ika-dalawampu't tatlo

Start from the beginning
                                        

Hindi ko siya matapunan ng tingin. Kagabi ng makauwi ako sa bahay ay iyak ako ng iyak. Sinabi ko kay nanay kung ano ang nangyari. How lolo sacrificed his self for me.

Isa pa iyon sa hindi matanggap ng sistema ko. Parang hindi ko na kayang mabuhay knowing na may namatay para sa akin.

"Nay.. Hindi ko naman talaga gusto mamatay si lolo.. Hindi ko sinasadya.." unti unti na naman tumulo ang luha ko na hindi na yata mauubos. Ni hindi ko na nga maidilat ang mga mata ko sa sobrang pag iyak.

Huminga ng malalim si nanay at sinabit sa tainga ko ang takas na buhok ko. "Hindi mo naman kasalanan iyon, Astrid. Ginusto ka iligtas ni lolo John mo kaya wag mong sisihin ang sarili mo." seryosong sagot niya.

Lalo akong umiyak. Kahit anong sabihin nila na hindi ko kasalanan iyon ay hindi ko matanggap.

"Astrid, hindi ko alam kung matutuwa ako na pinalaki kita na nasobrahan sa kabaitan. Minsan, kailangan mo din lumaban kapag sobrang naapi kana. Lumaban ka kapag alam mong tama ka. Likas sa tao ang maging mabait o masama. Pero para mabuhay ka at maging patas sa iba, kailangan mo din minsan manakit ng para hindi ka masaktan. Walang perpektong tao, anak. Hindi mo ikakasama kapag lumalaban ka sa mga nang aapi seyo. Minsan kailangan talagang maging masama, maging malupit, dahil minsan yun lang ang makataong paraan."

Niyakap ako ni nanay ng mahigpit at tsaka ko ibinuhos lahat ng luha ko. Dati kapag masama ang loob ko, isang yakap lang ni nanay ay gumagaan ang pakiramdam ko. Pero nasa punto ako ngaun na kahit yakapin niya ako maghapon, it's useless.

Bumukas ang pinto ng silid ko kaya humiwalay sa akin si nanay. Ang paningin ko ay bahagyang nanlalabo dahil sa sobrang pag iyak.

Pagod na mukha ni Anton ang bumungad. Nag-aalang mga mata at pangang nag-iigtingan.

"Anton," si nanay ang nagsalita. Ang puno ng pag-aalalang mga mata niya ay napalitan ng galit. Lumakad siya palapit sa akin. Si nanay ay tahimik na tumayo para bigyan ng pwesto si Anton.

"Astrid, lalabas muna ako. Kumain ka." salita ni nanay hanggang sa talikuran na niya ako.

Hindi ako nagsalita. Hanggang sa makalabas si nanay ay tumutulo pa din ang luha ko. Kahit ang hiyang nararamdaman ko kay Anton ay hindi mapatigil ito.

"Baby..." isang salita ni Anton. Walang salita ay bigla akong napayakap sa kanya ng mahigpit na halos ikalaglag niya sa kama. Isang mura ang pinakawalan niya sabay yakap sa akin pabalik. Ang kamay niya ay marahang hinahaplos ang buhok ko na bahagyang nagpakalma sa akin.

"Kumain kana." malamig ang boses niya. Ang kabang nadadama ko noon para sa kanya ay natatabunan ng sakit na nararamdaman ko ngaun.

"Anton puntahan natin si lolo." sagot ko na nakayakap pa din sa kanya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Tila ba nagdadalawang isip sa kung anong dapat sabihin.

Inihiwalay niya ako sa kanya at tsaka pinunasan ang mga mata kong puno ng luha.

Sakit, takot at galit ang emosyon na naghalo halo sa mga mata niya. Marahan niyang sinaklop ang pisngi ko at pinunasan ang luha na patuloy ang pagtulo.

Bumuka ang bibig niya pero sa huli ay napili niya nalang manahimik at itikom ito.

Kumain ako at nag-ayos ng sarili. Sinabi kasi ni Anton na sasamahan niya ako sa burol ni lolo kaya kumain ako ng kaonti. Habang nasa byahe kami ay tahimik kaming pareho. Ang tanging nagiging ingay lang ay ang padagsa dagsang paghikbi ko.

Nagring bigla ang cellphone ni Anton. Binalewala ko iyon dahil dumating na kami sa isang chapel kung saan nakaburol si lolo. Madaming magarang sasakyan ang nandito at madaming tao ang nagdadalamhati sa pagwala ni lolo.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now