Part 37

24.5K 584 6
                                    

Namilog ang mga mata ni Jesilyn nang gagapin ni Ryan ang isa niyang kamay at akayin siya patungo sa elevator.

Bago siya tuluyang mahatak ay lumapit sa kanya si Maxene at nakangising bumulong.

"He never had a female visitor. Kaya nagulat ang mga empleyado niyang makitang nagtititigan kayo nang ganoon."

"Max, I heard that," saway ni Ryan sa babae.

Tumawa lamang si Maxene bago nagpaalam at naglakad na rin palayo.

Sina Jesilyn at Ryan lamang ang naging sakay ng elevator. Muli ay namayani ang katahimikan. Subalit aware na aware si Jesilyn na hindi binibitawan ng binata ang kanyang kamay kahit nang bumukas ang elevator at umibis sila sa huling palapag ng gusali.

Maganda ang interior ng buong palapag na iyon. Ang mga pader ay puno ng malalaking framed blown-up covers ng iba't ibang sikat na magazine. Patunay na ang lahat ng iyon ay nasa ilalim ng kompanya ni Ryan. Sa isang panig ay may mataas na glass cabinet kung saan nakalagay ang ilang mga plaque at tropeo, marahil ay mga napanalunang award ng mga magazine.

Alam ni Jesilyn na successful na tao si Ryan pero noon lamang niya nakita kung gaano kataas ang narating nito sa buhay. Malayo sa kuwento ng kabataan ng binata na sinabi nito sa kanya noong nasa Singapore sila. Lalo siyang humanga dahil lahat iyon ay nakamtam ni Ryan sa sariling pagsisikap.

Katulad sa lobby ay napatingin sa kanila ang mga tao sa palapag na iyon at parang namalikmatang napahinto sa mga ginagawa.

"Get back to work," muling sabi ni Ryan sa mga tao at hinatak siya patungo sa isang pinto na marahil ay ang opisina nito. Nang makapasok sila roon ay saka lamang siya hinarap ng binata. "What are you doing here?"

Noon lang naalala ni Jesilyn na hinahanap niya ang kanyang notebook. "Ahm... My notebook. Nawawala. I was planning to give it to you." Sinabi niya kung paano nawala ang notebook at kahit anong hanap niya ay hindi iyon makita. Habang nagsasalita siya ay titig na titig si Ryan sa kanyang mukha na para bang napakatagal na mula nang magkita sila.

"Bakit gusto mong ibigay sa akin? Akala ko ba, ayaw mong ipabasa iyon kahit kanino?" tanong ng binata nang matapos siyang magsalita.

Tila may nagliparang mga paruparo sa kanyang sikmura sa paraan ng pagtitig ni Ryan. Pero dahil wala naman siyang nahimigang kalamigan o indifference sa tono ng binata, bukod sa hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay, nagkaroon siya ng lakas ng loob na salubungin ang titig nito.

"Hindi ba sinabi ko dati, kung ipapabasa ko man sa iba ang nakasulat doon, sa iyo ko unang ipababasa? I want you to read it."

Akala ni Jesilyn ay itatanong pa ni Ryan kung bakit gusto niyang ipabasa rito ang kanyang notebook. Subalit nakita niya ang kislap sa mga mata ng binata na nagsasabing alam nito kung bakit kahit hindi siya magsalita. Napasinghap siya nang higitin ng binata at yakapin nang mahigpit. Nasubsob siya sa dibdib nito at napapikit nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa tuktok ng kanyang ulo. And then, just like the way he always did back in Singapore, she sensed him inhaling her scent.

"Ryan?" bulong ni Jesilyn at bahagyang tumingala upang makita ang mukha nito.

Niyuko naman siya ng binata at nakita niya ang masuyong ekspresyon sa mukha nito. "Hahanapin natin ang notebook mo. Gusto ko kasing mabasa 'yon. Because I know it contains your feelings."

May init na humaplos sa dibdib ni Jesilyn at nag-init ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. "Hindi ka na galit sa akin?"

May sumilay na ngiti sa mga labi ni Ryan. "Hindi naman ako galit sa iyo. I was just frustrated by our situation. Pero okay na ako ngayon. Everyting will be fine from now on. I will make sure of it."

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon