"Tatlong taon ang lumipas ay bumalik ang babae sa akin na may dala naman na sanggol na babae." Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko. Isa akong sanggol na walang laban na bigla nalang kinuha at nilayo sa magulang.
"Ikaw 'yon Astrid." tumango ako kasabay ng pag agos ng luha ko.
"Tinanong ko siya kung kaninong anak si Astrid pero hindi siya nagsalita. Ang tanging sabi sa akin ay ipinamigay din daw ng totoong magulang na matalik niyang kaibigan." sagot ni nanay.
"Hindi totoo yan!" sigaw ni tita Sasha. Marahan tumango si nanay.
"Tinanggap ko ang bata dahil sa kasabikan na magkaanak na babae. Pinalaki ko si Anton at Astrid na puno ng pagmahahal. Ayoko kasi maramdaman ng mga bata ang kakulangan gayong kaya ko naman ibigay." tumulo ang luha ni nanay.
"Lets cut the crap! Sino ba yan babae na tinutukoy mo? Paano niya nakuha ang anak ko?" nagsimula na naman umiyak si Tita Sasha.
Malungkot na tumingin sa akin si nanay. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano. Ayokong saktan ang nakalakihan kong nanay pero hindi ko mapapagkaila na nasasaktan din ako ngaun.
"Patawarin mo ako Astrid.. Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi seyo ang totoo. Ibinigay ko naman seyo ang lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay diba? Patawarin mo ako anak..." umiyak na si nanay kaya napaiyak na din ako. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Gusto kong magalit kay nanay. Pero hindi ko din maalis sa sarili ko na kahit minsan ay hindi niya ako pinagmalupitan. Kulang man kami sa pera pero hindi siya nagkulang na ibigay sa akin ang pagmamahal ng ina sa isang anak.
"Dalawang taon ang nakalipas ay nagkita ulit kami ni Blake na hindi inaasahan. Kasama na niya ang kakambal ni Anton kaya sinabi ko na sa kanya ang totoo. Yun din yung taon na nalaman ni Anton yung totoo niyang pagkatao." patuloy na salita ni nanay kahit patuloy ang luha sa mga mata niya.
Nagulat ako ng hawakan ni tita Sasha ang palapulsuhan ko at hilahin ako mula sa pagkakayakap ko kay nanay.
"I don't care about their story!all I care is Astrid! Sino yung babae na kumuha sa kanya? Sino ang nagbigay seyo kay Astrid?" napaataas na ng bahagya ang boses ni tita Sasha kaya napalundag ako ng bahagya. Maging si nanay ay napapikit ng mariin.
"Sino? Kasi.. Gusto kong magbayad ang kumuha sa anak ko at nagpahirap kay papa ng ilan taon! We don't deserve this. Papa don't deserve what he had been through. Nagmahal lang naman ako noon pero bakit ganito ang naging kapalit? I lost my father without knowing what's happening.. Without knowing his pain and agony for the past years. Nawala ang papa ko na buong buhay na hinanap ang nawalang anak ko.." humagulgol ng iyak si tita Sasha.. Para akong tuod na nakatayo lang habang umaagos ang luha.
Naalala ko din kasi si lolo John.. Sana buhay pa siya ngaun.. Sana napasalamatan ko siya sa lahat ng hirap na ginawa niya para mahanap ako. Sana magkasama kami ngaun para maipakita ko yung pagmamahal ko para sa kanya. Sana naranasan niya makasama ako.. Pero wala na siya.. Nabuhay siya sa paghahanap sa akin pero ako din ang dahilan kung bakit siya nawala.
"Please... Sabihin mo na kung sino.. I want justice for Papa and Astrid.."
Tumango si nanay sabay tingin kay Anton na bahagyang namula ang mga mata. I know he's hurting too. Though alam niya ang totoo, hindi mo pa din maalis yung katotohanan na ipinamigay din siya ng totoo niyang nanay.
"Si Celine de Ocampo po." sagot ni nanay.
Celine de Ocampo? Siya ang nanay ni Anton? Sino yun? Bakit niya ako kinuha? Anong meron at nilayo niya ako sa totoo kong magulang?
"Si...Celine?" nanghihinang napaupo si tita Sasha sa swivel chair niya.
" Natatandaan ko noon na sinabi niya.. Ipinamigay niya ang totoong anak niya para sa lalaking nakatakda para sa kanya pero iniwan siya. Kinuha niya si Astrid para patas lang daw sila."salita ulit ni nanay.
Si tito Luther ay kumuyom ang kamao at nag igting ang panga kasabay ng paghagugol ni tita Sasha. "Bakit ito nagawa ni Celine? Bakit niya dinamay ang anak ko? Was it the price for fighting for Luther? Akala ko maayos ang lahat... Akala ko okay na nung bumalik kami.." I can see her pain. Sobrang nasasaktan si tita Sasha sa mga nalalaman niya.
"Nasaan ang nanay mo?" bumaling si tita Sasha kay Anton na seryoso lang ang mukha.
"Alam mo ba na siya ang kumuha kay Astrid? Ano? May alam kaba?" sigaw ni tita Sasha.. Napatingin ako kay Anton. Sana hindi niya alam yung parte na iyon.. Sana hindi niya alam.. Kasi... Sobrang masasaktan ako.
Tumango si Anton kaya natigilan ako.. Alam niya! Kaya ba sinabi niya na ibibigay niya yung buhay na pinagkait sa akin? Kasi nanay niya pala ang umagaw noon sa akin? Kaya ba sinasabi niya na mahal niya ako para mapagtakpan iyong ginawa ng nanay niya noon?
Hindi ko napigilan at mabilis akong tumakbo palabas ng conference room. Ilang oras lang ako doon pero pakiramdam ko buong buhay akong nasa loob noon. Sobrang sakit ng mga nalaman ko at hindi ko alam kung paano ako hihinga. Paano ako mabubuhay ngaun?
Nakarating ako sa runway na hingal na hingal. Wala na akong pakialam kung makita ako ng ilan tao sa lobby na umiiyak habang tumatakbo.
Napatingala ako sa langit at tinanaw ang isang bituin na sobra ang ning ning.
"Lolo... Bakit ang sakit?" napahagulgol ako ng iyak. Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko sa sobrang pag iyak.
"Astrid..." lalo akong napaiyak ng maramdaman ko ang kamay ni Anton na pinatong sa balikat ko.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at hinarap siya. His eyes were bloodshots. Para bang hirap na hirap din siya at sobrang nasasaktan.
"I'm sorry.." titig na titig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil nasasaktan ako. Lahat ba ng pinakita niya sa akin ay ginawa niya lang para pagtakpan ang ginawa ng mama niya sa akin?
"Galit kaba?" halos pumiyok na si Anton sa pagsasalita pero nanatili akong tahimik.
"Please say something kasi nakakabaliw.. Parang mababaliw ako Astrid.. Let me know your thoughts. Please." halos magsumamo siya. Pumikit ako ng mariin kasi may kung anong kumirot sa puso ko. Gusto ko siyang sumbatan at tanungin pero nanghihina na talaga ako.
"Aalis na ako." salita ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Yan ang problema seyo.. You're to good to be true. Pwede bang magalit ka? Sabihin mo yung nararamdaman mo hindi yan lahat ayos lang seyo! Magalit ka sa akin! Say something!" bahagyang tumaas ang boses ni Anton kaya napapikit ako.
Binawi ko ang palapulsuhan ko sa kanya at tipid na ngumiti kahit naiiyak talaga ako. "Ano ba gusto mong sabihin ko? Hindi ako galit Anton." huminga ako ng malalim at pumikit. Nagbabadya na naman kasi ang luha sa mga mata ko. "Nasasaktan ako Anton. Magkaiba 'yon."
Lalapit sana si Anton sa akin ng biglang dumating si Tita Sasha Tito Luther na halatang galit ang itsura. "Wala ka nang koneksyon sa anak ko ngaun. Go home and tell your mom to brace her self dahil babalikan ko siya!"
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika dalwampu't anim
Start from the beginning
