"Hindi ako nagreklamo nung napressured si Raj to accompany Bree for so many years Sasha.. C'mon! This is just a small favor! Hindi ko naman hinihingi seyo na maging girlfriend ni Raj yung anak mo." seryoso na salita nung mommy ni Raj. Nakakatakot talaga siya kapag nagsasalita. Masyado kasi siyang straightforward.
Natahimik si mommy. Oo nga pala! Naalala ko nung kwinento ni mommy Sasha yung favor na hininga sa mommy ni Raj para makuha nila ang loob ni Bree noon. So she's asking for payment now? At ako ba magbabayad non?
Ayokong makita na nahihirapan si mommy Sasha.. Hindi man ako lumaki sa kanila ay mahal ko pa din siya. I breathed heavily. "Sige po. Sasamahan ko si Raj." sagot ko.
Nawala lang yung tensyon nung sumagot ako. Tapos si mommy Sasha tumingin sa akin with apologetic eyes. Ngumiti nalang ako to assure her na okay lang. Besides, sasamahan ko lang naman diba? Wala naman mawawala.
"Sorry for this, Astrid." salita ni mommy pagkatapos ayusin yung buhok ko. Alas siete na kasi ng gabi at malapit na ako sunduin ni Raj. Si mommy ang nag ayos sa akin. Ang galing galing niya nga eh. Siya din ang namili ng damit na susuotin ko.
"Okay lang po.. Wala naman po masama kung sasamahan ko si Raj."ngumiti ako. Bumuntong hininga si mommy at ngumti ng tipid.
"As much as I want to get mad at Estrancia, hindi ko mapapagkaila na napalaki ka niya ng maayos anak.. But still, ayoko nang konektado ka sa kanila. I want you alone Astrid.. Inangkin ka nila at inagaw sa akin.. Akin ka lang ngaun anak.." teary eyes pa si mommy Sasha. Nakakataba ng puso yung sinasabi niya. Yung tipong mahal na mahal ako kaso yung ayaw na niya na may koneksyon ako kila nanay? Nawawasak talaga ang puso ko.
Hindi na ako nagsalita kasi ayokong sumangayon at kontrahin si mommy. I want to be discreet about my feelings. Alam ko naman kasi na hindi nila ako papayagan na makita sila. Pero hindi ko naman hahayaan na basta ko nalang abandonahin sila nanay.
"Thank you for joining me, Astrid.." titig na titig si Raj sa akin habang hawak niya ang kamay ko papasok sa isang malaking bulwagan. Ang sabi niya ay may event para sa mga planong maginvest sa iba't ibang company.
"Ang ganda ganda mo pa din.. Same feelings, baby.. I still want you.." natigilan ako ng sabihin niya iyon. Tapos nahinto pa kami sa madaming media.. Red carpet kasi ang event at masyadong flashy. Ang daming tao. Hindi ako sanay sa ganito kaya parang natataranta ako. Tapos si Raj kung ano ano pa sinasabi at ayaw bitawan yung kamay ko kahit hinihila ko na.
"Ibañez twins just arrived.." sigawan ng ibang media kaya para akong tuod na napako sa kinatatayuan ko. Paglingon ko sa kinuyog ng media ay si Brent at Anton na parehong makisig na naglalakad sa red carpet.
Humigpit ang hawak ni Raj sa kamay ko. Kasabay nun ay pagkalabog ng puso ko habang nakatingin kay Anton na makisig na naglalakad habang nakatingin sa akin pababa sa kamay namin ni Raj na magkahawak. Umigting agad ang panga niya.
I want to run over him and hug him. Parang maiiyak ako ngaun nandito siya sa harap ko. It was just a month pero pakiramdam ko buong buhay ko siyang hindi nakita.
"Mr. Esquivel." he said coldly. Lumunok ako kasi kahit si Raj ang binati niya sa akin pa din ang mga mata niya. Gusto ko siya makita pero bakit hindi ko pa din siya kayang titigan kagaya ng titig niya sa akin. Para pa din akong mahihimatay!
"Anton, you're Astrid's brother right?" sagot ni Raj. Para akong maiihi na hindi ko maintindihan. Nanginginig ako lalo na't dumilim ang ekspredyon ng mukha niya. He's cold! Pero hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko iyon pagkacold ni Anton! Well.. Maybe because he's warmth when he's close.
"I'm not." sagot ni Anton sabay igting ng panga at tinalikuran kami. I want to breathe. Parang nawala ang hangin sa paligid sa presensya ni Anton.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika dalawampu't walo
Start from the beginning
