ika dalawampu't siyam

Start from the beginning
                                        

"We'll visit some spots maybe tomorrow or later. Are you hungry?" tanong niya. Napatingin na ako ay Raj na parang naninimbang ng nararamdaman ko. I've been cold to him.. Alam ko naman na hindi niya deserve iyon dahil wala naman siyang ginawa kundi maging mabait sa akin. Pero hindi ko din naman deserve ito diba?

Hindi naman sa nagcocomplain ako dahil choice ko din naman ito. Besides... Kapag sa bahay lang ako ay si Bree naman ang pumepeste ng buhay ko. So... I'd rather be with Raj than home with annoying Bree.

Actually Raj is my escape from reality... Yung mga issues ko sa buhay... Yung pagkamiss ko kila nanay.. At... Yung pangungulila ko kay Anton na alam ko na galit sa akin.

"San tayo kakain?" tanong habang naglalakad kami sa maputing buhangin. Naiilang ako kasi nakatingin lang palagi si Raj sa akin.

"Why can't you like me?" biglang salita niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Mabuti nalang at sa puno kami ng niyog nahinto dahil mataas na din ang tirik ng araw.

Why asking me that? Bigla bigla... Hindi ko din alam. Kahit na nasakanya ang lahat ng qualities para mahalin.. I don't know.. Or maybe.. Alam ko naman talaga ang sagot pero natatakot ako... Natatakot ako kasi masyadong complicated... At yung gusto ko.. Bawal. Hindi pwede.

Bumuntong hininga ako ng makita ko ang malungkot na mga mata ni Raj. Bakit nga ba hindi ko siya magustuhan? Kung tutuusin, mas safe at mas madali kung siya ang magustuhan ko. Naging crush ko pa nga siya diba? Pero iba kasi ang sinasabi ng utak ko sa tinitibok ng puso ko.

"Why do you like me still?" sagot ko pabalik. Maybe... Kailangan ni Raj maramdam na hindi talaga kami pwede. I want to wake him up. Friendship is the only thing I can offer him. Nothing more nothing less.

"I dunno.." mabigat ang buntong hininga niya. "I like you kahit alam kong hindi mo ako gusto. I want to stop.." pumikit siya ng mariin. Nanatili ang titig ko sa kanya. Pero.. His words and sincerity bothers me. Naawa ako kasi hindi ko masusuklian yung feelings niya. "But I can't." he said. Hindi ako nakasagot.

May bahagi sa akin ang naawa sa kanya. I don't know what's with me at ako ang gustong gusto niya. Ang dami dami naman babae na pwede niyang magustuhan. I bet my life na madami din nagkakagusto sa kanya! Why freaking me? I don't understand.

"Raj..." mahinahon kong salita. I don't want to hurt him by my words. Alam ko naman kasi na nasasaktan ko siya sa asal na pinapakita ko sa kanya. I don't want more pain for him.. Hindi naman ako masama at hindi niya deserved.

Ngumiti siya ng tipid. Halata naman sa ngiti niya na nasasaktan siya. Mas mabuti nang masaktan siya ngaun diba? Ayoko naman maisumbat niya sa akin na pinaasa ko siya.

Tahimik kaming naglakad papaunta sa isang seafood resto.. Kumalam agad ang sikmura ko sa halimuyak ng inihaw na pusit. Madaming tao ang nasa loob. Hindi naman kami nahirapan maghanap ng pwesto dahil nakapagpareserved na si Raj ng table.

"What do you want?" tanong niya agad. Nawala ang atensyon ko sa kanya dahil sa tawanan ng grupong pumasok sa loob ng restaurant. Nanlamig agad ang pakiramdam ko ng makita si Anton na napatingin sa gawi ko na nakauwang ang labi. Sa gilid niya ay si West at Brent. Tapos nakakapit naman sa isang braso niya si Britt na nakasuot ng itim na bikini.

Parang nagbara ang lalamunan ko ng  napatitig ako sa kamay ni Britt na kapit na kapit sa braso ni Anton. Agad na lumayo si Anton kaya ngumuso si Britt. May kung anong binulong si Brent kay Anton at sabay silang napatingin sa akin.

"Baby!" bati ng masayang si Brent sa akin. What the heck?

Mabilis akong napalingon kay Raj na matalim na nakatingin kay Brent habang nag-iigting ang panga.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now