Galit ang mga mata ni tita Sasha na hinarap si tito Eros. She even smiled at him mockingly. "At tingin mo hindi niyo ako nasaktan? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngaun? Anak ko yung nawala Eros! Anak ko! Paano?.." nanghihina na naman siyang napatingin kay Bree na nakatulala sa sulok.
Puno ng pagsisisi at paghingi ng tawad ang mga mata ni tito Eros. Napatingin din siya kay Bree sa sulok habang nakatulala. "Naalala mo yun apo ni nanay Opel?" hindi pa natatapos yung sasabihin ni tito Eros ng mapatakip ng bibig si tita Sasha
"Oh, my, God." lalo siyang naiyak.
"Damn you, Eros! Damn you!" sigaw ni tito Luther na hindi na yata nakapagpigil na sinugod si tito Eros na hindi manlang gumalaw o umiwas sa suntok nito.
"Sana sinabi niyo nalang na nawala yung anak namin.. Sana sinabi niyo nalang ang totoo!" nagtagis ang bagang ni tito Luther. "Alam mo ba kung gaano kasakit sa amin itong sinasabi niyo ngaun? Alam niyo ba?" tuluyan ng umiyak si tito Luther na napatingin sa akin.
"Akala niyo ba masaya ako, kami ni papa na tinago namin yung nangyari sa inyo? Eighteen years, everyday, every hour, kinakain kami ng konsensya sa kasinungalingan na binuo namin. Alam niyo ba kung ano pakiramdam na nabuhay kami ng labing walong taon dala yung bagahe na iyon? Nakita niyo ba kung paano hinanap ni papa mag-isa yung anak niyo? Walang oras na tumigil siya! Isipin niyo din yung naging buhay ni papa sa loob ng labing walong taon! Kung nasasaktan kayo ngaun, isipin niyo nalang din yung sakit non para sa akin lalong lalo na kay papa. Dumating ako sa punto na sumuko na pero hindi sinukuan ni papa ang paghahanap kay Bree! Hanggang mamatay siya si Bree pa din yung iniisip niya!" halos habulin ni tito Eros ang hininga niya sa diretsong salita niya.
Naiyak ako ng maalala si lolo. Ito pala yung matagal na hinahanap niya.. Ito pala yung bagay na hindi ko maintindihan na dinadala niya. Ako pala ang dahilan! Ako pa din! Hanggang mamatay si lolo ako pa din ang iniisip niya!
"Pero ayan... Sa sobrang pagmamahal niya seyo at kay Bree, hindi siya huminto Sasha... Hindi siya huminto hanggang mahanap niya yung anak mo." literal na umiiyak si tito Eros. Si tita Sasha ay nakapikit lang pero halata pa din na iyak ng iyak. Si Kaio ay tahimik na umiiyak sa likod ni tita Sasha..
"Kaya pala... Nagbago kayong lahat nung bumalik kami.. Kung bakit nag iba kayo kay Bree.. Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi ko naramdaman na nawala yung anak ko?" pulang pula ang mga mata ni tita Sasha.. Halatang halata ang pagkahapo sa itsura niya.
"I'm sorry Sasha, Luther.. Patawarin niyo ako, kami ni papa.."
Malungkot at puno ng sakit ang mga mata ni tita Sasha na bumaling kay tito Eros na napayuko na.
"Paanong naging si Astrid ang anak ko?" tumingin siya sa akin sabay baling kay tita KS.
Huminga ng malalim si tita KS at pinunasan ang luha sa mga mata niya. "We conducted DNA test. Not just once, but hundred of times Sasha.. Iba ibang bata. Saksi ako sa hirap na nangyari kay uncle John. How he did his best to find your daughter. Hindi siya nawalan ng pag asa hanggat humihinga siya.. Naiintindihan ko yung nararamdaman niyong mag asawa pero wala naman may gusto nung nangyari. Besides, naibalik ni uncle yung anak niyo bago siya nawala."
"Sino ang kumuha kay Bree?" si tito Luther na medyo kumalma na pero halata pa din na medyo lutang.
"Iyan pa din ang hindi ko alam. Ginawa namin ang lahat pero hindi namin nalaman. Isa lang naman ang iniisip namin gagawa non, e." tumingin si tito Eros kay tito Luther. "Ang mga Dela Fuente."
"Pero hindi sila." si tito Luther.
"I know kaya nila gawin iyon!" galit na pagsingit ni tita Sasha..
"There's only person who can answer all of your question." si tita KS.
"Sino?" sabay sabay na tanong nila.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika dalawampu't lima
Start from the beginning
