ika- dalawampu't pito

Start from the beginning
                                        

Pagdating namin sa dining ay nandoon na si mommy Sasha at papa Luther. Sa kabilang side ay si Bree na nakasimalmal ng makita akong papalapit.

"Goodmorning, princess.." bati agad ni papa Luther na tumayo pa para yakapin ako. Si mommy Sasha naman ay nakangiti na nakatingin sa amin. Hanggang ngaun.. Hindi pa din talaga ako masanay sanay na ganito sila sa akin. Minsan nga pakiramdam ko ay hindi na talaga ako masasanay.

Tumikhim si Bree kaya napabitiw ng yakap sa akin si papa Luther. "Lets eat daddy." salita niya sa sarcastikong paraan. Huminga ng malalim si papa Luther sabay tingin kay mommy Sasha.

Alam ko naman na nahihirapan din sila sa situation. Si Bree ang nakasama nila buong buhay nila kaya alam kong nahihirapan din sila mag adjust. Wala naman kaso sa akin iyon.

"Dad--" may sasabihin sana si Bree ng maputol ito ng ngumiti si papa Luther sa akin.

"Astrid, can you make a coffee for me?" malambing na salita niya. Kumunot ang noo ko. Bigla akong kinabahan. Sa araw araw kasi ay si Bree ang nagtitimpla ng kape niya. Bakit ako ang inutusan niya ngaun? Paano ko iyon gagawin? Hindi ko alam!

"Uh, sige po." ngumiti ako ng tipid at tumyo papunta sa pantry area. Paano ba itimpla ang kape ni papa? Hindi ko naman alam! Gusto niya ba ng matamis o matabang? May creamer b o gatas o... Hays!

Sa huli, nagtimpla nalang ako ng kape na moderate lang ang tamis at may creamer.

"Eto na po," sagot ko sabay lapag ng tasa. Natigilan si papa Luther kaya medyo kinabahan ako.

Tumitig ako sa kanya na hindi makatingin sa akin. Halakhak ni Bree ang umalingawngaw sa hapag.

"Ayaw ni daddy ng creamer.. He likes his coffee plain and black."umiling siya at tumayo.

"Sorry po, hindi ko naman po alam." sagot ko.

"Okay lang, upo kana.." si mommy Sasha ang sumagot.

Hindi pa kami nagsimulang kumain dahil hinihintay namin si Bree. Panay pa nga ang kwentuhan nila pero ako ay tahimik lang at nakikinig. Hindi naman kasi ako makarelate sa mga pinaguusapan nila.

"Here dad." nilapag ni Bree ang bagong tasa ng kape sa tabi ni papa. Hindi ko mapigilan malungkot ng makita ko ang ngiti ni papa ng hingupin niya ang kape na gawa ni Bree.

Kilalang kilala nila ang isa't isa habang ako ay walang alam sa kanila.

Umalis si papa at mommy Sasha pagkatapos magalmusalan. Pupunta kasi sila ngaun sa VC aircrafts dahil may mga eroplanong ilalabas.

Umupo ako sa gazebo para magmuni muni. Kamusta na kaya sila nanay? Kamusta na kaya si Anton? Sa totoo lang? Miss na miss ko na sila. Dati ganitong buhay ang pangarap ko. Pero ngaun na sa akin na, bakit pakiramdam ko ay hindi ako masaya? Bakit parang may kulang?

"Ma'am Astrid, may bisita po kayo." napasinghap ako ng lumitaw ang isang kasambahay.

"Sino po?" tanong ko. Simula napunta ako dito ay hindi ako pinalalabas ng bahay. At walang bumibisita sa akin.

"Rosie daw po." sagot niya. Lumawak ang ngiti ko at halos takbuhin ko ang living room sa kasabikan na makita si Rosie.

"Astrid! Friendship! Kamusta kana?" masayang masaya si Rosie ng makita ako kaya tuluyan ng lumawak ang ngiti ko.

Hindi ko alam kung bakit naiyak ako ng makita ko si Rosie.. Miss na miss ko na talaga sila. "Hala! Nabuang kana? Bakit ka umiiyak?" gulat na gulat si Rosie.. Tapos ako umiiyak habang natatawa.

"Kamusta ka? Kamusta si nanay? Ano na balita sa kanila? Kamusta si kuya Jigs at..." kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Bigla kasing kumalabog ang dibdib ko ng maisip ko si Anton.

"At?" nanliit ang mga mata ni Rosie kaya nag iwas ako ng tingin.

"Ano nga?" instead of answering her question, pinush ko nalang sagutin niya yung mga direct question ko.

"Teka lang noh! Mag pajuice ka nga muna! Dami mong tanong uhaw na uhaw pa ako." hinawakan pa ni Rosie yung lalamunan niya kaya natawa ako.

"Upo ka muna, kukuha ako sa kitchen." salita kong nakangiti. Hindi ko alam pero ang saya saya ko talaga na makita si Rosie.

"Iutos mo nalang..Meged, ikaw kaya ang boss dito!" salita niya habang kinukutitngting yung mga figurin sa center table.

Umiling lang ako at ngumiti.."Ako na."

Halos madapa ako pabalik sa living room dahil sa isang kalabog ang narinig ko at sigawan.

"You stupid! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal yang binasag mo? Sino kaba? Magnanakaw ka noh?" nanlaki ang mata ko ng makita si Bree na kinakaladkad si Rosie palabas ng bahay.

"Hindi ako mangnanakaw!" sigaw ni Rosie na hindi makapalag sa hila ni Bree.

"Sinong niloko mo? Paano ka nakapasok dito? Ha? Tignan mo nga ang itsura mo!" sigaw ni Bree sabay tulak kay Rosie.

"Rosie!" napatili akong napalapit kay Rosie na napsubsob sa damuhan. Tinayo ko siya at inayos ang buhok niya na nagulo.

"So...  kaibigan mo itong basura na ito?" tumaas ang kilay ni Bree. "Bagay nga kayo.. Pareho kayang cheap at basura."

"Kapal ng mukha mo makabasura! Ano tingin mo sa sarili mo?" galit na galit si Rosie..

"Tama na Rosie.." pilit ko siyang pinapakalma. Ayoko ng gulo. Kahit masama sa akin si Bree ay pinipili ko nalang baliwalain. Wala naman ako mapapala kapag nakipag away ako sa kanya.

"Hindi Astrid! Masyadong magsalita yan babae na yan! Sino ba siya? Basura ka din naman diba? Baka nakakalimutan mo na si Astrid ang totoong anak dito! Ikaw? Basura ka din na binihisan.. Kala mo naman maganda ka!" gigil na gigil si Rosie. Napatingin ako kay Bree na bahagyang natigilan. Pero yung mga mata niya ay puno pa din ng galit.

"Well," ngumisi si Bree sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa." You maybe the real Bree but you can't change the fact na ako ang kinagisnan nilang Bree. You maybe the real Bree but you can't replace me."

Hinawi pa ni Bree yung buhok niyang bagsak. "Dugo lang nila ang naseyo.. Pero yung puso nila? Akin pa din! Ako ang kasama nila all their lives and you can't replace it! Kaya bumalik ka nalang sa nanay mong basura!" sigaw ni Bree. Doon na nalagot ang pasensya ko. Hinayaan ko si Bree magsalita ng kahit ano pero hindi ko siya hahayaan na alipustahin ang nanay ko.

"Siguro nga hindi ko mapapalitan yung mga pinagsamahan niyo nila mommy.. Siguro nga hindi ko deserve maging anak nila dahil hindi ko naman sila nakasama.. Hindi ko deserve maging Dela Fuente dahil hindi ako lumaking Dela Fuente.. Pero hindi man ako lumaking mayaman, marunong akong rumesto ng kapwa ko. Yun yung bagay na wala ka. Yun yung bagay na hinding hindi mo matutunan at hindi mabibili. Hindi ko man mapapalitan yung ikaw sa kanila, hindi mo pa din mabubura yung katotohanan na ako pa din ang totoong Bree. Yung buhay mo? Utang mo sa akin 'yan! Akin yan na pinahiram ko seyo! Umayos ka kasi malapit nang maubos ang pasensya ko seyo!" diretsong salita ko na ikinalaglag ng panga ni Bree. Medyo hiningal pa nga ako kasi naman ang haba haba ng sinabi ko.

"Pathetic!" sigaw ni Bree at nagmartya palayo. Umiling nalang ako at hinarap si Rosie.

"Ayos ka lang?" tanong ko. Natigilan pa ako kasi nakakunot yung noo ni Rosie.

"Bakit? Tanong ko.

"Ano yung pathetic?" takang takang tanong niya. Gusto ko ngang tumawa ng malakas pero ayoko naman mapahiya si Rosie.

"Tara na nga.." hinila ko ulit siya papasok ng bahay. Bago pa man kami makapasok ay isang magarang sasakyan ang dumating. Kanino naman ito? Hindi naman ito sila mommy dahil mamaya pa sila uuwi.

Tumigil kami sa paglalakad ng huminto ang sasakyan. Kasunod iyon ay tunog ng pagbukas nito. Napabuka ang bibig ko ng makita si Rajan kasama ang mommy niya na nakangiti sa akin ngaun.

"Hi, Astrid.." bati ni Raj sa akin.




The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now