Part 43

23.8K 553 9
                                    


ALAM ni Jesilyn, nang sandaling makatanggap siya ng tawag mula kay Tito Basil kinabukasan, mukhang hindi natupad ang kanyang hiling. Pinapupunta siya sa ospital. Nang makita niya ang kanyang mga magulang na hinihintay siya sa living room dahil tumawag din pala si Tito Basil sa mga ito ay nakaramdam na siya ng kaba. Mukhang ganoon din ang nararamdaman ng kanyang ama at ina kahit pa pilit na itinatago iyon.

Nahalata iyon ni Jesilyn dahil buong biyahe nila patungo sa ospital ay hindi tumitigil sa pagsasalita ang kanyang ina tungkol sa negosyo at sa kung ano-ano pa. Madaldal lang nang ganoon ang mama niya kapag kinakabahan.

Agad silang hinarap ni Tito Basil nang dumating silang pamilya sa ospital. Sandaling nangumusta ang matandang doktor bago umupo sa swivel chair, huminga nang malalim, at pinagmasdan sila.

"Well, nasabi ko na kay Jesilyn ang tunay na resulta ng mga test niya sa nakaraang buwan kaya naisip ko na lahat kayo ay dapat makaalam ng latest test niya."

Halatang nagulat ang mga magulang ni Jesilyn at napatingin sa kanya.

Bahagya siyang ngumiti. "Alam ko na itinatago ninyo sa akin ang totoo. Pero kaya ko namang harapin ang katotohanan ng sitwasyon ko, Papa, Mama."

Namasa ang mga mata ng kanyang ina at ginagap ang kamay niya. Ang kanyang ama naman ay inakbayan silang dalawa.

Nang sulyapan ni Jesilyn si Tito Basil ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang kislap ng lungkot at simpatya sa mga mata ng doktor. Kumabog ang dibdib niya dahil lalo lamang niyon kinumpirma na hindi maganda ang balitang hatid nito.

Huminga siya nang malalim at lakas-loob na nagsalita. "Ano po ba'ng sasabihin ninyo, Tito?"

Sumeryoso ang ekspresyon nito. "Well, tungkol sa resulta ng huling checkup ko sa iyo. Your condition looks worse than the last time. Kailangan kitang resetahan ng mas matapang na gamot. But you see, nalaman kong ang dahilan kung bakit bahagyang namamaga ang heart muscles mo ay dahil may ugat sa puso mo na medyo hindi maayos ang puwesto kaya minsan ay hindi nagiging normal ang blood flow sa puso mo. It's not life threatening as of the moment. Katunayan ay may mga pasyente akong may ganoong kalagayan at basta binawasan lang nila ang stress at physical activity sa buhay nila, idagdag ang regular na gamot, ay nagawa naman nilang mabuhay nang maayos. Pero gusto ko pa ring isuhestiyon na isailalim ka sa operasyon para ayusin ang ugat na iyon habang hindi pa malala. Gusto kong magdesisyon kayo."

"Then, let's do the operation. Kung mas magiging malusog siya pagkatapos niyon, gawin natin, Basil," mabilis na sagot ng kanyang ina.

Pero si Jesilyn ay hindi nakahuma at pasimpleng napahawak sa kanyang sinapupunan. Hindi siya puwedeng sumailalim sa operasyon o uminom ng matatapang na gamot. Mabibingit sa panganib ang baby niya.

"No!" bulalas niya sa bahagyang malakas na tinig.

Napahinto sa pagpaplano ang mga magulang niya para sa kanyang operasyon at napatingin sa kanya.

"Hindi ako magpapaopera."

Napatitig si Tito Basil sa kanya. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito patungo sa kamay niya na nakahawak sa kanyang tiyan. Nanlamig tuloy siya at pasimpleng inalis ang kamay roon. Pero may palagay siyang huli na ang lahat. Dahil nang muling mag-angat ng tingin si Tito Basil ay nakita niya sa mga mata nito ang realisasyon.

"Jesi! Bakit ayaw mong magpaopera? Para ito sa kalusugan mo," sabi ng kanyang ama.

"Tama ang papa mo. Kailangan mo itong gawin habang hindi pa malala ang problema," sabi naman ng kanyang ina.

Bachelor's Pad book 5: Mr Hotshot (Ryan Decena)Where stories live. Discover now