Bahagyang umuulan sa labas. Pati ang langit ay umiiyak sa pagkawala ni lolo!
"Send it to me asap." iritableng salita ni Anton kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama kami ng paningin pero sa huli ay siya ang nag iwas.
"You really want to go inside?" nag- aalalang tanong niya. Siguro, iniisip niya din na baka ako din ang masisi sa pagkawala ni lolo.
Sa ngaun, tatanggapin ko lahat ng paninisi. Ang gusto ko lang ay makita si lolo at humingi ng tawad.
Tumango ako, "Okay lang kahit sisihin nila ako. Gusto ko lang talaga makita si lolo." nagsimula na naman ako umiyak kaya umiwas ulit ng tingin si Anton. Tila ba hirap na hirap siya na makita na umiiyak ako.
Tumunog ulit ang cellphone niya. Huminga siya ng malalim at biglang lumabas ng sasakyan. Akala ko nga aalis siya pero umikot lang siya para pagbuksan ako ng pinutuan.
Pagkalabas ko ay napasinghap ako ng bahagya ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Para bang pinoprektahan ako sa sa lahat at tila ba wala siyang pakialam sa mga tao.
Pagtungtong na pagtungtong ko sa chapel ay tahimik. The place is so solemn. Tahimik na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa silver na kabaong na nasa harap.
"Ano ginagawa mo dito?" naramdaman ko na mas humigpit ang hawak ni Anton sa kamay ko. Si Bree ay galit na galit na lumitaw sa harap ko kaya napatingin sa amin lahat ng tao.
Nanlamig ang buong katawan ko ng tumayo si Tita Sasha at tito Luther kasama si Kaio.
Lumakad si tita Sasha papunta sa amin kaya nanlambot ang tuhod ko. Ang mga mata niya ay mapulang mapula at puno ng galit ng makita ako.
"Gusto ko lang makita si lolo.." sagot ko sabay kagat ng pang ibabang labi.
"Gusto mong makita? Ikaw ang dahilan kung bakit wala na si lolo! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala! Ano karapatan mong makita siya!?" sigaw ni Bree. Napapikit ako ng mariin. Naramdaman ko ang pagkuyom ng panga ni Anton at pagpapakawala ng mahinang mura.
"Bree pwede bang tumigil kana." si Kaio. Seryoso siyang nakatingin sa kapatid niya habang si tito Luther ay tahimik na hinihawakan ang kamay ni tita Sasha.
Nagtama ang mga mata namin ni tita Sasha. Literal na nawasak ang puso ko sa galit at sakit na nag uumapaw sa mga mata niya.
"Ano nangyari Astrid?" panimula niya sabay tulo ng luha. Hindi ako nakakibo. Isa isang tumutulo ang luha ko habang pinagmamasdan siya na wasak na wasak ngaun.
"Tita I'm sorry一" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umiling at lalong umiyak.
"Sorry? Mabubuhay ba ng sorry mo si papa?" pinunasan ni tita Sasha ang luha niya na ayaw din paawat.
"Sasha, not now please." si tito Luther na tila ba pinipigilan siya.
Binalewala niya si tito Luther. "Masaya akong nakilala kita. Na naging parte ka ng pamilya ko. Pero eto ba ang kapalit, Astrid?" huminga siya ng malalim na tila ba kahit siya ay hirap na hirap sa mga sasabihin niya.
Hinayaan ko siyang magsalita. Hinayaan ko siyang magsalita para ilabas ang galit at sakit na nararamdaman niya.
"Pinagsisisihan ko na pumasok ka sa buhay namin. Na hinayaan kong maging parte ka ng buhay namin. Simula dumating ka, mas naging magulo ang pamilya namin. Away ni Bree at papa. Away niyo ni Bree.. Sobrang gumulo ang lahat." napahagugol siya ng iyak.
Tahimik akong nakikinig at umiiyak kahit parang pinapatay ako ng bawat salita niya.
Si Anton ay halos hilahin na ako pero hindi ako nagpahila. Kailangan ko ito. Kailangan ko maramdaman yung sobrang sakit. Kasi, baka sakali, mawala o mabawasan yung sakit.
"Hindi ko alam kung anong meron ka para ibigay ni papa yung buhay niya para sa 'iyo. Wala na si papa... Dahil seyo.. You don't have any strings to our family now. Pwede bang huwag kana magpakita sa pamilya ko? Pwede bang iwasan mo na ang kahit sino sa pamilya ko?"
Ang sakit sakit. Bakit parang hindi ko kaya lahat ng sinasabi ni tita Sasha? Gusto kong mawala nalang bigla sa harap nila dahil sa sobrang sakit ng mga salita niya.. Pero siguro, yun naman talaga ang deserve ko diba?
"With all due respect madam," pagsingit ni kuya Anton.
Napatingin sa kanya si tita Sasha." I feel sorry for what happened to your old man, but it's wrong to blame Astrid for your loss."
"At bakit? Siya naman talaga ang may kasalanan!" pagsingit ni Bree.
Kumuyom ang panga ni kuya at may kung anong dinukot sa bulsa niya. Nilabas niya ang cellphone niya at may kung anong pinindot na nagpatulo na naman sa luha ko at nagpatahimik kay Bree.
"Jan ka nababagay! Sa baha! Sa maduming tubig! Basura ka!"
Boses ni Bree ang umalingawngaw sa video. Kitang kita doon kung paano niya ako tinulak at paano ako niligtas ni lolo.
"This is the video of what really happened yesterday at Bistro." salita niyang malamig sabay tingin kay Bree. "You forgot there's this thing called CCTV."
Tuluyan ng hindi nakakibo si Bree at nawalan na ng kulay. Napatingin si tita Sasha sa kanya na halatang nagulat at lalong nasaktan.
Bumaling siya sa akin na malamig pa din ang mga mata. "Ikaw pa din ang dahilan. Umalis kana dito Astrid.. Tigilan muna ang pamilya ko." tsaka niya ako tinalikuran.
Hinila na ako ni Anton hanggang makarating kami sa parking lot. Huminto siya at marahan akong tinahan.
"Tama na Astrid.." pinaghalong frustration at galit ang boses niya.
Pinalis ko ang luha sa mga mata ko, " Bakit ganoon? Sanay naman ako inaapi, pinapagalitan at pinagsasalitaan ng masasakit ng ibang tao, pero bakit kay tita Sasha, ang sakit sakit.."
Umiyak ako ng umiyak ng yakapin ako ni Anton.
Pinasok ako ni Anton sa sasakyan at tahimik siyang ng drive. Nakaramdam ako ng matinding pagod hanggang unti unting pumikit ang mga mata ko.
"Bree..."
Bakit Bree ang tawag sa akin ni lolo?
"Lolo!" masayang masaya sabi ko habang palapit kay lolo John na nakaupo sa isang swing. Mabilis akong umupo sa katabing swing na bakante. Hindi ko na din pinansin kung bakit Bree ang tawag niya sa akin.
Ti-nap niya yung ulo ko pag kaupong pag kaupo ko.
"Masayang masaya ako kasi nahanap na kita.. Masaya ako kasi lumaki kang mabait na bata. Wag na wag mong papasakitin ang ulo ng mommy mo ha? Kahit wala na ako, palagi kitang babantayan.. Palagi ko kayong babantayan ng mommy mo at kapatid mo." ngumiti si lolo John. His smile is melting my heart. Kahit kasi buhay siya hindi ko siya nakita na ganoon ka-genuine ang ngiti.
"Nawala man ako sa mundo. Natapos ko naman yung mission ko na hanapin ka. Mahal na mahal kita Bree. Huwag mong sisihin ang sarili mo kung anong nangyari. It was my choice to save you.. Ganoon kita kamahal Bree.."
Tahimik lang ako hanggang unting unti nang nawala si lolo John..
"Bree.." napatingin ako sa babaeng sumigaw...
"Mommy!!!" pawis na pawis ako na napa-upo sa kama. Kasabay ng pagtulo ng pawis sa noo ko ay sobrang lakas na kalabog ng dibdib ko.
"Astrid, ano nangyari?" nag-alalang tanong ni nanay.
"Nay.. napanaginipan ko po ulit..." nangingig ang labi ko. Bakit sa panaginip ko ako si Bree? At bakit....
Ayan na naman ang namutlang kulay ni nanay pero tikom ang kanyang bibig.
"May mukha naba yung babae a-anak?" nangangatog na salita ni nanay. Tumango ako.
"Si tita Sasha..."
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika-dalawampu't tatlo
Start from the beginning
