ika dalawampu't walo

Start from the beginning
                                        

Nang makapsok kami ay mas madaming tao. I bet lahat ito ay may pangalan sa industria. May iba na kinakausap si Raj habang ang iba ay nakikilala ako na anak ng kilalang mag -asawa na may ari ng VC aircraft.

Nevertheless, wala pa din sa mundo nila ang utak ko. Hinahanap ng mga mata ko si Anton na hindi ko makita sa dagat ng tao. Galit ba siya sa akin? Bakit hindi manlang niya ako binati kanina?

"Are you okay?" tanong ni Raj. Tahimik lang kasi ako. Madalas kasi ay may mga investor or bussinesman siyang kinakausap at hindi ko naman masabayan.

Tumango ako. "Washroom lang ako," paalam ko. Hindi kasi ako mapakali knowing that Anton and I were in the same room. Kahit nga hindi ko na siya makausap.. Kahit makita ko lang siya ok na ako.

Nakakawindang lang pala ang lugar dahil hindi ko mahanap ang cr sa sobrang laki! Pagliko sa hall napahinto agad ako ng makita si Anton na may kausap na babae. Tapos sobrang seryoso niya ng pinaguusapan nila kaya parang may nabasag na na naman akong narinig.

Ganito kalaki ang pagitan namin ni Anton. Na kahit buong buhay kami magkasama ay hinding hindi kami pwedeng mapalapit sa isa't isa. Noon.. Hindi kami pwede dahil akala ko magkapatid kami, ngaun hindi na kami magkapatid, alam na alam ko na hindi pa din kami pwede. Gustuhin ko man siya. Alam na alam ko sa sarili ko na malabo pa sa langis yung gusto ko.

Akala ko mahal niya ako? Diba sabi niya yun? Bakit parang hindi ko maramdaman? O sumuko na siya kasi alam naman niya na walang patutunguhan yung kaming dalawa? I want to cry pero nagpipigil ako.

Bakit ganoon? Ang bata ko pa diba? Pero bakit pakiramdam ko totoong totoo yung nararamdaman ko kay Anton? Na parang hindi ko kaya kapag sinukuan niya ako?

Natauhan ako bigla ng bigla nalang papalapit na pala sa akin si Anton. Tapos his eyes were so expressive.. Na para bang madami siyang gusto sabihin.. Para akong pinakong kahoy na hindi manlang makahakbang.

Napatingin ako sa mga mata niya na puno ng emosyon. His cold eyes earlier were gone. "Baby.." he said huskily... Napapikit ako ng mariin kasi ang puso ko ay kumakalabog. Miss na miss ko na ang boses niya. Hindi ko alam pero kapag siya ang tumatawag ng baby sa akin ay parang nawawala ako sa katinuan.

Napaatras ako ng bahagyang umabante si Anton. Ngaun ay malungkot at parang nagsusumamo ang malamig na mga mata niya kanina. "Ano--" kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng makulong ako sa dinding. Lalong umabante si Anton at kinulong ako sa magkabilang bisig niya. His minty breath and manly scent turned my knees into jelly, instantly.

"Fuck," pumikit siya ng mariin. Pagdilat niya ay titig na titig ang mga mata niya sa mata ko. "I miss you..." he said. Hindi ko alam kung bakit tumulo yung luha ko. Hindi ko masabi yung nararamdaman pero hindi mapagkaila ng luha ko na miss na miss ko na din siya.

He instantly wiped my tears.."Hush baby.. Why are you crying?" ang lambing lambing ng boses niya kaya lalong gustong sumabog ng dibdib ko.

Kinagat ko ang labi ko at pilit pinakalma ang sarili. Kailan ba ako masasanay sa presensya ni Anton? "Ano kasi... Kamusta ka?" gusto kong batukan ang sarili ko sa sobrang katangahan na lumalabas sa bibig ko.

He sighed. "Missing you everyday.. Dying to be with you everyday.." lumungkot yung mukha ni Anton kaya gusto ko siyang hawakan sa mukha. Kaso.. Natatakot ako.. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako.

Bago pa man ako magsalita ay nakita ko si Raj papadating.. "Astrid.." tawag niya. Bahagyang umatras si Anton kasabay ng pagtayo ko ng maayos.. Umigting agad ang panga niya. "Keep distance baby.. I'm fucking jealous.."

Hindi pa din ako makasagot kasi parang sasabog na yung puso ko. All I did is to look at him without even blinking. I want to memorize his handsome face. I want to remember his manly scent.I even want to hug him tight..

"Do you want me to fight?" he whispered.. Natataranta ako kasi papalapit na ng papalapit si Raj. Tapos yung mukha ni Anton parang asang asa sa isasagot ko. What am I going to say? Dapat ba sagutin ko pa iyon?

"I need your words baby... One word and I'll break the rules." seryosong seryoso si Anton kaya napalunok ako.

"Are you done?" nakalapit na si Raj ng hindi ko nasagot si Anton na titig na titig pa din sa akin. Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha ni Raj ng mapatingin kay Anton pabalik sa akin.

"Is he bugging you?" tanong ni Raj.

"What the fuck?" sagot ni Anton na parang sasabog na any moment.. Hinila ko ng mabilis si Raj para hindi na magkagulo. Looking at Anton now? He's ready to do live brawl in here.

"Tara na, Raj.." hila ko kay Raj na parang willing din makipag away.. Natataranta na talaga ako kasi kumuyom na ang kamao ni Anton na napatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Raj.

"Are you sure? Does he hurt you or what?"
Tanong ni Raj na nagpakulo ng dugo ko. Lalong dumilim ang expresyon ng mukha ni Anton.

"Fuck you!" isang suntok ni Anton ang tumama sa mukha ni Raj kaya nataranta na talaga ako tapos si Raj susugod din ng hilahin ko siya.

"Hindi niya ako sasaktan kasi kuya ko siya! Leave him alone Raj!" sigaw ko. Mabuti nalang walang tao dito. Natigilan yung dalawa sa sigaw ko. Napabuka ng bahagya ang bibig ni Anton sa gulat. Tapos instantly biglang cold na naman siya.

"Yeah. Fuck. I'm his "kuya". Fucking kuya!" puno ng sarcasm na salita ni Anton sabay talikod sa amin. Ako naman? Napatulala habang pinapanood si Anton palayo. Damn it!

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now