Huminga nang malalim si Jesilyn at uminom sa bote. Humagod sa kanyang lalamunan hanggang sa sikmura ang beer at kinailangan niyang pigilang mapangiwi.

"Sigurado ka ba talagang iinom ka niyan hanggang sa hindi mo na kaya?" tanong ni Ryan na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya kahit na umiinom ito sa bote na para bang tubig lamang iyon.

Itinaas niya ang noo. "Kaya ko," sagot niya at muling uminom. Humagod pa rin iyon sa kanyang lalamunan pero hindi na kasinsama ang lasa kaysa noong una. Madali na sa kanya ang mga sumunod na lagok at pakiramdam niya ay umiikot sa kanyang buong katawan ang init na hatid ng alcohol.

"So, ano naman ang purpose ng kagustuhan mong malasing?" mayamaya ay curious na tanong ni Ryan.

Napatingin tuloy si Jesilyn sa binata. Nakapihit na ito paharap sa kanya at nakatukod ang isang siko sa counter habang ang buong atensiyon ay nasa kanyang mukha.

"You traveled alone because you wanted to get out of your comfort zone habang ang mga nagawa mo na sa listahan mo ay para harapin ang takot mo sa mga estranghero at sa tingin na ipinupukol sa iyo ng mga tao. At ngayon, ano naman ang dahilan ng ginagawa natin?"

Ilang sandaling kinolekta muna ni Jesilyn ang kanyang isipin bago sumagot. "To try losing my control. O kung mas romantic, to let my hair down," nakangiting sagot niya.

Bahagyang natawa si Ryan at kumislap ang paghanga sa mga mata. "You are really a brave girl."

Umiling siya. "Hindi ako matapang. Hindi ba sinabi ko na sa iyo na marami akong takot? Pero gusto kong harapin ang mga iyon kahit papaano."

Natigilan ang binata at bahagyang sumeryoso ang mukha. For a moment, his eyes looked distant. Na para bang sandaling may naisip na walang kinalaman sa kanya.

"Ryan?" untag niya.

Tila naman bumalik ang binata sa kasalukuyan. Inalis nito ang tingin sa kanya at muling uminom sa bote. "That's what I meant when I said you're a brave girl."

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now