Part 38

25.6K 654 33
                                    


"ANO BA'NG problema at kailangan kong magpunta rito? Akala ko kaya na ninyo?" tanong ni Ryan kay Maxene at sa assistant na si Kirsten nang dumating siya sa warehouse na kinaroroonan ng printing office ng RD Publishing. Doon sila nakabase dati dahil iyon ang warehouse na namana niya sa mga magulang noong makumbinsi niya ang ama na sumabak sila sa publishing.

"Boss, may isang buong page po kasi para sa travel magazine natin ang blangko. Hindi kasi pumasa sa inyo 'yong article ng contributor natin, hindi ba?" sabi ni Kirsten.

Kumunot ang noo ni Ryan. "Hindi ba sinabi ko sa iyo na gawan mo ng paraan? I am putting you in charge of that magazine dahil ang sabi mo sa akin ay kaya mo."

"Relax ka lang, Ryan. May naisip namang solusyon si Kirsten. Huwag mainit ang ulo mo dahil lang bigla ka naming pinapunta rito at naputol ang moment mo with your special someone," singit ni Maxene sa magaan na tinig.

Alam niya na kinakalma lamang siya ng babae. Huminga siya nang malalim at namaywang na muling tumingin sa kanyang assistant. "O sige. Ano ang solusyong naisip mo? We need to start printing kung kailangan nating humabol sa publication date."

Bumakas ang excitement sa mukha ni Kirsten at may kinalkal sa mga bitbit nito. "Nagkakalkal ako sa mga artikulong dala ko para sa puwedeng ilagay sa gray area ng magazine nang may makita akong hindi ko natatandaang dala ko. Nakuha ko yata ito noong may nakabangga ako sa ground floor lobby kanina habang nagmamadali akong pumunta rito. Nasama sa mga napulot ko."

Natigilan si Ryan at napatitig sa notebook na nadukot ng kanyang assistant sa mga hawak nito. It was Jesilyn's notebook. Si Kirsten pala ang nakabangga ng dalaga kanina sa ground floor lobby.

"Binuklat ko ito para malaman kung kanino at nabasa ko ang nakasulat. Boss, it's a perfect piece for our Wanderlust magazine! Wala nga lang pangalan kaya hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang babaeng posibleng may-ari nito," sabik na bulalas ni Kirsten.

Agad na hinablot ni Ryan ang notebook. Nakaramdam siya ng pagrerebelde at frustration na hindi siya ang unang nakabasa ng nakasulat doon. Gusto niyang magalit. Pero alam din naman niya na walang kasalanan si Kirsten. Kahit sinong nakakita ng notebook na iyon ay malamang na bubuklatin para tingnan kung sino ang may-ari. It was just that, he wanted to be the first one to read it. Another sign of possessiveness that he never thought he would experience in his life.

"Alam ko kung sino ang may-ari nito," sa huli ay naiusal na lamang ni Ryan. Binuklat niya ang notebook at binasa ang unang pahina.

She felt like a bird about to get out of her cage. She was a bundle of nerves and excitement as she sat in the plane. Bustling murmurs from the people around pulled her out of her reverie. She looked up. And then she saw him, walking along the aisle, indifferent to the people around him. For a second, just before he sat, their eyes met. Little did she know at that moment, that she had finally met the man who will change her life forever; who will show her a world she'd never seen before. It was the beginning of a trip she will never forget...

Malakas na kumabog ang dibdib ni Ryan. Parang may lumamutak sa kanyang sikmura at napamaang lamang sa pahinang iyon.

Tuwing nagsusulat si Jesilyn sa notebook na iyon, ang akala niya ay simpleng notes lamang ang ginagawa ng dalaga o kaya ay journal. He never expected that she would write down her experiences from the third person point of view. Pagkatapos ay bigla siyang may naalala dahil sa kanyang nabasa. Sa eroplano na sinakyan niya patungo sa Singapore, may nasalubong siyang tingin ng isang babae bago siya umupo sa seat number na nasa boarding pass niya. Noon lamang niya binalikan sa isip ang hitsura ng babaeng iyon.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now