Ngaun lang nagsalita si Anton simula kanina pero sa ilang salita lang niya ay sobrang nasasaktan na ako. May alam nga siya! Ako lang talaga ang mukhang tanga na naniwala na totoo ang buhay na kinalakihan ko! May alam siya pero nanahimik lang siya! Bakit? Kung kilala naman niya ang totoong magulang niya bakit na kay nanay pa din siya?
Bakit nakita ko kung paano kami nung maliliit kami hanggang sa kasalukuyan. If he knew his biological parent bakit nanatili siya kay nanay Ester?
"Walang asawa si Blake." huminga ng malalim si tito Eros sabay tingin kay tita Sasha na nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Matagal na kami magkaibigan pero after kay.." tumingin siya kay tito Luther. "I'm sorry to say this pero after kay Sasha wala na siyang niligawan."
Pumikit si tito Luther kasabay ng pag igting ng panga.
"And Anton looks older than Astrid. How come na may anak siya?" si tita Sasha pa din na halatang litong lito.
"So posible na si Blake ang kumuha kay Astrid?" si tito Luther na halatang galit na.
Pati ako ay litong lito. Ano ba nangyari noon at umabot sa punto na inilayo ako sa totoong mga magulang ko? Ano ba ang nagawa ko para ipagkait sa akin ang totoong buhay ko?
My feelings worsen when I look at Anton. Paano kita mamahalin ngaun? Hindi na nga tayo magkapatid pero sa situasyon..parang hindi pa din tayo pwede. Kung tatay mo talaga ang nagpadukot sa akin, hindi ko alam kung saan hahantong ang nararamdamin namin. Hindi pa man kami nagsisimula, tinuldukan na ng tadhana.
"Wala pong kinalaman si Blake sa pagkawala ni Astrid." biglang salita ni nanay kaya natigilan sila sa pagdedebate.
"So now your willing to talk? At kilala mo si Blake?" si tita Sasha na sumeryoso na.
Huminga ng malalim si nanay at tumango. Kahit alam ko na alam niya ang totoo. May parte pa din sa akin na nasasaktan sa mga nangyayari. Tumahimik lang din ako at nakinig sa kanya.
"Tagapagalaga ako ni Blake noong bata pa siya." simula ni nanay sabay pikit ulit ng mariin. Bahagyang nagulat sila pati na din ako sa sinabi niya.
So posible nga na si Mr. Blake ang kumuha sa akin? Bakit sinasabi ni nanay na hindi? Paano ba talaga? At paano din napunta si Anton sa kanya?
"Sa mga mayayaman, usong uso ang pilit na relasyon at kasal. May secretong nobya noon si Blake na nakalaan na para sa iba." huminga ulit ng malalim si nanay. Tapos parang hirap na hirap siya at masakit ang magkwento para sa kanya.
"Mabait ang mga magulang ni Blake di katulad ng pamilya nung babae na kinikontrol talaga siya. Hanggang dumating sa punto na nabuntis niya yung babae. Handang panagutan ni Blake yung babae pero hindi pumuyag yung babae dahil sa takot sa pamilya. Naghiwalay sila nung babae. Nagtago yung babae at hindi nagpakita sa kanya habang nagbubuntis ito."
Tumingin si nanay si akin at malungkot na ngumiti. "Umalis ako sa mga Ibañez nung nagkapagasawa na ako. Isang taon ang lumipas nang bigla nalang nagpakita sa akin yung babae dala ang isang sanggol," tumingin siya kay Anton na nakatingin lang din sa kawalan.
"Si Anton."sagot ni Tita KS.
Tumango si nanay sa amin. Bakit kay nanay ibinigay? Bakit hindi nalang kay sir Blake?
"Dahil may edad na ako at hindi na mag kaanak noon, kinuha ko si Anton. Hindi lang ako sigurado kung saan napunta ang kakambal niya noon."
"How about Astrid? Sino ang nagbigay seyo ng anak ko?" si tita Sasha na halatang nanginginig. Tumitig lang si nanay kay tita Sasha at nagpatuloy magsalita.
"Kahit ipinamigay si Anton sa akin, suportado siya nung babae. Kaya yung mga tanong sa utak mo, Astrid.. Iyon ang sagot.." tumingin sa akin si nanay.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika dalwampu't anim
Start from the beginning
