Part 45

25.3K 587 8
                                    

DALAWANG araw ang lumipas ay hindi pa rin nagawang sabihin ni Jesilyn kay Ryan ang kanyang kalagayan. Nagsisi tuloy siya na hindi niya nasabi noong gabing nakipagkita siya sa binata. Naglaho ang inipon niyang lakas ng loob. Idagdag pa na mukhang may naging problema sa trabaho si Ryan at ang sabi nito noong tumawag kagabi ay hindi pa nga raw ito nakakauwi para matulog nang maayos. Ayaw naman niyang isabay ang tungkol sa kanya dahil baka matuliro na ito nang husto.

Napabuntong-hininga si Jesilyn at naghanda na lamang para umuwi. Natapos na naman ang isang araw. Alam niya na hindi na puwede pang patagalin ang lahat. Kailangan niyang bumalik kay Tito Basil at sa OB-GYN sa susunod na linggo at kailangan niyang isama si Ryan. Nangako siya sa sarili na sasabihin na talaga ang totoo sa susunod nilang pagkikita.

Bubuksan pa lamang ni Jesilyn ang pinto ng kanyang opisina nang may nauna nang magbukas niyon. Nagkagulatan pa sila ng taong nagbukas ng pinto. Pero mas nagulat siya nang makilala kung sino ang kanyang bisita.

"A-Apolinario? Ano'ng ginagawa mo rito?" manghang bulalas ni Jesilyn.

Kumunot ang noo ng kanyang dating nobyo. "Ang sabi ni Papa, ikaw ang may gustong makita ako. Kinulit niya akong puntahan ka para kausapin. He said you needed a friend to talk to right now. At kahit daw natapos na ang relasyon natin ay dati naman daw tayong magkaibigan. Magagalit daw siya sa akin kapag hindi kita pinuntahan dahil may importante ka raw sasabihin sa akin."

Napangiwi si Jesilyn. Hindi niya naisip na gagawin iyon ni Tito Basil. Sinet-up sila nito para makapag-usap. Umatras siya para makapasok si Apolinario sa loob ng kanyang opisina. "Hindi mo kailangang sundin lahat ng sinasabi ng papa mo kung awkward para sa iyo ang puntahan ako," nahihiyang sabi niya nang muling sumara ang pinto.

Pinakatitigan siya ni Apolinario. "You don't look okay."

Napahawak siya sa kanyang mga pisngi.

Bumuntong-hininga ang lalaki. "Look, Jesi. Tama si Papa. We used to be friends. At kung nagpumilit si Papa na kausapin kita, ibig sabihin ay may problema ka na wala kang ibang masasabihan maliban sa akin na nakakaalam ng tungkol sa kalagayan mo. So tell me, baka may maitulong ako."

Nag-init ang mga mata ni Jesilyn at hindi rin nakatiis. "K-kinukumbinsi nila ako na sumailalim sa operasyon para sa puso ko. Pero ayoko." Sinabi niya kay Apolinario ang mga sinabi rin sa kanya ni Tito Basil tungkol sa kondisyon ng kanyang puso.

Kumunot ang noo ni Apolinario. "Bakit ayaw mo? Sa tingin ko, tama sila. Kailangan mo ang operasyon bago pa 'yan lumala."

Nanginig ang mga labi ni Jesilyn at nag-alangan kung sasabihin ang totoo o hindi.

"Tell me, Jesi," anang lalaki sa nanghihikayat na tono.

"I'm pregnant," mahinang sagot niya.

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Apolinario at matagal na hindi nakahuma.

Nakagat ni Jesilyn ang ibabang labi at huminga nang malalim bago muling nagsalita. "Kaya ayokong magpaopera. I don't want to lose my baby. Kahit pa ang sabi ni Tito Basil ay magiging delikado para sa akin ang mga susunod na buwan. Ipapanganak ko ang anak ko."

"Si Ryan... Alam ba niya ang tungkol dito?" tanong ni Apolinario nang mahamig ang sarili.

Umiling siya. Bumakas ang galit sa mukha ng lalaki kaya agad siyang nagsalita. "Sasabihin ko dapat sa kanya noong huli kaming nagkita. Pero may emergency sa trabaho niya at naging busy na siya sa mga nakaraang araw."

Tumiim ang mga bagang ni Apolinario at sandaling tila nag-isip. Nang tila makapagdesisyon—kung ano man ang napagdesisyunan nito ay hindi niya alam—dumeretso ito ng tayo at hinawakan siya sa siko. "Ihahatid na kita sa inyo."

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now