ika dalawampu't walo

Start from the beginning
                                        

"I'm happy you two are okay.." biglang salita ng mommy ni Raj habang nakatingin sa amin. Napaayos tuloy ako ng upo bigla. Tapos si mommy Sasha napatingin din sa amin habang nakakunot ang noo at tila nagtataka. Hala! Nakakatakot! Baka akala ni mommy kung ano na ang nangyayari sa amin ni Raj.

"We were. Not until一" hindi na natuloy yung sasabihin ni Raj ng panlakihan siya ng mata ng mommy niya.

Tumikhim yung mommy ni Raj na halatang nataranta. Tapos inayos niya yung buhok niya at halatang pinapakalma yung sarili niya.

She faced me. Lalo nga ako natahimik nung hinarap ako ng mommy ni Raj. "I'm sorry for what I've to you, Astrid. I didn't know that you're the real Bree and the real daughter of Sasha and Luther." salita ng mommy ni Raj kaya napanganga ako. Sobrang apolegetic kasi nung mukha niya. Though, hindi ko lang talaga alam kung bukal yun sa puso. Seryoso? Mommy niya nagsosorry sa akin? Paano kung hindi ako ang totoong Bree? Would she apologize to me?

Hindi agad ako nakasagot kasi feeling ko ang plastic nung mommy niya. Kung hindi ba ako ang totoong Bree gagawin niya yan? I bet no!

"Okay na po iyon," sagot ko. Okay na din iyon kasi kahit di ko alam kung totoo, nagsorry pa din siya diba? Tsaka ayoko ng magtanim ng sama ng loob.

"I should believe Raj when he said you're so nice.. Sorry again.." she said dramatically. Si Raj naman hindi ko alam kung naiirita pero bahagyang nag igting ang panga niya.

"She's nice." sagot naman ni mommy habang nakatingin sa akin at nakangiti.

"So bakit kayo nandito?" si mommy na hinarap ang mommy ni Raj.

"Gosh! Hi Tita! Raj!" napatingin kami kay Bree na halos madapa na papunta dito sa garden. Seryoso lang yung mukha ni Raj tapos umasim  yung mukha nung mommy ni Raj habang nakatingin kay Bree na papalapit.

"I miss you..." biglang niyakap ni Bree yung mommy ni Raj. Walang emotion yung mommy niya nung yakapin siya ni Bree. Pero isang bagay ang alam ko.. Hindi siya natutuwa kay Bree. Yung itsura ng mukha niya? Same looks when she humiliated me.. Para bang sukang suka at diring diri.

"Why are you here? Hi Raj?" masigla pa din siya kahit tahimik na yung mag ina. Si mommy naman nakatingin lang kagaya ko at nakikiramdam.

"Raj has an event later--" hindi na natuloy ang sasabihin nung mommy ni Raj ng nagtatalon si Bree na parang bata.

"Are you asking mom if I can join Raj?" ngiting ngiting salita niya. Sa mukha ni Bree, parang sigurado siya na ganito palagi sila.

Umismid ang mommy ni Raj tapos biglang tumingin sa akin at ngumiti. "No! I'm going to ask your mom if Astrid can accompany, Raj." she said harshly.

Grabe! Habang napanganga ako, si Bree naman ay namula ang mga mata habang napayuko. Nakakahiya kaya kasi ang harsh nung pagkakasabi nung mommy ni Raj. Kahit naman maldita si Bree may feelings pa din naman siya! Bakit ba ang rude ng mommy ni Raj? Diba si Bree ang gustong gusto niya?

"So, can you accompany my son?" tanong niya sa akin. Si Bree naman napatingin sa akin na galit na naman.

Hindi ako makasagot kasi ayokong saktan yung feelings ni Bree. Tapos pangalawa ayoko naman talaga makasama si Raj dahil hindi ko din alam. Ang bigat kasi kapag siya ang kasama ko. Don't get me wrong.. Mabait naman si Raj. Wala ngang tapon sa kanya kasi gwapo at matalino. Tapos naniniwala ako na hindi naman siya katulad ng mommy niya. Kaya lang... Hindi ko alam kung bakit ayaw kong sumama sa kanya.

"Teka lang... Napepressure si Astrid. I don't want that." singit ni mommy habang nakatingin sa akin. Mabilis na nawala yung ngiti nung mommy ni Raj.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now