ika dalawampu't siyam

Start from the beginning
                                        

"Nandito ka?" tanong ni Brent.

"Malamang, kausap mo nga diba?" natatawang salita ni West na malaki ang ngiti sa akin. Madramang umirap si Brent kay West. I don't know what to say.. Bakit sila nandito? My goodness! Parang tambol ang puso ko ng sumunod si Anton sa kanila. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at napayuko.

"Wala na pong available na table.." sagot ng waiter kay Brent.

"Uh, dalawa lang ba kayo? Pashare nalang kami ha?" salita ni Brent. Nakita kong lalong nag igting ang panga ni Raj sa bigla biglang pag-upo ni Brent sa tabi ko.

"Okay naman sa iyo baby, diba?" ngisi ni Brent na tila ba nang aasar pa. Tumikhim si Anton at walang awang umupo sa katapat kong upuan na katabi ni Raj. Si Britt naman ay ngumuso at humila ng chair sabay tabi kay Raj. Si West naman ay umupo din sa tabi ni Brent!

Is this really happening? Why are they here? Wala nabang mas iaawkward ito?

"Uh, Raj... This is.." kinagat ko ang labi ko.. Para kasing nahihiya ako kay Raj sa pagdating nila ng bigla bigla. Bakit ba sila nandito? At bakit katabi ni Britt si Anton? Sila naba? Parang nanginginig ako sa kaisipan na si Anton na at Britt.

"I know them." malamig na sagot ni Raj. Ganyan ganyan yung mukha niya the first time I met him. He's cold and intimidating. At ganyan siya noon kapag kasama si Bree. So it means hindi talaga siya natutuwa.

Tumango ako at tumahimik. Bumasag lang sa katahimikan ay si Brent na umorder ng pagkain na tila ba walang pake kung okay lang nadito sila. Madami silang napili samantalang ako ay hindi alam ang pipiliin. Nabobother pa ako kay Britt na tanong ng tanong kay Anton at dikit ng dikit.

Paminsan minsan ay hindi ko maiwasan mapatingin sa kanila. Napapaiwas agad ako kapag nahuhuli ko din si Anton na nakatingin sa akin.

"San kayo after?" tanong ni Brent pagkasubo ng pagkain. Hindi naman ako makasagot kasi hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Tapos halo halo pa nararamdaman ko ngaun.

Kapag talaga malapit si Anton ay nawawala ako bigla sa katinuan. And knowing he's with Britt made me even more crazy! Kinalimutan naba talaga niya ako?

Sabagay.. Kasalanan ko naman.. He's asking me pero hindi ako sumagot.. Pero, diba, kung totoo yung feelings hindi naman mawawala agad? Maybe he realized that I was just a little sister to him. His feelings for me was digusting! Hindi man kami totoong magkapatid ay lumaki kaming magkapatid diba? Sa iba... Magkapatid pa din kaming dalawa.

Tapos... Yung parents ko pa, alam ko na kahit ano mangyari ay hindi nila matatanggap si Anton. Lalo na't anak siya ng taong naglayo sa akin sa kanila.

"We will rest." si Raj ang nagsalita. Umigting agad ang panga ni Anton habang natatawa si Brent na parang may nakakatawa.

"Damn dude! How can she enjoy the place kung mag re-REST kayo?" diniin pa talaga ni Brent yung rest. Napayuko ako kasi nahihiya ako. Baka akala nila isang room lang kami ni Raj!No way!

"Gusto magrest eh, epal mo!" nanunuksong salita ni West sabay tingin kay Anton na nakakuyom ang kamao at halatang hindi natutuwa.

"It's okay.. matagal pa naman kami dito.. We have lots of time to enjoy.." nagkibit balikat si Raj. Napa O ang bibig ni Brent pero nakangisi pa din siya at West. Matalim ang mga mata ni Anton na napatingin sa akin kaya yumuko ulit ako. Nakakatakot yun mga mata niya na parang galit. Bakit siya nagagalit? Diba may Britt na siya?

"Really? Sayang naman.. Uuwi na kami bukas.." maarteng salita ni Britt sa gilid kaya napatingin ako sa kanya.

"No. We will extend." si Anton ang nagsalita sabay inom ng tubig habang titig na titig sa akin. Ang kalabog ng puso ko ay ayaw na paawat. Tingin palang ni Anton nawawala na ako sa sarili.. Now tell me paano ko sasabihin yung feelings ko sa kanya?

"Really? Gusto mo talaga akong makasama noh?" kinikilig pa siyang yumakap kay Anton. Nakita ko ang pag ngiwi ni Brent. Kahit nahihiya ako ay hindi maiwasan mapairap. Naiinis ako sa kanila! Naiinis ako kay Anton! Naiinis ako sa situation!

Nang magtama ang mata namin ni Anton ay kitang kita ko ang pagngisi niya. Lalo akong umirap kaya lalo siyang ngumisi.

"Kain na Britt. Nalipasan kana naman ng gutom." salita ni Brent kay Britt sabay kindat sa akin. Kahit ganoon.. Hindi ko pa din alam kung halata sa mukha ko naiinis ako. Hindi ko na kasi makuhang ngumiti.

Halos hindi ko na magalaw ang pagkain ko sa sobrang ingay ni Britt. Tapos kulang nalang subuan niya si Anton.

"Baby.. are you okay?" halos mapatalon ako ng magsalita si Raj. Natahimik silang lahat. Gusto kong kainin ng lupa ng biglang tumawa si Brent.

"Baby? Anak mo ba siya dude? Hindi mo ba alam na bawal siyang tawagin ng baby?" mapanuyang salita ni Brent. Oh no! Kapag hindi siya tumigil this will be disaster.

"Really? But  you called her baby.." seryosong sagot ni Raj.

"Exactly.. The baby thing is exclusive for me.." napatingin si Brent kay Anton na naka igting na ang panga. Mabilis siyang napalunok at umayos ng upo. "I mean.. Exclusive for someone else."

Nanliit ang mata ni Raj na seyosong napatingin sa akin! Why are you doing this Brent? Why are you pushing their buttons?

Hindi ko na alam kung saan ako lilingon. Ang gusto ko lang ngaun ay bigla akong maglaho.

May kung anong kinukulit si Britt kay Anton na nagpapairita na talaga sa kanya. Kitang kita mo iyon kay Anton. Ngumuso ako at umirap ulit. Mali na mairita ako pero naiirita talaga ako. Kaya ba hindi na ako kinamusta manlang ni Anton dahil nasa iba na atensyon niya.

Oh baka... Pinaasa niya lang ako? Hindi ko din alam! Ang alam ko ay naiirita ako at nasasaktan! 

I want to do what Britt's doing to Anton. I want to be close to him like how Britt's close to Anton. I want to feel his warmth again. Gusto kong madama yung init na binibigay niya sa akin simula pa noon.

But how? Sa mata ng iba... It will be disgusting, gross.. Whatever!

Napatingin ako kay Brent na tumikhim habang hawak ang cellphone niya. The place was so awkward. Wala naman kasi nag-iingay maliban kay Britt at sa mga mapangasar na salita ni Brent. Sometimes... Nahuhuli ko pa si Raj na pabalik balik ang tingin sa amin ni Anton kaya hindi na ako tumingin sa kanya. I know Raj is not dumb. Kapag pinakita ko yung nararamdaman ko, he will figure something out. Maswerte na nga ako at hindi niya ito sinasabi kila mommy.

"Dude... You dropped the proposal?" salita ni Brent na rektang nakatingin kay Anton. "Damn it! Bakit hindi mo inilaban? We can win the bid.." iritable si Brent. Kung ano man ang pinag uusapan nila ay wala akong maintindihan.

Tumayo si Raj kaya napatingin ako sa kanya. "Lets go, Astrid.." anyaya niya. Hindi ako makatayo kasi lahat sila ay sa amin nakatingin. Tapos... Hindi manlang nag paalam si Raj.. What should I do? Hindi  ba ay bastos naman kung aalis nalang kami?

"Uh, alis na kami.." nahihiyang salita ko... Kita ko ang galit at sakit sa mga mata ni Anton ng biglang hawakan ni Raj ang beywang ko na nagpatalon sa akin.

Dinig na dinig ko ang buntong hininga ni Anton sabay tingin kay Brent na umiigting ang panga. "You should know when to stop dude... Kahit gustong gusto mo, titigil ka kasi alam mong hindi talaga magiging seyo.."

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now