MeyotCute's Extremely EMO Thank You note

2.5K 66 64
  • Dedicated kay All of YOU!
                                    

MeyotCute's Extremely EMO Thank You note

I really hope you read this :)

Alam kong very emotional ang nilalaman nito.

Ang mga nilalaman nito ay hindi ko pagsisisihang malaman ninyo dahil parte na kayo ng buhay ko.

Ang bawat isa sa inyo ay napasalamatan ko in my own little ways kaya sana ay wag na kayong mag-tampo na hindi ko na ime-mention ang bawat isa.

Wattpad Friends, Facebook Fan Page “Likers”, Twitter Followers, Mga Voters,  Mga nag-Comment at nag-Message sakin dito at sa iba’t ibang websites. Thank you all! :)

Alam nyo naman na thankful ako sa bawat isa sa inyo. Totoong totoo.

I posted “Me, You and Him” last April 20, 2012..

In less than 3 months, I can’t believe na tapos na ito dito sa Wattpad ng ganun ka-bilis.

It’s just so wonderful sa pakiramdam na sa maikling panahon ay madami akong natutunan at madami akong na-gain sa buhay.

Isa lamang akong ordinaryong tao. Isang empleyadong normal at abnormal ang buhay sa isang call center. Isang taong kadadaan lang sa isang wagas na sakit sa buhay pag-ibig.

In the past, masasabi kong wala ng mas maloko pa sa buhay, wala ng mas pasaway pa at wala ng mas masaya pa kesa sa akin.

Sa isang iglap, lahat ay nagbago.

Ang dating masayahin, pala-tawa, pala-kaibigan at malokong Meyot ay biglang nagbago. Lahat ng ito ay dahil sa kabiguan sa pag-ibig ng matapos ang walong taon sa aking buhay na may tunay na minamahal.

I did my very best to forgive, move on and carry on with my life. Sa tulong ng trabaho at ng mga mahal kong kapamilya at kaibigan ay unti-unti ko itong nalagpasan.

It seemed like forever bago ko nasabi sa sarili ko na “OK NA AKO.”

Pero gayun pa man ay tila may kulang pa rin.

No, hindi ito panibagong buhay pag-ibig sa isang tao dahil simpleng simpleng rason  na - Ayoko na. ;)

Sa pag-pasok ng ikalawang taon ko ng buhay “Single”, I simply found out kung ano ang kukumpleto sa akin.

Ito ay ang pagsusulat.

Noon pa lang ay alam ko ng may talento ako dito kahit paano. (Hindi na ako magpapaka-humble)

May mga ideya ako na madalas magustuhan ng mga tao. Creative daw ako kungbaga.

May talento daw ako sa pag-manipula ng nararamdaman ng isang tao. (Hindi ako sigurado diyan. Sabi lang ng iba.)

But honestly speaking, “Writing was never my passion… But it is slowly becoming one.”

Nung isinulat ko ang “Me, You and Him”, ni minsan hindi pumasok sa isip ko na “Kailangan kong maging magaling.”

Tinapos ko ang “Me, You and Him” sa kadahilanan na nung sinimulan ko pa lang ito ay nakahanap ako ng outlet upang maging masaya muli at maging “kumpleto”.

Yes, I found extreme satisfaction and purpose when I wrote this.

Lalong lalo na nung unti-unti ay dumami ng dumami ang mga nagbasa.

I had three awesome readers nung simula at naging apat sa loob ng ilang linggo.

Di naglaon ay nadagdagan at dumami.

Hindi man kasing dami ng nagbabasa ng istorya ng iba, masayang masaya na ako.

Kelanman ay hindi ko naman naging goal ang makipag-kumpitensiya at magkaron ng pinakamaraming readers at fans.

Pero mula sa puso ang pasasalamat kong nagkaron ako ng mga ito at nadadagdagan pa.

Hindi ninyo alam kung anong saya ang meron sa puso ko sa lahat ng suporta at sa pakiramdam ko ay pagmamahal.

Sa bawat pag-boto, pag-comment, pag-fan, pag-message, tweet at kung ano ano pa, na siguro ay hindi ganun ka-big deal sa iba ay ramdam na ramdam ko ang saya na hindi ko maikukumpara sa kahit na ano.

I have gained supporters, fans, people who made/makes me happy..

but most of all, I have gained FRIENDS. :)

Maraming maraming salamat sa inyong lahat!

Mahal ko kayo.

Hindi lang kayo simpleng “reader” para sa akin dahil sa totoo lang, isa kayo sa dahilan na nangyaring ang dating “kulang” na meyot ay ganap ng “KUMPLETO”.

Me, You and Him (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon