"Si Estrancia Dela--"
Bago pa man matapos ni tita KS ang sasabihin niya ay bumukas bigla ang conference room.
"Ma'am sorry, hindi ko po sila maawat." kinakabahan na salita ng babaeng kausap ni tita KS kanina.
Lalong nanginig ang tuhod ko ng iluwa ng pintuan ng conference room si nanay na iyak ng iyak. Parang lalong nawasak ang puso ko sa itsura ni nanay. Si Anton ay kalmado pero halatang halata ang tensyon na nakatayo sa likod ni nanay.
Hindi ko pa natatanong si nanay, halatang halata na sa itsura niya ang sagot. Kaya pala may mga salita siya na hindi ko naiintindihan minsan. May mga pahiwatig siya na hindi ko naman pinagukulan ng pansin. Naniwala ako sa alam ko na anak niya ako kahit sinisigaw na ng mga tao sa paligid ko na ampon lang ako.
Paano? Ang sakit sakit! Ang sakit sakit lang na yung mga taong minahal mo ng sobra ay niloloko ka lang pala.
"Astrid.." nanginginig na lumapit sa akin si nanay sabay yakap. Isa isang nagtuluan ang luha ko sa sakit at sa katotohonan na buong buhay ko pala ay nabuo sa kasinungalingan.
"Nay... Totoo po b-ba?" nanginginig akong nagsalita. May parte sa akin na ayokong maniwala. Kasi, kahit minsan, hindi ko naramdaman na ampon ako. Minahal ako ni nanay sa paraan na pagmamahal ng ina sa isang anak. Ayokong maniwala, I need nanay to answer my question. Gusto kong itanggi niya lahat ng sinasabi nila.
Lalong kumirot ang puso ko ng umiyak ng lalo si nanay. Hindi ko na din napigilan ang matinding pag iyak.
Now it all made sense kung bakit ganoon nalang ako na-attached sa mga Dela Fuente. Kung bakit ang sakit sakit nung nawala si lolo. Kung bakit ang sakit sakit nung pinagsalitaan ako ng masakit ni tita Sasha. We have the strings of being a real family kasi kadugo ko pala talaga sila!
"Patawarin mo ako anak. Umuwi na tayo sa bahay. Ipapaliwanag ko seyo lahat." humiwalay si nanay sa akin at hinarap ako. Puno ng lungkot ang takot ang mga mata niya kaya lalo akong nadudurog. Paano ako magagalit sa kanya kung wala naman siyang ginawa kundi mahalin ako?
"Wait! Walang mag uuwi kay Bree一 I mean Astrid.. God! This is disaster." tumayo si tita Sasha at lumapit sa akin.
Binitawan ako ni nanay ng makalapit si tita Sasha sa akin. Nakakalambot ang mga mata niya na puno ng sakit. Even tito Luther followed her and without a word, they both hug me.
Pareho silang umiiyak habang ako ay tuluyan ng umiyak. Tahimik silang dalawa na nakayakap sa akin habang umiiyak.
"I'm sorry anak... I'm sorry for the hurtful words na nasabi ko seyo.. Hindi ko alam.. Kaya pala nung nawala ka sa buhay namin, ang bigat bigat. I don't know why pero ang sakit sakit. Ang sakit sakit kasi sariling anak ko pala yung pinagtabuyan ko." humigpit ang yakap sa akin ni tita Sasha.
Yung mga salita niya ay tumatagos sa pagkatao ko. Yung tipong wasak na wasak ka pero binubuo ka ng mga salita at yakap nila.
Humiwalay si tita Sasha sa akin at galit na tinignan si nanay kaya bahagya akong nagulat.
"Paano napunta ang anak ko sa iyo! Sino ang kumuha sa kanya!?" sumigaw si tita Sasha kaya napapikit ako pati si nanay.
Naiiyak ako sa itsura ni nanay at nasasaktan. Hindi niya deserve ang ganito. Kung napunta man ako sa kanya, minahal niya naman ako na parang tunay na anak.
"Ma'am, pwede bang iuwi ko muna si Astrid para ipaliwanang ang lahat? Ipapaliwanang ko din sa inyo ang lahat pero kailangan ko muna kausapin ang anak ko."
Umiling si tita Sasha at sarkastikong tumawa. "Anak mo? How dare you! Hindi na uuwi si Astrid sa inyo! Anak ko siya! Anak ko siya na inagaw niyo!" napaiyak na naman so tita Sasha.
Hirap na hirap ako kung sino ang lalapitan ko kay nanay at tita Sasha! Hindi ko alam na ganito pala kahirap mamimili. Na ganito kasakit pala na parehong importante seyo ay kailangan mo mamili! Hindi ko yata kaya na hindi na makita si nanay. Pero gusto ko din makilala yung tunay kong magulang.
"Astrid... Sumama ka sa amin. Kailangan natin mag usap anak. Ipapaliwanang ko lang seyo ang lahat, pakakawalan kita kahit ayoko." halos magsumamo si nanay kaya lalo akong nasasaktan. Gusto kong sumama sa kanya para masagot niya din yung mga tanong sa utak ko. Pero paano ko iyon gagawin kung ayaw na ako pakawalan nila tita Sasha?
Tumingin ako kay tita Sasha na galit pa din ang mga matang nakatingin kay nanay. Pati si tito Luther ay galit ang itsura habang nakakuyom ang kamao.
"Pwede po ba?" tanong ko sa kanila. Bahagyang lumambot ang itsura ni tita Sasha pero puno pa din ng sakit ang mga mata.
"Pwede bang hindi na?" nanginig ang boses ni tita Sasha.
"Parang awa niyo na... Kakausapin ko lang siya.." halos lumuhod na si nanay. Gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi ako makagalaw. Si Anton ay mabilis na lumapit sa kanya para alalayan siya sa tuluyan na pagbagsak.
Huminga ako ng malalim at pinilit na nilapitan si nanay. Mabilis ko siyang inalalayan na tumayo at niyakap.
"Madam, pwede po bang pagbigyan niyo si nanay na kausapin si Astrid? Ako po mismo ang magbabalik sa kanya sa inyo. I'm giving you my words."
Galit ulit ang mga mata ni tita Sasha at tito Luther na kay Anton naman nakatingin.
"Sino kaba? Bakit ako maniniwala na hindi niyo ilalayo si Astrid?" si tita Sasha na galit pa din.
Hindi nakakibo si kuya. Lumunok siya at tila ba hirap na hirap ipakilala ang sarili niya. Isang tikhim ni Tita KS dahilan para mapalingon kami sa kanya.
"I did my research, siya ang nakalakihan kuya ni Astrid. Ampon din siya ni Estrancia Dela Cruz.. He's Anton Isaac de Ocampo, Ibañez."
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika dalawampu't lima
Start from the beginning
