Part 9

29.4K 663 40
                                    

MAAGANG nagising si Jesilyn kinabukasan. Masyado siyang sabik mag-ikot sa araw na iyon at maisakatuparan ang ilan sa mga nakasulat sa listahan niya kaya halos hindi siya nakatulog kagabi. Nagbihis siya kaagad at lumabas ng kanyang silid. Kinatok niya ang silid ni Ryan. May café sa ground floor ng hotel na iyon kaya balak niyang yayain ang binata na sabay na silang kumain.

Matagal bago siya nakarinig ng pagkilos sa loob ng silid hanggang sa bumukas ang pinto. Napasinghap siya at namilog ang mga mata nang makitang walang suot na pang-itaas si Ryan. All he was wearing was a pair of loose pajama bottoms hanging low on his hips. Bumalandra tuloy sa kanyang paningin ang malapad nitong dibdib at flat na tiyan na may abs pa. Nag-init ang kanyang mukha dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng hubad na katawan ng isang lalaki nang malapitan. Sa mga larawan sa magazine at telebisyon lang siya nakakakita niyon. Agad niyang inangat ang tingin palayo sa kahubdan ni Ryan dahil siya ang napahiya na nakita niya itong ganoon.

Noon nakita ni Jesilyn na magulo ang buhok ni Ryan at bahagyang nangingitim pa ang mga panga dahil sa tumubong stubble. Pupungas-pungas pa ito at parang groggy pa dahil bagong gising.

"Jesilyn, what time is it?" usal nito sa paos at mababang tinig.

Napaderetso siya ng tayo dahil tila may humagod na munting boltahe ng kuryente mula sa kanyang batok pababa sa likod niya nang marinig ang boses ni Ryan. It reminded her of those actors with a sexy bedroom voice after a love scene in a movie. Ilang segundo pa bago niya nahamig ang sarili at tumikhim. "Alas-siyete ng umaga. Aayain sana kitang mag-almusal sa hotel café," sabi niya.

"Madilim pa. Lampas alas-siyete pa sumisikat ang araw dito," pareklamong usal ng binata.

"Napansin ko nga nang sumilip ako sa bintana na papaliwanag pa lang sa labas. Kaso, sanay akong gising na ng ganitong oras. Sige na, mag-almusal na tayo."

Sinuklay ni Ryan ng mga daliri ang magulo nitong buhok bago tumango. "Mauna ka na sa 'baba. Susunod ako. I'll just take a quick shower and get dressed."

"Okay," mahinang sagot ni Jesilyn pero hindi niya magawang kumilos palayo. Sa katunayan ay parang may sariling isip ang kanyang mga mata na bumaba na naman sa kahubdan ng binata. Likas sa kanya ang ma-curious kaya hindi niya napigilang bumaba pa ang tingin patungo sa—

"Jesilyn," malumanay ngunit nananaway na tawag ni Ryan sa pangalan niya bago pa lumampas sa hip bones nito ang kanyang tingin.

Napakurap si Jesilyn at agad nag-angat ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata at napagtanto niya na gising na gising na ang binata. Sa katunayan, kahit malumanay ang boses nito nang banggitin ang pangalan niya ay napakalayo niyon sa nakikita niyang emosyon sa mga mata nito. Mainit ang titig ni Ryan na halos mapaso siya. Iyon ang unang beses sa buong buhay niya na natitigan siya nang ganoon ng isang lalaki. Bigla ay parang may humahalukay sa sikmura niya at wala sa loob na napahawak siya roon.

Tumikhim siya at mabilis na tumalikod. "Okay, bababa na ako. Hihintayin na lang kita." Hindi na niya hinintay na magsalita si Ryan. Tumalilis na siya patungo sa elevator. Kapag nanatili pa siyang nakatayo sa harap nito ay baka manlambot na ang kanyang mga tuhod at matunaw sa init na biglang naramdaman. At may pakiramdam siyang hindi lang iyon dahil sa titig ni Ryan. Somewhere inside her body, something heated up. It was a sensation so new to her that she did not know what to do about it. Kaya siya tumakas.

"ANO ANG sinusulat mo sa notebook mo?" tanong ni Ryan kay Jesilyn habang hinihintay nila ang almusal na in-order nila.

Wala sa loob na nahaplos ni Jesilyn ang notebook na ipinatong niya sa gilid ng mesa at bahagyang ngumiti. "Travel diary. Isinulat ko lang lahat ng nangyari kahapon," sagot niya.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ