ika-dalawampu't apat

Start from the beginning
                                        

Hindi na ako nagtanong dahil nagugulo ako. Ano naman ang gagawin namin? Ano ang tatapusin namin?

Manghang mangha ako kasabay ng kaba sa bilis ng patakbo ni tita Sasha sa sasakyan niya. Ngvibrate ang cellhpone ko kaya mabilis ko itong kinuha.

Anton

- Open your GPS.

Huh? Ano naman ang problema ni Anton? Hindi na ako nagreply kay Anton. Binuksan ko nalang ang GPS ko kasabay ng pagkalaglag ng panga ko ng matanaw ang malaking runway ng mga Vera Cruz.

"Ano po ginagawa natin dito?" nanginginig na tanong ko. Waves of memories flashed inside my head. How lolo and I started.. Kung paano ako napalapit sa mga Dela Fuente.. At kung paano ako nabuo at nasira ng mga Dela Fuente.

Hindi kumibo si tita KS. Mabilis niyang pinarada ang sasakyan niya sa madaming magagarang sasakyan na nakahilera. Kulay kahel ang langit dahil sa pag aagaw ng liwanag at dilim.

Nang bumukas ang pinto ng sasakyan ay bumungad ang maingay na tugtog. Tila ba may party sa loob.

"Lets go." madaling madali si tita KS na tila natataranta.

"Pero po," sagot ko na pinaghalong takot at kaba. Inalis ko na sila sa buhay ko. Bakit ba bumabalik pa din ako dito?

Huminga siya ng malalim at inabot ang kamay sa akin. "Trust me, Astrid. I want to finish what uncle John started. Para sa inyo din ito." she smiled.

Kumunot ang noo ko kasi hindi ko siya maintindihan. Sa huli, huminga ako ng malalim at tumango. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.

Madaming tao ang sumalubong sa amin. Magagara at mukhang matataas ang estado sa buhay. Hiyang hiya ako dahil literal na naglingunan sila sa amin ni tita KS.

Sa gitna ay isang malaking larawan ni Bree ang nakalagay. Kumalabog ng husto ang puso ko sa sobrang kaba.

"Where's Sasha?" salita ni tita KS sa isang babae na hindi ko kilala.

"Ma'am--" naguguluhan na tanong nung babae. Napatingin pa siya sa akin kaya napayuko ako. Nakakahiya naman kasi ang suot ko.

"Where are they?" matigas na salita ni tita KS ang nagpasinghap sa babae.

"Ma'am hindi sila pwede kausapin as of the moment. They're with Atty. Estrada, ngaun babasahin ang last will ni Mr. Vera Cruz."

Kumuyom ang kamao ni tita KS na tila ba naubusan na ng pasensya. "Nasaan sila?!" sagot ulit niya pero this time, mas malakas na ang boses niya.

Hindi pa din nagsalita yung babae kaya huminga ng malalim si tita KS at halos kaladkarin na ako pasakay ng lift.

Pamilyar ang floor na nilabasan namin. Natatandaan ko na dito kami nagpunta ni lolo noon. Ito yung way papunta ng conference room.

"Tita KS bakit po kasama ako dito?" sagot ko ng tumapat kami sa pinto ng conference room. Ang dibdib ko ay parang mawawasak sa lakas ng tambol ng puso ko.

She face me, pero this time.. Halos maiyak na siya. Bahagya niyang binuksan ang pinto ng conference room at pareho kaming natigilan.

"All of his properties including the VC aircraft will be given to Moon Astrid Dela Cruz, 5 percent of shares and the mansion in Tagaytay and half of his bank account will be given to Lucas Kaio Dela Fuente. The remaining assets will be given to Atasha Jin Vera Cruz, Dela Fuente."

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Isa isang nagtayuan ang balahibo ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Si tita KS naman ay nakangiti habang umiiyak.

"Bakit na kay Astrid lahat ng wealth ni lolo? What about me?!" Bree said hysterically.

"What happened to the will Atty? Bakit kasali si Astrid?" takang takang tanong ni tita Sasha.

Nagulat ako ng hilahin ako ni tita KS at buksan tuluyan ang pinto ng conference room.

Literal na napatingin sila sa amin ni tita KS. Para akong tinubuan ng ugat sa kintatayuan ko sa gulat at takang mga mukha nila sa presensya namin ni tita KS.

"Kenneth Shane, what's this? Bakit kayo nandito?" takang taka si tita Sasha. Napabaling pa siya sa akin na blangko ang expresyon.

Umikot ang paningin ko sa kanila. Si tito Luther at Kaio ay tahimik na nakamasid sa amin. Si tito Eros sa gilid ay namutla ay parang maiiyak. Si Bree ay pinaghalong galit at inis ang mga mata na direktang nakatingin sa akin.

Huminga ng malalim si tita KS. Para bang hindi niya alam kung paano sisimulan magsalita.

"Talagang nabilog mo ang ulo ni lolo, noh?" tumayo si Bree at dumiretso lakad papunta sa gawi ko. Pumikit ako ng mariin para hintayin lumagapak ang palad niya sa mukha ko pero hindi ito nangyari.

"What the hell?" napadilat ako ng malutong na mura ang pinakawalan ni Bree habang hawak ni tita Sasha ang kamay niya.

"Bree! Stop it!" Tumayo si tito Eros at nagsimulang lumakad sa gawi namin. Si tita Sasha naman ay nakauwang ang labi na tila ba naguguluhan habang napatayo na si tito Luther at Kaio.

"What? Pati kayo nabilog na ng babae na yan!? Why is she even here? Ano? Tatanggapin niyo nalang na binigay ni lolo ang lahat sa kanya?" isa isang tumulo ang luha niya sabay baling kay tita Sasha na parang wala pa din sa katinuan.

"Ano? Maghihirap tayo dahil na kay Astrid na ang lahat? She don't deserve this! Ako ang may karapatan sa lahat ng iniwan ni lolo! Bakit bigla nalang siyang dadating at aagawin lahat ng dapat ay sa akin?" galit na galit siya.

"Calm down, Bree." si tito Luther na parang bang gulong gulo din..

"No! Everything lolo gave her is mine. Mine only! I won't stop until I get it back. Akin yon! Akin dapat yon!" sigaw niya.

Kumuyom ang panga ni tito Eros. "He found her?" tanong ni tito Eros kay tita KS na tumango sa kanya. Napatingin si tito Eros sa akin sabay yakap ng mahigpit.

Natigilan ako sa higpit ng yakap niya hanggang tuluyan siyang umiyak. " You're still alive..." umiiyak si tito Eros. Halos hindi ako makahinga sa yakap niya.
Ano ba ang nangyayari?

"Tito Eros! Get off her! She's not one of us! Make her leave!" sigaw ni Bree.

Unti unting bumitaw si tito Eros sa akin at hinarap si Bree gamit ang blangkong expresyon.

"Hindi siya aalis coz' she deserves everything. Lahat ng iniwan ni papa are rightfully hers." sagot niya na nagpakunot ng noo ni Bree.

"W-what do you mean, kuya?" nanginginig na salita ni tita Sasha na diretsong nakatingin kay tito Eros. Pati si tito Luther ay gulong gulo ang itsura.

Lumunok si tito Eros at hinarap si tita Sasha. Parang may dumaan na anghel sa sobrang tahimik.

"I'm sorry Sasha... But... Astrid is your real daughter. She's the real Bree."


Itutuloy.....




------

Sorry for not updating. Busy po talaga ako ngaun.. I'll try my best to update more. About sa game na sinasabi ko sa page, itutuloy ko yon' medyo madedelay lang dahil hindi ko din maasikaso.

Love lots!

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now