ika-dalawampu't apat

Magsimula sa umpisa
                                        

"Ano, oo? " sagot ni nanay na parang kinakabahan. Kumunot ang noo ko at lalong nagulo sa inasta niya. Mukha naman siyang okay, pero bakit balisa ang itsura niya?

Huminga ako ng malalim at tumango. Baka nga pagod na si nanay. Kahit kayang kaya ni Anton na buhayin at bigyan ng magandang buhay si nanay, hindi ko alam kung bakit ayaw niyang itigil ang pagtitinda.

"Astrid?"

Natigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Pati nga si nanay ay nahinto sa paglalakad. Gulat na gulat ako ng bigla akong yakapin ni doctorang maganda. Yung nagtest sa amin ni lolo John noon.

"Saan ka nakatira ngaun? Ang tagal tagal kita hinanap. God!" maluha luhang salita ni doctorang maganda kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit niyo po ako hina--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong hilahin ni nanay.

"Umuwi na tayo." putlang putla ang labi ni nanay kaya nataranta ako ng bahagya. Hindi ko pa alam kung sino ang una kong haharapin kay nanay at kay doctora.

Napabaling yung doctora kay nanay na bahagyang napakunot ang noo. "Masama po ang pakiramdam niyo?" tanong niya.

"Doc一" pinutol niya ako ng mabilis.

"Tita KS nalang, Astrid." ngumiti ulit siya. Tapos yung ngiti niya malungkot na parang maiiyak na.

"Mauna na ho kami.." pagsingit ni nanay kaya nabaling ulit ang atensyon ko sa kanya.

Hinila na ako ni nanay kaya hindi na ako makaalma. "Sorry po, ano... Tita KS.." sagot ko habang hila hila ako ni nanay.

Pareho kaming natigil ni nanay sa paglalakad ng hawakan ni tita KS yung kamay ko. Nalaglag pa nga yung kakanin na dala ko dahil sa kanya.

"Sorry, babayadan ko nalang.. Pwede bang ihatid ko nalang kayo?" biglang sabi niya.

"Hindi na! Wag mo nang bayadan. Uuwi na kami!" mataas na boses na salita ni nanay kaya napasinghap ako sa gulat.

Sumeryoso ang mukha ni Tita KS. "I insist Mrs. Dela Cruz." malamig at seryosong sagot ni tita KS. Parang nagtayuan ang balihibo ko sa tensyon sa pagitan nila ni nanay. Bakit ba nagkakaganyan si nanay? Nagmamagandang loob lang naman si Doc.

Pumikit ng mariin si nanay na tila ba nahihirapan. Nanatiling nakahawak sa akin si tita KS na parang ayaw akong pakawalan.

"Sige na, nay.." sagot ko kay nanay. Tumikhim si nanay na bumaling sa akin. Bahagyang namula ang mga mata niya at hindi na umalma pa.

Tahimik kami sa byahe hanggang makarating kami sa bahay ni Anton. Ni hindi nga kumibo si nanay at si doc sa buong byahe kaya tahimik lang din ako.

Nang makarating kami sa bahay ay mabilis na bumaba si nanay. "Tara na Astrid!" madaling madaling salita niya.

Si nanay naman! Bakit ang rude rude niya? Ni hindi manlang siya nagpasalamat kay tita KS.

Hindi ako makakilos dahil sa hiya. Nakatingin lang si doc sa amin at kay nanay na nakalabas na. Lalabas na sana ako ng sasakyan ng biglang pinaandar ni tita KS ang sasakyan niya. Nanlaki ang mga mata ko ng halos mahagip niya si nanay ng pinto ng sasakyan.

"Tita, bababa na po ako." hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Narinig ko lang ang malakas na sigaw ni nanay sa pangalan ko hanggang unti unti na kaming nakalayo. Nang matauhan ako ay doon lang ako nagkaroon ng lakas para isara yung nakabukas na pinto ng sasakyan.

Si tita KS ay diretso lang ang tingin sa daan na tila ba walang pakialam kung matanggal man ang pinto ng sasakyan niya o ano.

"I'm sorry but we need to go somewhere.. May tatapusin lang tayo Astrid.." salita niya.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon